Vincent Nalaman ko mula kay Mike na si Patricia ang napili na mag-supply ng mga pastries para sa upcoming Launching ng mga condominium. Agad akong nagpa-book ng flight pabalik ng Pilipinas dahil hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na makita ulit ang dalaga. Hindi kasi ako nagkaroon ng pagkakataon na hanapin ang dalaga pagkatapos kong malaman ang totoong pagkatao nito. After kong malaman ang lahat ay nagkaroon naman ng problema sa isa sa mga factory namin sa Thailand at mas kailangan kong unahin muna 'yon. Ilang linggo na rin ang lumipas mula ng araw na 'yon at kahit wala man ako sa Pinas ay patuloy na nagre-report naman si Mike tungkol sa dalaga. May naisip na akong paraan para mapapayag ang dalaga sa plano ko. Sisiguraduhin ko na hindi ito makakatanggi lalo na't sigurado akong ito na

