Patricia "Kanina pa po ba kayo nandito?" gulat na tanong ko sa mga magulang ko ngang makita ko ang mga itong nakaupo sa dinning. Kagigising ko lang at dahil araw naman ng linggo ay wala kaming tanggap na mga orders. Masayang nagkwekwentuhan ang mga magulang ko, si Tita May, Ram at Mia. Alam kong ngayon ang uwi ng mga ito galing Cebu at plano kong umuwi sa amin afterlunch. "Good morning, dear." nakangiting bati ni Mama sa akin. Nilapitan ko ang mga ito para yakapin. Una kong nilapitan si Papa para yakapin at halikan sa pisngi. Hahalikan ko pa lang sana sa pisngi si Mama nang bigla akong yakapin nito ng mahigpit. "Ma, maawa ka po sa akin hindi po ako makahinga." natatawang biro ko at tinapik ako nito sa tagiliran bago pakawalan. "Kumakain ka ba ng tama, Patricia? Nakagpa-check up

