Patricia Lumipas ang mga araw na lagi akong may natatanggap na message mula kay Vincent. It's either nangangamusta ito or nagpapaala sa akin na mag-ingat ako at huwag pababayaan ang sarili ko. Madalas din kaming magka-usap sa gabi bago ako matulog. Napag-uusapan namin ang nangyari sa maghapon namin. Naninibago ako kasi hindi naman nito ginagawa 'yon noon. Mas naging madalas ang pag-uusap namin nang magkahiwalay kami kaysa noon na magkasama kami. Nagtataka man ako sa kinikilos nito pero hindi ko na lang binigyang pansin. "Patricia, magpahinga ka na muna at kami na ang magtatapos dito. Toppings at packaging na lang naman ang mga gagawin dito." sabi ni Tita May pagkatapos kong ilabas ang tray ng last batch ng cupcakes. "Okay lang naman po ako Tita, tulungan ko na po kayo para po matapos

