Patricia "Pat, gusto mo bang sumama sa amin ng Mama mo?" tanong ni Papa habang inaayos ang necktie. Napapailing akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at inagaw ko ang necktie niyo para ako na ang mag-ayos. Ito ang ayaw ko kapag umuuwi ako sa amin. Tamad na tamad akong gumalaw, ewan ko ba kung bakit dahil siguro sobrang komportable ako sa bahay. Mula noong dumating ako sa bahay ay maghapon lang akong nakahiga, nanood lang ng t.v. at kumakain. Which is good naman dahil nakita ko ang malaking progress sa katawan ko. Sabi nga ni Papa mas gumanda ako at nagmukha na talaga akong buntis. "Pa, gusto mo po akong sumama eh couples night po 'yong pupuntahan ninyo so malamang puro magkaka-partner ang nandoon." asar kong sagot at tumawa ito ng malakas. "Sige, uuwi na lang kami ng maaga ni Mama mo."

