It’s been two weeks since the day I found out na yung babaeng nakita ko sa coffee shop ay ang ex-girlfriend ni Santos noong high school pa lamang sya. And it’s been two weeks mula ng halos everyday na akong nagpupunta sa coffee shop para bantayan sya kahit pa sinabi nya sa akin na wala akong dapat na ipag-alala dahil wala na silang koneskyon sa isa’t isa maliban sa pagiging magkaibigan na lamang. “Nine? Tulala ka na naman dyan hahaha pinuyat ka ba ng bebe mo kagabi?” Bungad na biro sa akin ni Francis kaya agad ko syang tiningnan ng masama. Ang aga-aga, pang aasar agad nasa utak nya. Speaking of Santos, kagabi kasi ay sa condo ko na naman sya natulog. Actually, napapadalas yung sleepover nya sa condo ko pero kahit ganoon ay walang nangyayari sa aming dalawa other than those heated momen

