CHAPTER 19: Won't let you go

3062 Words
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tahimik na ginugunita ang samahan namin nila Nine, Ashley at Francis.   Sa umpisa ay alam kong pagkakaibigan ang mayroon kami lalo na ni Nine pero sa paglipas ng panahon alam kong unti-unting nagbago ang nararamdaman nya para sa akin. Aaminin ko, masaya ako sa mga nangyayari.   Maaaring imposible dahil mayaman sya at ako ay anak mahirap.   Maaaring imposible kasi parehas kaming lalaki.   Maaaring imposible dahil mahirap abutin ang isang Nine Villafuerte.    Pero umaasa ako sa himala na baka sakali na mapagbigyan ng tadhana ang nararamdaman ko para kay Nine.   Mahal ko sya mula noon hanggang ngayon. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. Sa katunayan nga ay mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya.   Mas naging motivated ako na magsumikap, hindi lang para sa pamilya ko kundi para kahit papano ay maipakita kong karapatdapat ako sa pagmamahal ni Nine. Oo, mababait ang mga magulang nya pero alam ko rin na mahihirapan akong kunin ang pag tanggap nila.   Naalala ko pa yung insidente sa labas ng cr kung saan sinabi ni Nine na we will take things little by little. One step at a time. Nung marinig ko iyon, halos lumundag ang puso ko dahil alam ko at ramdam ko na mahal na rin nya ako. Kailangan lang naming mas maging sigurado dahil nakataya rin ang pagkakaibigan namin at ang reputasyon namin sa papasukin naming relasyon. Naiintindihan ko si Nine kaya buong puso akong maghihintay sa kanya.     "Kuya! hindi ka pa ba papasok sa loob? Para kang ewan na nakangiti dyan" Naputol ang aking pag gunita sa mga pinagdaanan namin ni Nine ng marinig ko si Bugoy na tinatawag ako. Narito na kasi ako satapat ng aming bahay.   "Oo heto at papasok na ako" Sigaw ko naman sa kanya. Nauna na syang pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay napansin kong nailigpit na nila yung mga pinagkinan namin kanina kaya nagdiretso ako sa aming kusina para tingnan kung may mga hugasin pa ngunit wala na, mukhang nakapaghugas na rin sila kaagad kanina.   Ang tagal ko pala sa labas kanina.   Agad akong naglakad paapasok ng kwarto namin. Iisa lang kasi ang kwarto namin. May dalawang double deck bed kung saan natutulog ang tatlo kong mga kapatid at si papa. Ako naman ay sa sahig na lamang naglalatag. Noon ay si papa ang nakapwesto sa sahig pero dahil matanda na si papa, nakipagpalit na ako sa kanya ng higaan. Napapadalas rin kasi ang pagkirot ng likod nya.      "Bea, nakita mo ba ang cellphone ko?" Tanong ko sa kapatid kong nakapwesto na sa higaan nya.   "Andun kuya sa may cabinet, tinago po ni Kuya Bugoy kasi gusto maglaro ni Kuya Binggo ng games eh kaka-charge lang po ni Kuya Bugoy." Matapos marinig ito ay saka ko kinuha ang cellphone ko na ansa loob ng nga ng cabinet namin.   Nang makuha ko ito ay saka ako lumabas at umupo sa may kusina namin. Ichachat ko si Nine kaso...   "Kuya, patulong naman po ako dito sa assignment ko, hindi ko po maintindihan yung formula." Nakapantulog na si Bugoy pero halatang ayaw pa nyang matulog dahil sa assignment nya. Napakasipag nitong kapatid ko sa pag-aaral kaya bilang kuya nila, ako rin ang umaalalay sa kanila lalo na sa acads nila.   "Sige akin na, alin ba dyan?" Umupo sya sa tabi ko at ipinakita ang assignment nya. Matalino itong si Bugoy pero kapag Math subject, nahihirapan talaga sya.    "Bakit ganun kuya, pag si Ma'am nagtuturo nyan sa amin hindi ko po mainitndihan pero kapag ikaw nagtuturo sakin kuya, naiintidihan ko kaagad?" Tanong nya sa akin ngunit ang mga mata at kamay nya ay abala sa sino-solve nyang word problem.   "Naku, nambobola pa ang kapatid ko" Biro ko naman sa kanya.   "Seryoso kuya, magiging the best teacher ka!" Sambit nya na ikinagalak ko naman. Mahirap man ang mga pinagdadaanan namin sa buhay, matibay pa rin kami kasi suportado namin ang isa't isa.    "Oh itong number three naman, subukan mo nga kung kaya mo sagutan ng ikaw lang." Tumango naman sya at saka sinubukang sagutan yung word problem sa number three.     "Kuya salamat ha? hindi na ko kakabahan sa recitation kasi may sagot na ko sa assignment namin" Pagpapasalamat sa akin ng aking kapatid saka sya pumasok na ng kwarto upang matulog.   Nang makapasok na sya sa kwarto ay saka ko muling binuksan ang aking cellphone. Grabe, alas dose na pala. Hindi ko na muna ichachat si Nine, for sure tulog na sya.    Bukas ko na lang sya ichachat.      Nag asikaso na ako para makatulog na rin.    ----   "Nine... anak." NArinig ko ang boses ni papa na gumigising sa akin.   "Gising na, alas kwatro na ng umaga." Inaantok na bumangon na ako. Pakiramdam ko ay umidlip lang ako at hindi talaga natulog. Inaantok pa ako pero kailangan ko na ring bumangon para makapag asikaso.     "Nasa cabinet iniwan ko yung pangbayad natin sa kuryente, ikaw na ang bahala doon. Baka gabihin din ako ng uwi, nasa mansion daw ang mga amo ko." Nilingon ko si papa na abalang inaayos ang bag nya. Halatang bagong ligo rin sya dahil bas apa ang kanyang buhok.   Kaya siguro hindi rin nakasama kahapon si Nine dahil nasa mansion pala ang mga magulang nya.    Madalas kasing wala ang mga magulang nya kaya nakakatuwa na kasama nya ang mga ito ngayon.   "Sige po pa. Ako na po ang bahala." Nag umpisa na akong magtimpla ng kape upang mahimasmasan ako at mabawasan kahit papaano ang aking antok.   "Si Mang Kanor, dumaan kanina, gusto mo raw bang ikaw muna ang mamasada ng jeep nya ngayong umaga bago ka pumasok sa eskwela?"      "Sige po pa, sayang rin po ang kikitain ko dun" Humigop na ako ng kape na tinimpla ko at saka nagbukas ng aking cellphone para tingnan ang aming group chat baka kasi may chat si Nine kahapon na hindi ko lang napansin.    "Oh sya lalarga na ako." Pagpapaalam ni papa akmang lalabas na sya ng bahay nang malaala ko yung cake na itinabi ko para kay Nine. Alam kong mayaman si Nine ay kaya nyang bumili ng cake pero gusto ko pa rin syang bigyan nito lalo na at paborito nya ang cake na ito.   "Saglit lang po, pa." Nagmamadaling tumayo ako at kinuha sa maliit naming ref ang cake na itinabi ko para kay Nine.   "Pasuyo po sana na maiabot ito kay Nine" Iniabot ko kay papa ang cake na hawak hawak ko.   "Sige, ibibigay ko ito kay Nine." Sabay kindat pa sakin ni papa na tila ba tinutukso ako nito. Nahihiya na napakamot ako ng aking ulo saka umupong muli.    Tuluyan ng umalis si papa.   Muli kong tiningnan ang group chat namin nila Nine.   Walang chat mula kay Nine.   Hindi bale, ang mahalaga masaya sya kasama ang mga magulang nya  ngayon. Siguradong sinusulit nya ang pagkakataon. Sana makain nya yung cake na padala ko. Sumilay ang mga ngiti sa kaing mga labi habang iniimagine ang itsura ni Nine kapag natanggap nya yung cake. For sure matutuwa sya. Nagpatuloy ako sa paghigop ng aking kape habang iniisip si Nine.    Nang maubos ko na ang kape na hinihigop ko ay saka ako nag umpisang magluto ng agahan ng mga kapatid ko. Nag-sangag ako ng kanin at ininit ko na lamang yung natirang ulam namin kahapon. Matapos nito ay naligo na ako at saka ko ginising si Bugoy para magbilin sa kanya na mamamasada ako ng jeep ni Mang Kanor.   Tumalima naman sa akin ang aking kapatid, kabisado na nya ang gagaiwn kapag ganitong wala kami parehas ni papa dito sa bahay. Maasahan naman kapatid ko sa ganitong pagkakataon dahil nakasanayan na rin nila ang ganitong set up noon pa man.   Kinuha ko ang iniwang pera ni papa para sa pambayad sa kuryente namin, mamaya ko na lamang babayaran ang kuryente namin.     Nagtungo na ako sa bahay nila Mang Kanor upang kunin ang jeep na ipapasada ko.   "Hanggang tanghali lang po ako Mang Kanor, may klase pa po ako ng hapon." Pagbibigay alam ko kay Mang Kanor na agad rin namang sumang-ayon.   Sakto at bayaran na rin namins aupa namin sa bahay, mabuti na lamang at makakapamasada ako ngayon, may pangdagdag na kami sa pambayad namin.     Alas syete na ng umaga, kasalukuyang nagmamaneho na ako ng jeep ni Mang Kanor. Puno ang jeep ng mga pasahero. Kapag ganitong oras ay mas marami talaga ang pasahero kaya mas malaki ang kita.    Bandang alas onse na ng tanghali ng magpasya akong ihatid na ang jeep kay Mang Kanor upang makapag asikaso na ako  sa pagpasok sa school.      "Salamat po Mang Kanor, sa uulitin pong muli" Iniabot ko sa kanya ang parte nya sa hatian naman sa kinita ko at saka tuluyan na akong umuwi ng bahay para makapag asikaso.   Wala na ang mga kapatid ko dahil alas syete pa lamang ay nas aeskwela na sila. Napansin koa ng maliit na papel na nasa mesa. Sulat kamay ito ni Binggo.   "Kuya, may PTA meeting po kami mamayang alas kwatro ng hapon" Binasa ko ang sulat ng kapatid ko. Wala kasi silang mga cellphone. Hayst nakalimutan na naman nilang magsabi agad sa akin. Magpapaalam na lang ako sa boss ko sa library mamaya, sana payagan nya akong di muna dumuty para maka-attend ako sa PTA meeting ng mga kapatid ko.      Inilapag kong muli ang papel sa mesa. Nagpasya akong ichat si Nine dahil yung text ko sa kanya kanina, wala pa rin syang reply. Hindi naman sa demanding ako, pero kapag nagtetext kasi ako kay Nine noon, nakakareply sya sa akinn kaagad. Sinubukan ko pa syang tawagan kanina habang nagpapapuno ng pasahero sa pilahan ng jeep kaso hindi pumapasok yung tawag ko sa number nya, nago-automatic na decline.    Pagkabukas ko ng group chat namin ay nabungaran ko ang conversations nila Nine, Ashley at Francis.   Nagpaalam si Nine na hindi sya makakapasok dahil may family outing daw sila ng parents nya. Nagpatuloy ako sa pagababasa ng conversations nilang tatlo ng may umagaw ng atensyon ko.   Nabasa ko ang chat ni Francis na ''Wow, pag broken pwedeng umabsent? Sana all!'   Broken-hearted si Nine?   Magtatanong na sana ako para klaruhin yung nabasa ko kahit pa sinagot ni Nine si Francis na family outing ang rason bakit hindi muna sya papasok.   Tila kasi may kakaiba sa usapan nila.   Nagta-type pa lang ako ng biglang nag-leave sa gc namin si Nine.   Sabi na eh, may hindi ako alam sa nangyayari.     Nag-leave din sa gc si Francis.    Dahil rito, hindi ko na alintana yung oras na hinahabol ko para sa klase ko ngayong araw. Agad kong tinawagan si Ashley upang tanungin ito.    "Ash, may hindi ba ako alam?" Bungad ko kay Ashley. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya at kapag kuwan ay sumagot ito sakin.       "Nagbukas ka na ba ng f*******: mo?" Tanong nya sakin. Huh? Ano namang mayroon sa f*******: account ko? Halos hindi ko nga iyon nabubuksan dahil wala akong panahon sa social media. "Bakit? Anong meron?" Nagtataka na tanong ko kay Ashley.  "Pagkababa ng tawag, tingnan mo ang sss mo at klaruhin mo kung ano man ang naroroon. Wala akong kinakampihan o pinipili sa inyo ni Nine dahil kaibigan ko kayo parehas pero kung totoo man ang nasa sss mo at niloloko mo ang kaibigan ko, pasensyahan tayo Santos, ako ang unang makakabangga mo." Kahit naguguluhan ako dahil hindi ko alam ang tinutukoy nya ay tumango ako rito bilang pag sang-ayon kahit pa alam kong hindi naman nya ako nakikita sa kabilang linya. "Sige Ash, salamat sa pagpapaalam sakin. Makakaasa ka at pinapangako ko na wala akong kalokohan na ginagawa at hindi ko niloloko si Nine." Matapos ko itong sabihin ay ibinaba kaagad ni Ash ang tawag. Nagmamadali naman akong nagbukas ng aking account. Nakailang log in pa ako dahil nakalimutan ko ang password ko rito. Naka-log out kasi ang aacount ko dahil sss ni Binggo ang kasalukuyang naka-log in ngayon. Tsk... ewan ko ba, natataranta ako at gusto ko ng malaman kung ano ba ang koneksyon ng nasa sss ko sa sinabi ni Francis sa gc namin na broken hearted si Nine. Alam kong hindi iyon biro lang ni Francis dahil biglaang nag leave si Nine sa gc namin ng wala man lang pasabi. Agad kong tiningnan ang account ko ng sa wakas ay mabuksan ko na ito. Medyo nanginginig pa ang kamay ko sa kaba.  Natatakot ako, ayokong mawala sa akin si Nine. Tila nabibingi ako ng matagpuan ko ang tinutukoy ni Ashley.  Binuksan ko ang post na naka-tag sa akin. May pictures ito na kuha kahapon dito sa bahay. May video rin ito. Pinanood ko yung video at laking gulat ko ng makuhanan sa video ang paghalik sa akin ni Sharmaine kahapon. Nagmaamadali kong hinanap sa contacts ko si Nine. Napalingon pa ako sa orasan namin dito sa bahay, malapit na akong ma-late sa ko pero bahala na, hindi ako papayag na mapatagal pa ito.  Ito pala yung tinutukoy ni Francis kaya nya nasabing brokenm hearted si Nine? Tinawagan ko si Nine pero nago-auto decline ang tawag ko. Hindi kaya binlock nya ako? Sinubukan kong tumawag pang muli ngunit ganoon pa rin ang nangyari. Agad kong hinanap ang sss account ni Nine, tatawagan ko sya sa messenger.  Nakailang search na ako ng name nya ngunit hindi ko mahanap ang account nya. Sa messenger naman ako nagtungo at doon ko napagtanto na pati sa sss at messenger ay naka-block na rin ako. Hindi ba nya ako bibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag man lang? Ang bilis ng t***k ng aking puso sa mga oras na ito.  Hindi... ayokong mawala si Nine.  Hinintay ko sya ng napakatagal. Nagkasya ako sa pagtanaw lang sa kanya noon sa malayo. Nagkasya ako sa pagmamahal ko sa kanya kahit wala syang idea sa existence ko. Hanggang sa nagpasya akong ilalaban ko, gagawin ko ang lahat para patunayan ang pagmamahal ko sa kanya, kahit pa mahirap, kahit pa mukhang imposible paras a mata ng karamihan. Mahal ko si Nine. Alam kong mahal nya rin ako. Naiintindihan kong nasasaktan sya ngayon pero sana bigyan nya ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag.  Kung mahalaga sa kanya ito, hindi nya ito basta na lamang tatalikuran ng ganun-ganun na lamang. Determinado akong nagpasyang lumabas ng bahay at nagdiretso sa tindahan nila Aling Pasing. "Oh Baste, hindi ba at may klase ka ngayon?" Bungad sa akin ni Aling Pasing. Asawa sya ni Mang Kanor at kabisado na nila ang schedule ko sa university. Simpleng nginitian ko lamang sya, tila wala akong lakas ngayon dahil sa nangyayari. "Ah wala po muna kaming klase ngayon." Pagsisinungaling ko. Mahirap na baka malaman ni papa na lumiban ako sa klase ngayong araw. "Ganun ba? Oh sya ano ba ang bibilhin mo?" Nagpunas sya ng kamay sa may basahan nila na nakasabit sa kanilang ref, saka tuluyang lumapit sa unahan ng kanilang tindahan. "Pabili po sana akong isang smart sim card, at isang globe sim card." Plano kong tawagan si Nine gamit ang ibang number para makausap sya. Hindi ko sya pwedeng puntahan sa mansion dahil naroroon si papa.  "Ang dami ah, para ba ito sa part time mo?" Nakangiting tanong ni Aling Pasing. Tumango na lamang ako sa kanya. Hindi ako sanay magsinungaling kaya naiilang ako na sumagot pa sa mga tanong nya. Nag balik ako sa bahay matapos makabili ng sim cards. Isinalpak ko sa cp ko ang smart at saka idinial ang numero ni Nine. Nagri-ring ito.  Pabulong akong napapadasal na sana sagutin nya ito. Ilang beses na nagring ang cellphone nya ngunit dine-decline nya ito.  Naisipan kong itext sana sya kaso kapag nalaman nyang ako ang may-ari ng numero na ito ay tiyak na iboblock nya akong muli. Argh! ano ba ang gaagwin ko Nine? Napapasuiklay ako sa king buhok dahil sa frustration. Paano ako magpapaliwanag kung nagmamatigas sya? Sunod kong isinalpak sa cp ang globe sim card na nabili ko rin kay Aling Pasinh. Nag dial akong muli ng numero nya, ganoon pa rin. Nagriring hanggang sa dinedecline nya at saka binoblock ang numero. Ganun ba kababaw ang tingin nya sa akin na kaya ko syang lokohin? Yung nasa video ay hinalikan ako sa pisngi ni Sharmaine. Panloloko na ba iyon na maituturing? Gayong alam ni Nine na kaibigan ko lang si Sharmaine.  Hindi ba at pinagselosan na noon ni Nine si Sharmaine? Panunuya ng isipan ko. Ibinalik ko sa aking cellphone yung original sim card ko saka ko kinontak si sharmein. "Hello Baste? Bakit?" Tanong sakin ni Sharmeine rinig ko ang ingay sa background nya. Mukhang nas agym na sya, may P.E. kasi kami ngayong araw. "Aabsent muna ako ngayong araw Sha." Sambit ko kay Sharmaine.  "Ayos ka lang ba?" Tanong naman ni Sha sa akin. Gusto ko sanang humingi ng tulong kay Sharmaine tungkol sa pagpapaliwanag kay Nine ng tungkol sa video namin ngunit hindi ko naman ito magawa dahil alam kong hindi pa okay si Sharmaine ngayon dahil sa naging usapan namin kahapon. Napabuntong hininga ako dahil alam ko sa sarili ko na ako ang dapat na gumawa ng paraan para masolusyunan ito. "Wala, yun lang naman ang itinawag ko. Salamat." Ibinaba ko na ang tawag saka tahimik na napatitig sa kawalan habang nakaupo ako rito sa aming kusina. Ano bang gagawin ko Nine?  Napatungo ako habang iniisip si Nine. Siguradong galit sya sa akin ngayon. Abala ako sa pag-iisip ng gagawin ng biglang tumunog ang aking cellphone na ikinagulat ko pa. Nagmamadali akong tiningnan ang caller dahil baka si Nine na ito ngunit laking pagkadismaya ko ng makita ang caller. Tumatawag sa akin si Francis. "France" alam kong galit ito sa akin. For sure ay alam nya rin yung tungkol sa video na iyon. "Magkita tayo sa likod ng University. May pag-uusapan tayo." Malamig na sambit nito. Malayo sa pagiging masigla nito sa tuwing kausap nya ako. Matapos nyang sabihin iyon ay ibinaba nya ang tawag. Napatitig ako sa aking cellphone. Saka ko lang napagtanto... Sa sitwasyong ito, hindi lang si Nine ang posibilidad na mawala sa akin. Maaaring mawala rin sa akin yung mga taong tinuturing ko na tunay kong mga kaibiogan at para ko na ring mga kapatid.  Inilagay ko sa bulsa ko ang aking cellphone at saka nagpasya ng mag asikaso upang makipagkita kay Francis. Ilalaban ko ito para sa mga kaibigan ko. Ilalaban ko ito para kay Nine. Gagawin ko ang lahat para ayusin ito. Kahit pa mahirapan akong makahingi sa kanila ng pagkakataon na makapagpaliwanag. Ilalaban ko ito at hindi ko ito basta na lamang isusuko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD