Chapter 46 "Ang ganda," hindi mo mapigilang humanga sa buong lugar at sa loob bahay. Nandito kami ngayon sa may veranda sa kwarto at tanaw ko mula rito ang falls at ang malawak na bakuran. Hindi ko akalain na pwedeng mag tayo ng bahay sa ganitong lugar, tahimik at walang mga matang huhusga sa kung ano kami. "Yeah, ang ganda nga." pag sang ayon niya ng lukubin nito ang bewang ko mula sa likuran at isandal ang ulo sa balikat ko pero ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. Nag init ang mukha ko, kasing init ng pakiramdam na hatid niya sa puso ko. Sinapo ko ang mukha niya at muling ibinalik ang tingin sa malayang pag bagsak ng tubig sa itaas hanggang sa malaya na itong umagos. "Tulad ng tubig sa falls na 'yan ang pagmamahal ko para sa'yo, mula sa itaas, nakakalula man pero masarap, at kah

