Patricia "Sigurado ka bang ayaw mo na samahan ka namin sa loob?" puno ng pag-aalalang tanong ni Mia at umiling ako. Schedule ng check-up ko ngayon at dapat ay kasama ko si Vincent kaso nandoon pa rin ito sa Davao. Sobrang namimiss ko na ito pero alam ko naman na mas kailangan talaga ito doon. Bago ko pa matawagan ang mga kaibigan ko kahapon para magpasama ay tinawagan na pala ni Vincent ang mga ito. Nangako naman ito na darating ito bago sumapit ang birthday ko at hindi ito mawawala. Ilang araw na lang at birthday ko na, sina Mia at Ram na ang nagplano ng lahat. Simpleng celebration lang naman ang gusto ko basta lahat ng taong mahalaga sa akin ay kasama ko sa araw na 'yon. "Ako na lang huwag na kayo sumama." nakangiting sabi ko bago hinay-hinay na tumayo. "Oo nga bes dito lang tayo

