Chapter 52

2348 Words

NAGISING si Noah na may mahapdi sa kanyang kamay. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Agad niyang naramdaman ang pananakit ng kanyang ulo hanggang leeg na marahil ay nangawit sa naging puwesto niya habang natutulog siya. Bahagya pa siyang nagtaka ng mapansing sa sahig siya nakasalampak at nakasandal sa dingding katabi ng ref. Itinaas niya ang kanang kamay dahil doon niya nararamdaman ang hapdi. Nagsalubong ang mga kilay niya ng makita ang benda sa kamay niya. Sinikap niyang alalahanin ang nangyari habang binibistahan ang kamay na may benda subalit medyo malabo na iyon sa kanyang diwa. Sa nanlalabong imahe ay natatandaan niya kaninang bigla siyang nagising. Basta parang may biglang gumising sa kanya at dahil sa mahabang sofa siya nakatulog ay nalaglag siya. Bumangon siya pero muli si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD