“SIGE ho Kap, ako na ho ng bahala dito. Kakausapin ko lang ho si Noah sandali pagkatapos ay aalis na rin ho ako.” Ani Lianne kay Kap Martin ng nasa balkonahe na sila ng bahay na tinitirihan ni Noah. Maliit lamang ang balkonahe pero mukhang presko sa parteng iyon ng bahay. Napansin lang niya ang ilang mga halaman na nalalanta na habang ang iba ay lanta na talaga. “Sigurado ka ba?” mukhang ayaw pa siyang iwan ng kapitan subalit mukhang kailangan na rin nitong umalis. Tumango siya at bahagyang ngumiti. “Oho. Sandali lang naman ho ako dito. Ibibigay ko lang itong utang ko sa kanya.” itinuro niya ang case ng beer. Tumawa ang kapitan saka umiling-iling. “Siya, maiwan na muna kita riyan dahil kailangan ko pang pumunta sa barangay at may meeting pa kami.” Paalam nito sa kanya. “Sige ho Kap. Ma

