Alas syete na ng gabi ngunit heto at naririto pa rin si Santos sa condo ko. “Hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na sa bahay nyo?” Nag aalalang tanong ko sa kanya. Alam kong day off rin ni Kuya Leo ngayong araw kaya baka hinahanap na sya ni Kuya Leo. “Ahm... pwede bang dito ako matulog ngayong gabi?” Nag alangan na sambit nya. Huh? Matutulog sya dito? Kaming dalawa lang ang nandito ngayon... “Ha?!” Nabibiglang sagot ko sa kanya. Pasensya naman, parang nakakailang kasi bigla. Ay mali! Hindi nakakailang, nakakanerbyos pala! Wushoo... nerbyos ba talaga o excitement? Panunuya ng aking isipan. “Ayaw mo ba?” “Ha? hindi! Gusto ko nga eh” Mabilis kong tinakpan ang bibig ko ng ma-realize kong nasabi ko ng malakas yung nasa utak ko lang kanina. “Sige n

