Patricia "Patring, nandito na sina Mia at Ram." sigaw ni Mama mula sa labas ng bahay namin. Nasa kusina ako at kasalukuyan nagbabalat ng mangga nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Mama. Tuwang-tuwa ako nang binili ako ni Nanay Beng ng mangga nang manggaling ito sa palengke kanina. Pinagluto rin ako nito ng bagoong na maraming sili. Binaba ko muna ang kutsilyo at lumabas ng kusina para puntahan ang mga ito. "Bakla." sigaw ni Ram pagbungad ko sa may pintuan. Mabilis na lumapit ang mga ito sa pwesto ko at parang mga bata ang mga ito na nagtatalon sa harap ko kaya napatawa ako. Sobrang namiss ko na ang mga ito kahit pa nga ilang weeks pa lang kami hindi nagkikita ng mga ito. "Kumusta na ang buntis?" tanong ni Mia pagkatapos naming magyakap na tatlo. "Ang tagal naman ninyo dumatin

