Chapter 09 Naalimpungatan ako ng makarinig ng ilang katok. Ang aga pa para mambulagbog ang kung sino man kaya inis 'kong isiniksik ang sarili 'ko sa mga bisig ni kuya Jacob kaya mas naamoy 'ko pa ang nakakaakit nitong pabango. Bisig ni kuya Jacob? Napamulat agad ang mga mata 'ko ng maalala ang mga nangyari kagabi. Literal na nag salitan ang tingin 'ko sa may pinto at kay kuya na bahagyang kumislot pa mula sa pagkakabangon 'ko. "Yuri," "Shit.." Napamura ako ng mapagtanto na si mommy ang kumakatok. Hindi 'ko malaman kung anong gagawin 'ko. Kung mag papanggap ba akong tulog o mas magandang mag tago sa ilalim ng kama? Pakiramdam 'ko ang laki ng kasalanan 'ko kaya kailangan 'kong mag tago. "Yuri, anong oras na hindi ka pa ba babangon?" Napalunok ako kahit nanunuyo ang lalamunan 'ko ng ma

