A/N: Last Part na po ito ng The 10th Shopa! Enjoy Reading!
DENNIS POV
Dumeretso narin ako papunta sa hagdan. Masakit parin ang paa ko habang humahakbang pataas.
'Kasalanan mo naman kase Dennis.. tama lang tong mangyare sayo!'
Pagkatapos makaakyat ay agad akong papuntang kwarto. Sarado na yung kwarto ng mga kuya ko.
Pero nagulat ako ng makitang naka-upo si Kuya Brenth sa tapat ng pinto ng kwarto ko.
Gising siya.
Agad siyang napatingin sa akin.
Agad tumayo at yumakap sa akin. Nabigla ako dun, hindi ko ineexpect na nandito siya at ang gagawin niya.
"Sorry Bunso.." sabi niya. "Hindi kita naipagtanggol.." muling sabi niya sa akin. Ramdam ko yung kalungkutan sa boses niya.
Agad akong kong inalis ang pagkakayakap niya at binigyan ko siya ng malaking ngiti. Ayokong makita pa ni Kuya Brenth na iiyak ako.
"It's my fault rin naman kuya ko" sabi ko sa kanya. "Sometimes a kid like me need a disciplinary act to learned"
Agad kong binuksan ang pinto at agad ko yung sinara.
Agad akong naghubad ng suot at tanging ang boxer ko nalang ang suot ko. Naupo ako sa isang kanto ng kama at napatingin nalang ako sa liwanag na tumatama sa pinto ng balkonahe.
Ramdam ko ang pagod, ramdam ko ang sakit, ramdam ko rin naman ang konting kaginhawaan dahil sa nakita ko kay kuya cliff pero ang higit na nararamdaman ko ngayon ay ang pagkaguilty.
Pagkaguilty sa lahat ng bagay.
Kung hindi siguro ako pumayag sa gusto ni Karim ay hindi mangyayare ang lahat ng ito.
Walang magagalit.
Walang masasaktan.
Agad akong napatingin sa laptop kong naka-ibabaw sa study table ko. Bigla kong naalala si Krab.
Kinansela ni Karim yung tawag niya kanina sa pamamagitan ng pagtanggal ng baterya nung cellphone ko.
Ano ngayon ang sasabihin ko? Anong kasinungalin nanaman ang iimbentuhin ko? Naguguilty na ako.
|--____--|
Gusto kong gumaan ang pakiramdam ko.
Gusto kong sabihin na sa kanya ang totoo.
Gusto ko nang itigil ang lahat ng ginagawa namin ni Karim.
Gusto ko nang umuwi si Krab! Gusto ko na ulit siya makasama!
Mahirap pala talaga ang Long Distance Relationship, gaano man katatag ang isang relasyon. Kaya yun matibag nang isang malupit na tukso.
Agad akong tumayo at kumuha ng sando sa Cabinet. Pagkatapos ay agad akong naupo sa study table.
Tinanggal ko ang baterya ng laptop dahil direkta ko nalang na ipaplug yun sa may saksakan sa study table.
Baka kase masira rin pag medyo laging babad habang nakasaksak.
Napatingin agad ako sa alarmclock na nasa study table ko rin. Alas dos na pala ng madaling araw.
Gising pa siya.
Agad akong nag-online sa f*******:. Hindi naman ako nabigo dahil nakita kong Online siya.
Agad kong binuksan ang message box ko sa kanya.
Madami siyang mensahe. Hindi ko na yun pinagtuunan pa ng pansin, agad akong nagtype..
Krab ko Sorry dahil di ko nasagot yung tawag mo. Bigla kaseng naloabat yung cellphone ko. (U___U)
**
Muli nanaman akong nagsinungaling!
Typing...
Laking gulat ko ng bigla kong makitang nagtatype na siya sa message box. Bigla nalang akong kinabahan.
Hmmmm.. :)
Reply niya.
Pero agad yung nasundan..
Okay lang Krib ko. I understand.. I trust you.
Bigla naman akong napangiti, parang gusto ko narin ulit maiyak. Kahit sobrang kirot nung tuhod, paa at kamay ko kanina ay parang bigla yung nawala.
Krab love's is the best and effective medicine of Krib's sickness. Hehehehehehehe.
Mahal na mahal din kita krab ko..
Sagot ko naman.
Alam ko. Yun kase ang sinasabi ng sipit ko na nakalagay diyan sa puso mo ee..
Mabilis niyang reply.
Biglang nangilid ang bahagyang butil ng luha sa aking mga mata. Agad ko yung pinunasan gamit ang wrist ng dalawa kong kamay.
Thank's for the love and trust.. I'm Crying now my Krab's. I miss you na.
Tuluyang tumulo yung butil na luha padaloy sa aking pisnge.
Y? Tsaka it's almost two na dyan aa.. y ar you still wake up?
Tanong niya.
I want to see you..
Agad kong sagot.
Me too. Kakauwe ko palang galing sa hospital.. Mom is okay now. She need a.. long rest nalang dito sa bahay.
Hindi nga pala siya pumasok.
Nga pala Krib ko.. Yung chat ko kanina, wag mo nalang pansinin. Mga initial reaction ko lang yan kanina sa biglang di pagsagot mo sa tawag at sa biglang pagkawala mo sa linya.
Mahaba niyang paliwanag—Siguro ang tinutukoy niyang message ay yung mga chat niyang di ko nalang muna pinansin.
I understand din u my Krab.. Love mo lang ako kaya nasabi mo ang mga yun..
Sagot ko naman.
Bat parang ang lungkot ata ng prinsesa ko?
Nagulat ako bigla sa tanong niya.
Paano mo nalaman?
Tanong ko agad.
Sabi ulit ng sipit ko na nadiyan sa puso mo..
Sagot niya.
Online tayo sa skype.. kakantahan kita para mawala ang lungkot na yan.
Dagdag niya pa.
Sige Krab ko. Gusto narin kita makita ee.. :'(
Reply ko.
Don't be sad..
Sagot niya.
**
Pagkatapos ng chat namin sa sss ay pareho kameng nagbukas ng Skype at dun muli nagbabad.
Agad akong napa-iyak ng makita ko siya.
Siguro namimiss ko lang talaga siya ng sobra kaya, ganito ang nangyayare sa akin. Gusto ko na ulit siyang mahawakan.
(T)____(T)
Naka-T'Shirt na Green na may drawing na Alimango ang suot niya---Sadya niya ata yung binile.
Tapos nakaboxer Short lang din siya. Nakaupo siya sa may Swivel Chair habang kandong ang isang gitara.
Nakaharap siya sa malaking Parang TV Monitor na Computer sa kwarto niya.
Lalo siyang gumagwapo, parang nagiging mature na talaga rin ang hubog ng katawan niya.
"Pwede bang malaman kung bakit mukhang matamlay at malungkot ang aking alimango?" naibalik ko ang aking sarili sa harap ng laptop ng maringig ko na ang gwapo niyang boses sa headset na nakakabit sa aking mga tainga.
Inilapit niya ng bahagya ang sarili sa pamamagitan ng pag-abante sa swivel chair sa monitor. Parang detective itong seryosong nakatingin ngayon sa akin.
"Wala ka kase dito ee" malungkot na sabi ko.
"Nasa harap mo kaya ako Krib" inilapit niya ang nakangisi niyang mukha sa monitor. "Tsaka nandiyan naman ako sa puso mo diba?" tanong nya pa sa akin.
"Iba parin pag nandito ka sa tabi ko, yung nayayakap kita. Namimiss ko ng mahiga sa balikat at dibdib mo Krab ko" nakanguso kong sabi sa kanya.
"Ako rin naman e, pero tuwing namimiss kita." tumayo siya. Inilapag niya muna ang gitara at pumunta sa kung saan.
Pero mayamaya'y bumalik narin si Krab dala si..
Krib.
"Iniimagine kong ikaw siya" pagtukoy niya sa stuff toy na alimango.
Nginusuan ko lang siya.
"Hindi mo ba ako namimiss? I mean yung totoong ako--- Yung Krib na nayayakap mo, nahahalikan mo't ...." napabuntong hininga nalang ako nang makitang parang irita na ang reaksyon ng mukha niya.
"Can you wait for me to come home Krib?" seryosong sabi niya. "Hmmm.." nakabusangot siyang tumayo sa kina-uupuan at umalis.
Nakukulitan na ba siya sa akin?
Ayaw niya bang pilitin ko siyang umuwi na?
Mas gusto na ba niya sa America?
7(--____--)7
Para akong napahiya dahil sa naging reaksyon niya. Napatungo nalang ako.
"Don't get me wrong Krib" muling paglitaw ng boses niya. "Syempre namimiss ko ang presensiya mo.. I miss you so much my Princess" dahan dahan ko namang inangat ang mukha ko at nakita ko siyang naka-upo na ulit sa swivel chair--- Kandong na niya ulit ang gitara at nakangiti itong may tinitignan na larawan.
"Sorry di na ako ulit mangungulit.. sige mukhang kaylangan mo rin magpahinga---"
"Krib!" biglang sigaw niya. Pagtingin ko ay nakasalubong na ang mga kilay niya. "Ano bang nangyayare sayo aa?! Ano bang pinagsasabi mo? May Problema ba?" sunud-sunud niyang tanong sa akin.
"Akala ko kase nakukulitan ka na" parang maiiyak kong sabi sa kanya habang nakatingin sa ibang part sa monitor niya.
"May sinabi ba akong nakukulitan na ako sayo?" napabuntong hininga siya. "Gusto ko lang naman sabihin Krib.." muli kong binaling ang tingin sa kanya. "Just trust me.. I won't let you hurt.. Even in my death I will protect you with my soul"
'Anong Death ka jan! (--___--!!|'
"Miss na kase talaga kita.." sabi ko naman.
"I miss you too my Krib.."
Ewan ko ba pero bigla akong nailang na tumingin sa kanya. Napayuko nalang ako, pati siya ay di narin nagsalita sa kabilang linya.
"Natatandaan mo pa ba ito?" biglang tanong niya sa kabilang linya. Agad akong tumingin naman.
Nakangiti niyang ipinakita sa akin ang isang larawan.
I Smile.
'Nuttelove..'
"Yes.." nagsimulang mag crack ang boses ko. Then some of tear's are gently flow to may face. "One of the photographs of our love story from the starting point" hindi ko mapigilang maiyak ng maalala ang mga una naming tagpo.
Isang nakaw na larawan nuong Camping Day's. Tulog na larawan namin habang magkatabi kame sa ilalim ng isang puno habang puno pareho ang mukha ng tsokolate mula sa Nutella na baon niya.
"This photograph is my favourite of all I have.. This photograph when I see make me smile, make me high and make my life complete"
Ramdam ko narin ang kalungkutan sa boses niya.
"I want to paint all my nutella I have on your face like the way I paint my love on your heart"
"Paint it permanently Krab.." naiiyak ko ng sabi. "I will maintain those paint colourful" hindi ko na mapigilang humikbi ng bahagya. "I love you Krab..." sabi ko. "Please come back here.."
"I will.." sabi niya. "Just wait my Krib.."
'I can't wait Krab..'
"I will.." pagsisinungaling ko sabay takip ng mga kamay ko sa aking mukhang lumuluha.
♩ ♪ ♫ ♬
Bigla nalang ako nakaringig nang pagtunog ng isang gitara sa kabilang linya..
Kakantahan ba niya ako?
Lalo ko tuloy siyang namimiss. Naalala ko yung mga pagkakataong hinaharana niya ako.
Na dinadaan niya sa kanta ang pagmamahal niya sa akin.
♩ ♪ ♫ ♬
Loving can hurt, loving can hurt sometimes
But it's the only thing that I know
When it gets hard, you know it can get hard sometimes
It is the only thing that makes us feel alive
'I know the song---It's Photograph by Ed Sheeran'
Di parin nagbabago, ang ganda parin ng boses niya. Tinanggal ko ang takip sa aking mukha at tumingin na ako sa monitor. Seryoso at kitang kita mo ang lungkot sa mukha niya habang pinapatugtug niya ang gitara habang kumakanta.
♩ ♪ ♫ ♬
We keep this love in a photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Hearts are never broken
And time's forever frozen still
Patuloy ako sa pag-iyak habang pinapanuod siya. Yes Krab we can keep our love in a photograph. Yung mga ala-ala natin na nakasave sa mga larawan ang tanging magiging pampatanggal lungkot natin.
Lalo na ako, miss na miss na kita..
♩ ♪ ♫ ♬
So you can keep me
Inside the pocket of your ripped jeans
Holding me closer 'til our eyes meet
You won't ever be alone, wait for me to come home
Bumuhos ng todo ang lungkot ko. Hindi kita ipapamigay... I will keep you Krab. Pero Krab hindi ko maipapangako na I can wait you come home na wala akong magagawang kasalanan.
So please, umuwi ka na pleaseee..
Hanggang sa nagtuloy-tuloy siya sa pagkanta. Tuloy tuloy rin sa pagbuhos ang aking mga luha.
Hindi ko na napigilan pa ang umiwas ng tingin, nararamdaman ko rin kaseng malapit na siyang umiyak rin.
♩ ♪ ♫ ♬
So you can keep me
Inside the pocket of your ripped jeans
Holding me closer 'til our eyes meet
You won't ever be alone
And if you hurt me
That's okay baby, only words bleed
Inside these pages you just hold me
And I won't ever let you go
Wait for me to come home
Wait for me to come home
Wait for me to come home
Wait for me to come home
Habang kinakanta niya ang linyang.. 'Wait for me to come home' ay parang pinapatamaan niya talaga akong Hintayin ko siyang makabalik.
Naguguluhan na ako.
Parang sinasabi niyang matagal siya bago bumalik!
Bakit ba kase kaylangan namin maging malayo sa isat-isa!
♩ ♪ ♫ ♬
You can fit me
Inside the necklace you got when you were sixteen
Next to your heartbeat where I should be
Keep it deep within your soul
Kita ko narin na may luha na sa mga mata niya. Napatigil pa nga siya ng bahagya at pinunasan ang pisngeng may luha.
♩ ♪ ♫ ♬
And if you hurt me
Well, that's okay baby, only words bleed
Inside these pages you just hold me
And I won't ever let you go
Bigla akong natigilan ng maringig ang bahaging iyon. Luhaan akong napatingin sa kanya. Tinignan niya rin ako ng pasulyap pero agad niyang ibinalik ang presensiya sa gitara.
Bat parang pakiramdam ko may nalalaman na siya?
I don't want to hurt you my Krab. But I do it accidentally, Haaaaaaa! Ewan. Gusto kong gumaan ang loob ko!
Gusto ko ng sabihin ang totoo!
Gusto ko ng itigil ang lahat!
Sasabihin ko na Kay Krab, pero pagkatapos nito ay aayusin ko na ang lahat. Aalisin ko na si Karim sa ano man dito sa buhay ko!
Ayaw ko kaseng magsinungaling kay Krab.
Nakakatakot man pero gagawin ko.
Mas masasaktan siya, pag naglihim pa ako. Tsaka paano kung sabihin ni Karim sa kanya.
Mas mainam ng mangaling sa akin.
Habang maaga.
(U___u)
♩ ♪ ♫ ♬
When I'm away, I will remember how you kissed me
Lalong tumulo ang luha ko dahil sa desisyun na gagawin ko. Parang ayaw ko ng maringig pa ang ibang linya.. Parang sasabog na ako sa sobrang pagkaguilty!
"Please Krab ko.. Tama na" umiiyak kong sabi.
Napatingin siya sa akin na tila nagtataka. Pero tuloy tuloy parin siya sa pagkanta.
♩ ♪ ♫ ♬
Under the lamppost back on Sixth street
Hearing you whisper through the phone,
"Please Krab.." paki-usap ko habang puno na ng luha. Ganun rin siya na umiiyak narin.
Pero tinuloy niya parin ang huling linya.
"Wait for me to come home." makahulugang sabi niya na hindi na pakanta. Malungkot niyang ibinaba ang gitara. "Why?" seryosong tanong niya.
Huminga ako ng malalim.
"A..a.. I have something to tell you" sabi ko sa kanya habang humikbi.
"You make me nervous Krib.." siya na parang naiinis.
"Krab.." bigla akong napa-iyak ng malakas sa harapan niya. Nararamdaman ko na ang panghihina. Parang kahit anong sandali ay babagsak nalang ako sa pagod, kaba, lungkot at sakit.
"What?" mahinang tanong niya na puno ng kaba at parang pagtataka.
"Me and Karim have a s*x affair" Nakapikit kong sabi kasabay ng pagkagulat dahil sa kakaibang malakas na tunog bago ko sabihin yun. Gusto ko man imulat ang mata ko pero parang ayaw na nito.
Wala akong naringig na reply pa ni Krab. Bigla akong kinabahan.
Nakikita ko nalang ang madilim na paligid. Agad na umapaw ang malakas na baha ng luha sa aking nakapikit na mata.
Eto na ata ang tinatawag na Tear's of Guilt.
Bago ko sabihin ang mga katagang yun ay may pagsabog akong naringig. Dalawang malalakas na pagsabog.
Ewan ko kung bakit.
Pero biglang rumehistro sa utak ko si Kuya Cliff..
Gusto ko man tumayo pero. Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Tuluyan na ngang nawalan ng malay ang katawan ko.
'Krab Sorry..'
'Kuya Cliff bakit ka pumasok sa isip ko?'
GANNY'S POV
((>____U))
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)