bc

Forget Me Not

book_age18+
108
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
confident
student
drama
bxb
lighthearted
campus
first love
school
like
intro-logo
Blurb

FORGET ME NOT is a story about Nine and how he discovers his true self.

Nine is a college student, from a very rich family. He is the only child of the owners of a well-known multi-million construction company in the country. Despite all the privileges in life, Nine never sees himself as special or superior to anyone. Humility is one of his good traits which led him in meeting and later on, be friends with Sebastian Santos, the eldest of Nine's personal driver.

As their friendship grows, the strange and unusual bond between them will soon develop.

As for Nine, is it because of their closeness? Is it just because of their strong attachment? or is it something else? Something both Nine and Sebastian never anticipated in the first place?

Will they embrace everything as the truth unfolds or will they run away and just forget what they found out?

[ This is my first time writing a BL story on this platform. I hope you support me in my endeavor as an aspiring writer. Thank you in advance! ]

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Lucky Nine
May mga bagay at pagkakataon na hindi natin kontrolado. Mayroon din namang mga sitwasyon na pinipili nating tahakin kahit hindi tayo sigurado. Minsan ang unfair talaga ng mundo, pero madalas hinahayaan nating maging biktima tayo ng mapanlinlang na sistema ng tao. Don’t get me wrong sa salitang “hindi sigurado” kasi ako? sigurado ako sa kanya, pero sya kaya, sigurado kaya sya sa akin? Ang simple ng tanong, hindi ba? Pwede ko sana syang tanungin directly to get the answer right away. Kaso… hindi ko alam kung kakayanin ko ba yung sagot na maririnig ko mula sa kanya o naibigay na nya sa akin yung sagot na hinahanap ko, sadyang nagbubulag-bulagan lang ako. He is my rainbow. That is what I used to tell him ever since we started dating. Hindi ko ma-imagine na sa maraming beses na sigurado ako, pagdating sa kanya, nalulunod ako ng pagkalito. Mahal ko sya pero sapat na ba ang pagmamahal ko sa kanya para maging masaya kaming dalawa? While he is my rainbow, how about me? What am I to him? Who am I to him? It is kind of scary knowing the gap we have and probably, we will always have between us... or so I thought. --- My name is Nine. Nine, as in number nine. Nagtataka siguro kayo kung bakit numero ang pangalan ko.   To tell you honestly, my parents named me Nine because it was during their 9th wedding anniversary when they found out na buntis si mama. Nag-iisang anak lang nila ako. Hirap kasing magbuntis si mama. Ilang miscarriages ang nangyari bago naging successful ang pagbubuntis nya. Our family members used to tell me na miracle baby daw ako. My parents devoted their time going to different churches para magdasal na sana mabiyayaan sila kahit isang anak lamang.   Siguro iniisip ninyo, “Buti may time silang gawin iyon?”. Well, meron talaga silang time because both of my parents are known as successful business owners of a multi-million construction company. Mayaman sila pero yung idea na magkaanak, kahit ilang doctors na ang pinuntahan nila ay walang nagawa ang mga ito dahil normal naman ang result ng tests nila mama at papa. Until one day, they found out that my mother is pregnant at iyon ang start ng history sa kung paano at bakit Nine ang ipinangalan sa akin. Maliban sa 9th wedding anniversary nila nalaman na buntis si mama, the day na pinanganak ako ay December 9 and when my grandparents visited my mom sa hospital, my lola exclaimed “It is a miracle to have him, let’s name him Nine, our lucky Nine”.   Enough with the history of my name. I am now in my 3rd year in college at ang kurso na pangarap kong matapos ay Bachelors in Art and Design. Bata pa lamang ay pangarap ko ng gumawa ng sarili kong pangalan sa field na ito. Hindi naman tumututol ang parents ko tungkol dito. They are the best parents in the whole wide world kaya wala akong ibang nais kundi ang mapasaya sila.   Napaka-swerte ko sa parents ko kasi kahit na nag-iisang anak lang nila ako, hindi sila kagaya nung ibang parents na napaka-strict at kontrolado ang buhay ng anak nila. My parents are very supportive and loving. Kaya lahat gagawin ko para maging proud sila sa akin.   As for me, hindi ko masasabing mabait akong tao. I mean, hindi ako spoiled brat pero hindi rin ako yung tipong sobrang bait talaga. I don’t know, telling you about myself made me realize that I actually do not know who really I am as a person. Ang weird bigla.   “What’s up Nine!” bungad sa akin ni Francis. Isa sya sa best friend ko dito sa university.  Actually, dalawa lang ang kaibigan ko dito sa school. Si Francis na outgoing and extrovert at si Ashley na introvert naman and very quiet. Ako naman ay yung balance sa grupo. Nakakatawa ba? Magkakaiba kami pero kami yung magkakasama simula noong freshmen pa kami.   “Where is Ashley?” tanong ko kay Francis habang inaayos ko ang sleeve ng polo ko na nagusot ng bigla syang lumapit sa akin. Naglalakad kami ngayon papasok sa classroom namin. Very unusual na malapit na mag start ang klase namin pero wala pa si Ashley. Nagpalingalinga ako pero walang Ashley na lumitaw.   “Hindi ko alam dun. Tinatawagan ko kanina pa pero hindi sumasagot.” Patay malisya lamang na tugon sa akin ni Francis.   May napadaan na isang student at nakipag high five pa si Francis dito. Lahat yata ng estudyante dito sa campus kahit yung hindi namin kaparehas ng kurso ay kilala sya.   “Musta tol? Basketball tayo mamaya.” Banggit pa nya sa lalaking naka high five nya kanina. “Oo sige, kit ana lang tayo sa court!” Sigaw sa kanya nung lalaki na naglakad na palayo sa amin. Napapailing na lamang ako.   “Baka may sakit kaya absent?” Sagot sa akin ni Francis ng lingunin nya ako.  Napansin nya sigurong hindi ako satisfied sa sinagot nya sa sakin kanina.   Ito pa yung isa sa weird thing about me. Para sa akin ay normal ako na mabait at madaling pakisamahan kaso yung mga kaibigan ko, minsan parang takot sila sa akin. Which is napapaisip ako madalas kasi ano namang ikakatakot nila sa akin. Like hello? Ang bait ko kaya plus ang pogi ko pa.   Nagkibit-balikat na lamang ako sa sinagot ni Francis then we decided to enter our room.   Icha-chat ko na lang si Ashley mamaya.   “Okay class, take a look in this example” Nagle-lecture na ang prof namin pero until now ay wala pa rin si Ashley. Mukhang hindi sya late today, umabsent talaga sya ngayon.   Nasa kalagitnaan kami ng klase ng biglang kumatok ang dean ng Faculty namin na si Sir Bravo. He raised his hand to our professor, motioning him to stop his lecture for a while. Isa ito sa sistema dito sa school na hindi ko mawari na kapag may mahalagang announcement, nagru-room to room talaga si Dean Bravo instead na mag announce during our general assembly.   Pinapagod nya lang yung sarili nya.   “Good morning everybody, may I just have a moment with you. This is a very important matter. It has something to do with the new rule to be applied in your batch.” Nagpunta si Dean Bravo sa gitna at malakas ang boses na nagsalita ito sa harap. Maotoridad ang tono ng boses nito.   “I would like to inform you that those students with a grade of 1.75 up to 5.00 will be under a strict monitoring. Isang taon na lamang at ga-graduate na kayo. As we all know, ang university natin ay well-known for producing highly competitive graduates therefore ngayon pa lamang kailangan na ninyong iimprove ang inyong grades. Ang target natin ay 1.5 to 1.00 general average for each graduate of the school. Yes, for elites ang school natin pero uunahan ko na kayo, hindi madadaan sa pera ang mataas na grades. We will never tolerate bribery and cheating in this university kaya yung mga nagtatangka dyan, huwag na ninyong ituloy pa. You must work hard to earn what you deserve.”   Tahimik kaming nakikinig kay Dean Bravo. No violent reactions mula sa mga kaklase ko.   Well, not for me, so I raised my hand to get his attention. Pipigilan pa sana ako ni Francis pero huli na dahil naitaas ko na ang kamay ko.   We are living in a democratic country therefore I am entitled to express my opinion. Ayokong basta-basta na lamang sumang ayon sa ganitong bagay without understanding it’s clear objective.   “Yes, Mr. Villafuerte?” That’s how Dean Bravo addresses us. Very formal and take note, he knows us all. I give him credit for that but still, what I just heard is something I cannot accept right away.   I remained sitting and I can feel that all eyes are on me pero hindi ako nagpatinag. Bakit naman ako maiintimidate o matatakot? I am just practicing my rights.   “Dean, naiintindihan ko po ang objective ninyo at ng buong admin ng school but I think it is not a good idea. Yes, mapapaganda nito ang status ng school at mapapatunayan nating mula noon hanggang ngayon ay mataas ang standard ng school pero aanhin natin ang mataas na grades ng mga students kung mental health naman namin ang nakataya? What you just mentioned is very one-sided. Tiningnan nyo lang yung benefit nito para sa school pero hindi ninyo kinonsidera yung side naming mga students.”   I heard my classmates’ gasp. I can also see my professor, moving his head in disagreement to what I just said. It’s as if he is telling me na hindi ito ang tamang lugar para sa inilalaban ko and this infuriates me more. Bakit ba mas madali sa kanila ang manahimik at sumunod na lamang kung alam naman nilang hindi ito makakabuti sa kanila?     Dean Bravo was about to speak up pero inunahan ko na syang magsalita.   “Haven’t you heard the concept of multiple intelligences, Dean? Might as well consider that as your basis for your promotion of “highly competitive graduates””. I said it with a smirk.   Napansin kong nagbuntong hininga si Dean Bravo and he smiled to me, a fake smile actually. Maya-maya pa ay nagtaas rin ng kamay si Bryan, isa sa mga kaklase ko.   “Dean, mawalang galang na rin po pero I agree with Nine. Might as well consider the other factors that might be affected because of this sudden change in the system.” Confident na nagsalita si Bryan. In my mind ay gusto ko syang palakpakan at pasalamatan dahil at least hindi lang ako ang nagsalita at nagpahayag ng pagtutol sa bagong panukala na ito.   Nilingon ko si Bryan at nakangiting tumango ako sa kanya, as if telling him that he did a great job. Yes, katunggali ko si Bryan dahil running for summa cumlaude sya kagaya ko. Madalas na magkaiba kami ng views. Madalas na nagkakaroon ng heated argument sa klase namin dahil sa aming dalawa pero setting aside our academic lives, I see him as a very kind person, and a very friendly one. Maraming lumalapit sa kanya para magpatulong sa acads nila at namamangha rin ako sa kanya dahil tinutulungan nya ang mga ito ng may ngiti, na tila ba hindi ito nakakadagdag sa mga bagay na kailangan nya ring i-prioritize.   If ever na hindi ako maging summa c*m laude, I wish him to be our batch’s summa c*m laude. He deserves it.                                                                             “Thank you for giving your opinions. We will take into consideration that idea of yours. For the mean time we will impose what I just announced a while ago and for any changes, we will inform you right away.” Ngumiti muli si Dean Bravo at pagkatapos ay sinulyapan nito ang professor namin.   “Mr. Chua, after your class, visit me in my office to discuss an important matter.” Sabi nito kay Sir Chua. Hindi nakalampas sa akin ang pagtitig nya sa guro namin na may halong pagbabanta.   “Mukang hindi maganda ang kinalabasan ng sinabi mo. Kawawa naman si Sir mukang bubula mamaya dahil masasabon ni Dean Bravo” Bulong sa akin ni Francis. Mas lalo akong nainis. Bakit ba ang unfair palagi ng mundo?  What I hate the most is injustice.   Pinagpatuloy na ni Sir Chua ang lecture nya sa amin pagkatapos lumabas ni Dean Bravo.   Ilang minutes pa ay natapos na nag klase namin. Nagsilabasan na ng room ang mga kaklase ko. Pinauna ko na rin sa cafeteria si Francis, sinabihan ko na lamang sya na susunod na lang ako sa kanya. Plano ko kasing kausapin muna si Sir Chua tungkol sa nangyari kanina at sa inasal ko na rin.   “Sir, I am sorry for what happened earlier. I didn’t mean to cause you any trouble, gusto ko lang po ipaglaban yung mga kaklase ko. Kilala ko sila, yung iba sa kanila hindi talaga magaling sa academics at mabababa ang grades pero nage- excel sila sa sports which is di naman nace-credit into academic grades.” Mabilis na paliwanag ko kay Sir Chua. Nagi-guilty kasi ako na pati sya ay nadamay pa.   “It’s fine Mr. Villafuerte. Ang mapapayo ko lamang sayo, know your battle. And please, do your best to improve your acads. Alam nating dalawa na running ka as suma c*m laude pero first sem pa lang, bumababa na ang grades mo. Know your priorities.” Alam kasi ni Sir Chua na mula nung pasukan ay nahahati talaga ang oras ko.   “I know it is your passion to rescue those stray dogs kaya sumali ka sa club na hawak ko pero naaapektuhan na nito ang academics mo.” Paliwanag pa ni Sir sa akin. Aminado naman ako, mula nung naging president ako ng organization to save stray dogs ay mas naglalaan na ako ng oras para sa club namin kaysa sa pag-aaral ko. I can’t help it, animals were victims of injustices and cruel treatment too.   Maya-maya pa ay nagpaalam na si Sir at nauna na itong lumabas na ng classroom namin. Lalabas na rin sana ako ng saktong nag ring ang phone ko.   “Nine, nag-exam ba kayo kanina? Absent ako today eh” Bungad sakin ni Ashley.   Wow, buhay pa pala sya. Bakit kaya ito umabsent?   “Naglecture lang si Sir Chua kanina, hindi kami nag exam.” Sagot ko naman sa kanya habang inaayos ko ang gamit ko sa bag. “Ah okay buti naman, sige Nine see you tomorrow sa campus” Simpleng tugon lang sa akin ni Ashley kaya napataas ang kilay ko sa narinig mula sa kanya.   Wala man lang talaga syang balak na magsabi bakit wala sya today.   “Wait, bakit ka ba absent today?” Usisa ko sa kaibigan ko na never pang umabsent sa tanang buhay nya.   Oo na usisero na ako kung usisero, anong magagawa ko, this is very unusual. Baka mamaya may problema si Ashley and he needs help pero hindi nya lang masabi. Very secretive kasi sya, at ako, hindi naman ako kagaya nya na magaling bumasa ng tao.   “Bukas ko na lang ipapaliwanag. Salamat ulit”Narinig kong nagbuntong hininga si Ashley at matapos ng sinabi nya ay ibinaba na nya yung tawag.   “That’s very weird. Ano kayang meron?” Bulong na tanong ko naman sa sarili ko.   I brushed off these thoughts in my head. Sinakbit ko na ang bag ko at nagdesisyong magpunta na ng cafeteria. As I walk towards the cafeteria, naamoy ko kaagad ang iba’t ibang pagkain, marami ring estudyante na nagsisikainan kaya medyo maingay ang paligid.   Hayst, nagugutom na ako.   Nakita ko kaagad si Francis sa area kung san kami madalas na tumatambay at kumakain na magkakaibigan. He waved his hand to me para siguro makita ko sya kaagad, I just rolled my eyes at him, as if naman kasing hindi ko alam kung san ako pupunta at pupwesto. Napansin kong may kasama syang babae sa table namin kaya nagtatakang ibinaba ko ang bag ko sa bakanteng upuan sa harapan ko.   I gave Francis a questioning look.   “Ah Nine ito nga pala si Mae, girlfriend ko. Mae, si Nine isa sa best friend ko, yung isang kaibigan naman namin ay absent today kaya hindi pa kita mapapakilala sa kanya.” Francis introduced us. Ngumiti sa akin si Mae and inabot ang kanyang mga kamay para mag shake hands kami. Tinanggap ko naman ito at ngumiti rin sa kanya.   Girlfriend lang pala, akala ko naman kung sino na. Wait, what?! Girlfriend as in girlfriend, jowa? Partent? Labidabs? Si Francis may Girlfriend?!   “Woah, wait, ulitin ko lang dude, mag jowa kayo?” Tanong ko sa kanilang dalawa. Nagtataka naman si Mae sa inaakto ko pero si Francis hindi nya napigilang tumawa sa naging reaksyon ko.   “Hahahahha seriously dude? Anong nangyari sayo? May sapi ka ba? You reacted as if isang malaking himala yung nabalitaan mo” Tumatawang banggit ni Francis at akmang   “Mae pasensya ka na ha pero sure ka bang boyfriend mo itong mokong na ito? May panahon ka pa para magbago ng isip” Pabirong tanong ko naman kay Mae. Syempre kung girlfriend sya ni Francis ay gusto kong maramdaman nyang welcome sya sa grupo namin na hindi nya kailangang mailing sa amin.   “Hey! Sinisira mo reputasyon ko sa girlfriend ko” Sabat naman ni Francis sabay akbay pa nito kay Mae.   Umakto naman ako na kunwaring nasusuka sa sweetness na pinapakita ni Francis kay Mae.   “Tara na nga at umorder na tayo ng lunch natin, gutom lang yan Nine.” Yaya sa akin ni Francis na natatawa pa rin sa inaasal ko sa harap ng girlfriend nya.   “Wag mo pansinin itong kaibigan ko babe, minsan talaga walang common sense yan pero harmless yan, baka nakagat lang sya ng isa sa mga asong nirescue ng club nila kaya mukang may rabies sya”. Pabirong banggit naman nito sa girlfriend nya.   “Mae, ulitin ko lang, may time ka pa para magbago ng desisyon sa buhay” banggit ko ulit kay Mae. Binatukan naman ako ni Francis dahil sa kakulitan ko. Naglakad na kami papunta sa food stalls sa loob ng cafeteria. Habang namimili ng food na oorderin ay napansin kong tila bigla namang nagging seryoso ang muka ni Francis tapos ay sige pa sya buntong hininga.   Naiirita ako sa kanya. Para syang may gusting sabihin na hindi nya masabi kaya pinigilan ko sya sa paglalakad at diretsahang tinanong.   “Umamin ka nga, nabuntis mo ba agad si Mae? Sige ka buntong hininga dyan.” Hinawakan ko pa sa braso si Francis to get his full attention.   “Siraulo, anong nabuntis. Umayos ka nga Nine, pang out of this world na naman yang imagination mo” Binatukan na naman ako ni Francis.   “Ikaw, namumuro ka na ha!” Akmang babatukan ko rin sya pero syempre di ko tinuloy, hindi ako sadista kagaya nya.   “So, ano nga? Kanina kausap ko sa phone si Ashley, ang weird nya. Tapos ikaw, kasama ako ngayon kanina ang saya-saya mot apos ngayon sige ka buntong hininga.” Pagbibigay diin ko sa mganapapansin kong behavior nila ni Ashley.   “Dude, tingin mo okay lang bang wag na lang natin ipaalam kay Ashley na may girlfriend ako?” Tanong sa akin ni Francis habang seryoso syang nakatingin sa mg pagkain na pinagpipilian nya.   “Huh? Bakit naman ililihim kay Ashley ang ganitog bagay? Magkakaibigan tayo so bakit tayo maglilihiman? Hindi ko mai-connect yung idea” Nagtatakang tanong ko naman kay Francis. Kung weird si Ashley, mas weird sya ngayon.   Bakit parang ang weird ng lahat ng nangyayari today? Tanong ko sa sarili ko.   “Eh alam mo naman yun, napaka-OA at clingy sa atin lalo na sa akin. Daig ko pa may kasamang tatay kapag andito tayo sa school.”   Sabagay, since extrovert si Francis at introvert naman si Ashley, madalas na masermunan ni Ashley si Francis lalo na kapag napupuyat at nale-late ito sa pagpasok sa school dahil sa hang-over nito kakapunta ng club every night. And to solve the problem tungkol sa pagdisiplina kay Francis, everyday ay sinusundo at isinasabay na ni Ashley si Francis papasok ng school. Malaking tulong din ito sa parents ni francis in terms of pagdidisiplina sa anak nilang sobrang pasaway at happy go lucky.   “Dude, Ashley might be protective lalo na sayo pero kaibigan ka nya and he will understand this. Magkakaibigan tayo, and we should support one another unless ikakapahamak mo yang pagkakaroon mo ng girlfriend, yan dyan magagalit si Ashley. Huwag ka ng mag-alala pa dyan, malay mo may girlfriend na rin si Ash hindi lang nya sinasabi sa atin.” Nonchalant na sagot ko naman kay Francis habang nakatuon ang mga mata ko sa sinigang na baboy na syang oorderin ko. Namiss kong kumain nito. Natatakam ako.   “Hindi ganun si Ashley.” Sagot agad sa akin ni Francis. Nahimigan ko ang pagkairita nya sa sinabi ko kaya napalingon ako sa kanya.   Weird.   “What I am trying to say is, hindi sayo o sa atin umiikot ang mundo ni Ashley so chill ka lang dyan at wag kang mag-alala na baka magalit si Ashley pag nalaman nyang may gf ka na. Mas magagalit pa yun pag nilihim natin ito sa kanya. We’re friends remember?” Paliwanag ko naman kay Francis. Napansin kong lumambot ang expression ni Francis. Ang weird naman kasi na sobra syang concerned sa ganitong kasimpleng bagay.   Hindi na sya nagsalita pang muli tungkol sa topic namin kaya nagpatuloy na lang ako sa pag-order ng sinigang na baboy na paborito ko.   Sinigang, here I come!        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

NINONG

read
393.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.9K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.0K
bc

NINONG II

read
651.4K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook