Patricia "Tita makikisuyo nga po, pakilabas na po ng mga macaroons at brownies sa oven." utos ko kay Tita May na ginawa naman agad nito. Ngayon ang araw ng Launching, laking pasasalamat ko at nagawa namin ang lahat ng orders. Kagabi ay nagsimula na kaming mag-mix at magsalang ng mga cupcakes sa oven. Pasalamat ako kay Tita, Mia at sa kambal dahil sa pagtulong ng mga ito. Nagpapasalamat din ako dahil mababait ang mga staff sa kitchen kung saan ay nakikigamit kami. Sinabi ko sa management na may hinanda kaming mga lalagyan para sa mga pastries in-case na may gustong mag-take out. Sinuggest ko na sabihin ng mga ito sa server para ma-inform ang guests. "Dana at Tania paki-lagyan na ng mga icing at toppings 'yong first batch ng cupcakes." utos ko sa kambal at sumunod naman ang mga ito.

