ᴅᴇᴅɪᴄᴀᴛᴇᴅ ᴛᴏ ᴀʟʟ ʀᴇᴀᴅᴇʀs ᴏғ ᴅɪʀᴛʏ ʟɪᴛᴛʟᴇ sᴇᴄʀᴇᴛ Chapter 08 Mahigpit ngunit maingat ang pag dapo ng mga palad nito sa batok 'ko na agad 'kong ikinakapit sa bisig niya. Kusa ring pumikit ang mga mata 'ko kasabay ang pag sunod ng mga labi 'ko sa bawat galaw ng labi niya. Nagliliyab ang pakiramdam 'ko sa kakaibang init at kuryenteng dumadaloy sa buong katawan 'ko ng unti unti ng gumapang ang kamay niya sa likuran 'ko hanggang sa higitin nito ang bewang 'ko. Napasinghap akong inilambaras ang braso 'ko sa batok niya. Hindi 'ko maintindihan pero daig 'ko pa ang na uuhaw sa bawat halik niya. Ito ang unang beses-- unang beses na may humalik sa akin at hindi 'ko inaasahan na nakakalunod at nakakapanlambot ang mga halik. Kusang humakbang ang mga paa 'ko paatras ngunit nanatiling magkadikit ang

