CHAPTER 011

1901 Words
Warning: Marami pong Wrong Grammar sa Construction ng kwento ko. Pakicorrect nalang po pag may makita kayong mali. Just Piem me po. SALAMAT! Enjoy Reading! O((^.....^))O GANNY'S POV ((>____U)) Bat bigla siyang nawala sa linya? Anong sasabihin nun? Kainis! 'Bakit ako kinakabahan? Anong sasabihin mo sa akin mahal?' Kainis! Agad kong binuksan yung f*******: ko. Agad kong hinanap yung messgae box niya. Online siya! Pero nakamobile nalang. Lintik naman Krib ohhh. Ayoko ng ganito ee. Nawala na yung lungkot kong nadarama kanina. Sobrang kaba na ang nangingibabaw sa akin. Agad ko siyang Chinat. To Krib Hernandez: Krib ko? Bat bigla kang nawala sa skype? Krib anong sasabihin mo? Hinintay kong magreply siya. Pero halos mag—iisang oras na yata ay di parin ito nagrereply. Ni seen ay wala man lang palatandaan. Tang'na naman oh! Umalis na ako sa Monitor at pumunta sa kama at kinuha ang aking cellphone! 10: 35 na pala ng umaga. May pasok pa ako mamayang alas dose. Absent ako kahapon. Kaya ito ang unang araw ko. Pero hindi ko kayang pumasok nang di malinaw sa akin ang sasabihin ni Krib. Agad kong sinubukanng tawagan siya gamit ang f*******: messenger. Shit! Hindi niya sinasagot! ((U_____U)) Naitapon ko ang cellphone ko dahil sa sobrang inis. Tinatamad na ako pumasok. Inaalala ko si Krib. Bat bigla siyang nawala? Bat malungkot siya kanina? Bat siya umiiyak? Ganun ko na ba siya nasasaktan dahil sa pag-iwan ko sa kanya. Siguro namimiss na talaga ako ng Krib ko. Miss na miss ko na rin siya. Araw araw iniisip ko ang lahat ng bagay dito sa America ay may kinalaman sayo Krib. Kaya wag kang mag-alala kahit bandila ng America ikaw ang nakikita kong nakaguhit. Ganun kita kamahal. Mahal na mahal kita. Agad ko namang nakita sa side table ko ang alimangong stuff toy's na si Krib. Kinuha ko yun at niyakap. "I Love you Krib.." bulong ko. 'Sana mamaya ay maka-usap na kita' DENNIS POV "Bunso?" "Uhmmmm" ungol ko. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko, lalo na ang tuhod ko. Pakiramdam ko rin ay nasa impyerno ako sa sobrang init. Para akong lumangoy sa pawis, ramdam kong basang basa ako. "Gumising ka na, may pasok ka pa" 'May pasok? Anong oras na ba?!' Pagmulat ko ay nakita ko si Kuya Topher! Naka-Uniform na siya! Nandilat ang mata ko. Agad akong napatingin sa balkonahe! Wahhhhhhhhhhhh maliwanag na! Pero bat parang ang init dito sa loob? Bat parang nakapatay ang aircon. "Walang Kuryente bunso" biglang sabi ni kuya topher. "Okay ka na ba?" parang naguguilty niyang tanong. 'Tinatanong niya ba yung tungkol sa nangyare kagabi?' "Okay lang ako kuya ko.." Asar, dito pala ako nakatulog sa upuan. Ang sakit sa katawan! "Bat walang kuryente kuya ko?" ako na mabilis na bumangon. Hindi ko pinahalata ang sakit na nararamdaman. "Sumabog kase yung Transformer dito sa subdivision" nagulat ako sa sinabi niya. 'Ibig sabihin?' "Yung isang transformer malapit dito sa atin, tapos yung isa ay medyo malayo. Pero malaki daw naapektuhan" kwento ni Kuya. "Halos kalahati dito sa UPS II ay walang suplay ng kuryente" "Yun ba yung sumabog kagabi?" bigla kong tanong. "Oo.." sagot ni kuya. Bigla akong napa-isip. "Ano bunso mauna na ako sayo" bigla akong napatigil sa pag-iisip. Nakita kong tumingin siya sa kanyang relo. "Mag aalas otso na kase" "Ano?!" "Hehehe" biglang tawa niya. "Late din kase akong nagising bunso" biglang sabi nito. 'Oh My Godddd!' Biology ba namin ngayon?! Hala yung Portfolio?! Naprint na kaya ni Karim?! Shettttt! LAGOT AKO NETO! Bawal malate kay Mam Biology! Di ko kase alam ang sked ngayon! "Bunso" muli akong tumingin kay kuya Topher. "Unawain mo nalang si Kuya Cliff" bigla niyang tapik sa aking balikat. "Iniisip ka lang talaga niya, kung alam mo lang.." napangiti siya. "Sobrang nag-aalala siya sayo kagabi" Sabay iwan niya ng malaking ngiti, bago tumalikod at lumabas sa aking kwarto. Napangiti ako. ((^____9)) Pero late parin ako! Peste sobrang pagod ko talaga kagabi! Di ko alam na nakatulog ako! At medyo sakto pa sa pagkawala ng ilaw! Wala ng oras para mag-isip dennis! Mamaya na yan! Kaylangan mo munang maligo para makapasok ng maaga! Agad kong kinuha yung tuwalya at pumasok na sa banyo! ***** Si Manang nalang ang naabutan ko sa baba nang paalis na ako. Medyo nananakit parin yung tuhod ko. Kaya dahan dahan ang paglalakad ko. "Manang una na po ako" paalam ko dito. Pero tinitigan ako nito at parang maiiyak. Nilapitan niya ako at hinawakan sa pisnge. "Importante ka sa kanya.. Importanteng importante" siya sabay gulo sa buhok ko. "Sige na pumasok ka na, ito pinagbalot kita ng baon mo" sabay abot niya sa akin ng isang paper bag. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Pero masaya ako sa ipinapakita niya. "Salamat po manang" ako sabay yakap sa kanya. Agad naman ako bumitaw at nginitian muna siya bago nagmadaling lumabas sa gate. Super late na ako.. ((J_____J)) ***** 'Gosh nalimutan ko yung cellphone ko' Naalala ko nang nakasakay na ako sa Jeep papunta sa DMA. Dami kase nagcecellphone sa loob ng Jeepney. Hmmmmmmm.. Nawala sa isip ko si Krab. May reply kaya siya sa pinagtapat ko? "DMA.." biglang sabi nung driver. Agad naman akong nag-ayos at bumaba na. Time Check.. 9:30 am na! Almost Isat kalahating oras na akong Late. Agad akong pumasok at patakbong tumungo sa Room. Nakakahingal! Nakakahiya rin kase pinagtitinginan ako ng ibang section habang pilay pilay kong binabagtas yung kwarto ng section namin. Pagkarating ko ay.. Halos puno na ang klasroom. 'Tapos na siguro sila kausapin sa Guidance..' Hahakbang na sana ako sa loob nang biglang may nagsalita. "Umiyak ang langit ng mamatay ang dahilang mang-aawit" bigla akong napatingin sa napakacool na boses na nagsalita. Pagtingin ko ay nakatingin sa akin ang lalaking nakasuot ng V-Neck Long sleeve na shirt na kulay Navy. Habang nakasuot rin ng Fit na Jean. Pero napatunganga ako ng makita ang gwapo niyang mukha. At ang lalong nakakuha ng pansin ko ay ang kulay Pink na kulay ng bandang dulo ng kanyang mga kilay! Sino siya? "Youre late" sabi niya. sabay laro ng lapis na hawak sa mesa. "Anong tayutay ang ginamit ko sa pangungusap kanina?" 'Filipino Subject? Siya ba Teacher namin dun? Ang bata naman ata?' "Sir aaa.. Good Morning" Tumingin lang siya sa akin. Di ko na maalala ang tagalog ng Personification.. "Aaaaa personification.. Sir?" "Sigurado ka?" "Opo.." "Marunong ka ba mag Japanese?" "Ho?" "Nevermind.. take your seat" masungit na sabi niya. Napatingin naman ako sa mga kaklase kong ang tahimik lang. Agad akong naupo sa upuan sa tabi ni Karim. Nakangiti ako nitong sinalubong ng tingin. "Morning.." bati ko sa kanya. Tapos naupo na ako sa tabi niya. Naramdaman ko nalang ng kunin niya ang kamay ko at ipatong niya ito sa kanyang hita. 'Ang aga aga' ((>____>)) Pero hindi na ako umangal pa. 'Gusto ko rin naman kase' Ewan ko ba, pero tahimik talaga yung lahat. Nakatingin lang dun sila sa lalaki sa harap. Ang gwapo niya. Medyo may pagka Japanese Figure siya. Kaya nga napapansin ko ang kilig na bulungan ng iba kong kaklase. "Ang gwapo ni Sir.." "Kaya nga eee" "Makukuha ko siya Beh!" Mga bulungan nila. ((^___,^)) "Tsk.. naakit ka nanaman sa mayabang na yan noh?" nagulat ako ng biglang bulungan ako ni Karim. "Aaaa?.. ano bang pinagsasabi mo?" maang maangan ko naman. Muli akong tumitig sa Filipino Teacher daw namin. Nakatingin ito sa Pinto at tila may hinihintay. Adik ba siya? Eto kameng klase niya aaa. Teacher ba namin talaga siya? Eee parang kaseng edad lang siya ng mga kuya ko ee. Hmmmmmmm **((?_____?))** Nagulat ako ng bigla siyang mapangiti habang nakangisi sa Pinto. "Youre late.. Mr. Lorenzano.." bigla kameng napatingin sa tao sa Pinto! Si Naruto! Si Naruto naman ay parang gulat ng makita ang lalaki sa harap! "s**t!" sabi ni Miggy sabay tingin sa akin. "Hahahahahahahahaha.." nagulat kame nang biglang tumawa yung gwapong lalaki sa harap! "Putcha Pre! Tulad parin ng dati?!" sabi nito sabay lapit kay Miggy at akbay. "Tsk.." Bigla akong napatingin sa Likuran. ((0_____0!!)) Anong ginagawa niya dito? Nakita ko si Kuya Theo! Yung kaibigan ni Kuya Brenth. Di ko siya napansin kanina aaa! Nakapamulsa itong tumayo, may eye glasses rin ito na lalong nagpapagwapo sa kanya. Kung nuon ay di ko matumbok kung indigo ba o violet ang kulay ng buhok niya, iba na ngayon! Kulay Violet ang nakikita kong kulay ng buhok niya sa bandang harap. Hmmmmmmm pero may iba. Bakit nasa kaliwang kilay na ngayon yung may tabas na design? Ang alam ko ee nasa kanang kilay niya yun! Ang simple niya sa suot niyang kulay Puting T-Shirt. na may desenyong parang mga film at Video Camera. Merong ding mga notes at maskara. Parang Damit ng mga member ng Dulaang Club. Naglakad ito papalapit dun sa dalawa. "Musta Miggy?" sabi ni Kuya Theo kay Naruto. Agad din itong nilingon ni Naruto na gulat na gulat. "Pre.." si Miggy na parang di makapaniwala. "Ano! Ganyan ba iwelcome ang mga nawalay na kaibigan sa matagal na panahon?" sabi nung mukhang may dugong Hapon. Kung kanina ee parang ang seryoso niya. Ngayon ay napakakengkoy niyang magsalita! NALILITO AKO! "Putcha babagsak ka talaga Low kung ganitong late ka nalang lage!" sabi ni Japanese! Anong Low? "Ano bang ginagawa niyo dito? Lalo ka na?" tanong ni Miggy dun kay Japanese. "Putcha di mo ako namiss?!" sabi ni Hapon. "Ewan ko sayo.. geh maya nalang tayo mag-usap" "Sabay kameng dumating dito Sa Pilipinas nung Linggo" sabi ni Kuya Theo. "Tapos niyaya ako niyang mokong na dalawin ka daw" napangiti ng bahagya si Kuya Theo. "Kukumustahin daw Grade mo" "Hahahahaha" sabay tawa ni Hapon! 'Eh di Hindi namin siya Teacher!' Ewan ko ba sa sobrang inis ay parang naigalaw ko yung upuan ko at nakagawa yun ng tunog. Shet! Tinginan sa akin ang lahat. 'Awkward..' ((0___+)) "Ah ikaw yung late rin noh?" sabi sa akin ni Hapon. "Late din siya Migz" sabi naman nito kay Naruto. 'Bat kilala ni Naruto si Kuya Theo?!' RAMDAM KO NA NAMAN NA HINDI MAKATINGIN SA AKIN SI MIGGY! "You look Familiar" biglang sabi ni Kuya Theo. 'Hmmmmp nalimutan na ako ohhh..' "Hi Kuya Theo.." nakangiting kong bati sa kanya. "Hindi mo na ako naalala?" biglang tanong ko naman. Halos lahat ehh mapatingin sa akin nanaman. "Kilala mo siya?" tanong sa akin ni Karim. Bigla namang napataas ang kilay ni Kuya Theo. Anu ba yan parang di naman ako kilala ohh! "Theo?" tanong niya sa akin. "Theo daw ohhhh!" sabay tingin ni Hapon sa mukha ni Kuya Theo. "Hahahahahahaha" sabay tawa ito! 'King Ina may mali ba sa sinabi ko?' "Do you know my Twin Brother?" 'Twin Brother ang King Ina! Ano ibig sabihin niya? Na Hindi siya si Kuya Theo?!' Pinagloloko ako netong lalaking to ee! "Kapatid po ako ni Kuya Brenth.. Brenth Hernandez" sabi ko sa kanya. Kita kong napapikit si Miggy. Nandilat ang mata nung dalawa. "Kapatid ka ni Brenth?!" sabay na sigaw ng dalawa. "Opo.." ako sabay tingin kay Naruto. "So, kilala mo pala ang kuya ko kung Ganun?" seryoso kong tanong sa kanya. Napatango nalang siya, sabay buntong hininga. Bigla naman lumapit sa akin si Japanese Guy! Parang timang.. "Hey.." aniya sa aking harapan. "Biro lang yung Kanina aa" sabi niya. "What?.." inis kong layo ng mukha ko sa mukha niya. "Kapatid ka talaga ni Brenth" tanong niya ulit sabay yuko ng ulo papalapit sa akin at tila nag-iisip habang nakalagay ang kamay sa may baba niya. "Oo nga.. Kulit mo noh" sabi ko naman. 'Hindi siya ang gusto ko maka-usap!' "Sungit mo" nakangiting sabi niya. King Ina! Anong ginagawa nito sa harap ko! "Hindi ganyan si Brenth" sabi pa niya. "Hindi naman kase ako si Kuya ee" sabi ko. "Ee anong name mo?" tanong niya. "Dennis" mabilis kong sagot. Sabay simangot ko sa kanya. Para siyang baliw na kumandong sa arm chair ko. Nilalapit niya yung mukha niya tapos ngingisi at parang binubugahan pa ako ng hininga niya sa bawat pag titig niya ng malapitan! Pero ang bango naman ng hininga niya. Parang kakaibang menthol yung maamoy mo! "Watashi wa Janai Whiterou desu" nakangiting sabi niya. "Dozo yoroshiko" sabi pa niya. Huh?! Anu daw! "I am Whiterou Janai.. I am happy to meet you" sabay ngiti siya. "Yun ang english translation ng japanese language na sinabi ko kanina" "Whiterou Janai?" tanong ko. "Yah..." sabi niya. "Pero tawagin mo nalang ako sa palayaw ko" sabay ngiti nang napakapilyo! Nakaka-inis! Feeling Close siya! o--((>___>))--o 'Pake ko ba sa palayaw mo!' "Just call me White" !!((O_______O))!! ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! Ang nasa Picture pala sa taas ay si Whiterou Janai. - Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD