DENNIS POV
Parang nadadala ako sa kalungkutang nakikita ko sa kanya. Medyo gulo na yung buhok niya at parang galing na siya sa lubusang pag-iyak.
Hindi ko nakikita sa kanya ngayon yung pagiging istrikta. Nakikita ko sa kanya yung pagiging emosyonal sa kanyang tinititigan sa larawan.
Hindi ka sa kanya matatakot. Parang madadala ka pa't maawa sa itsura niya.
Yung Itsura niya habang nasa klase siya kanina sa Biology ay naglaho sa aking paningin.
Para siyang Ina na iniwan ng anak at asawa.
'Anong nangyayare at Ginagawa dito ni Teacher?---Hindi ko pa alam ang pangalan niya'
Nagulat nalang ako nang bigla siyang mag-angat ng tingin. Nagkatinginan kame.
Inis niyang iniwas ang tingin sa akin, bahagya niyang pinunasan ang luha niya gamit ang kanyang mga kamay.
Inilapag niya yung larawan.
Lalake..
Lalake yung nasa larawan. Pero parang may kakaiba dun sa picture. Parang dalawa sila.
Oo dalawa nga!
Nakapa-ilalim yung isang picture, pero bahagyang nakalabas yung ibang kanto kaya malalaman mong dalawang picture yun.
Pero dahil sa medyo naibabawan ng anino niya yung picture.
Di ko maaninag yung itsura ng lalake.
Pero kung titignan sa tindig ay parang binata yun—Mga 1st Year College ang datingan.
"What are you looking at?!" sabay kuha niya sa mga picture na nasa mesa. Yung boses niya halatang inis.
Kaya naman nata-uhan ako.
Pag-angat ko ng tingin ay ayun nanaman ang galit niyang ekspresyon. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?
"Ahhh Hi Mam.."
"Mom?" sabay taas ng kilay niya. "Your'e not my son, so why you call me Mom?" ang bagsik ng pagkatitig niya sa akin habang tinatali niya ang buhok niya.
'Huh? Pinagsasabi neto?... Mam po! Hindi Mom... Hmmmmmmp!'
"Aa I mean.. Mam po yung tawag po sa mga teach—"
"I Know.." siya sabay tungga dun sa bote ng Beer! "Just Kidding" aniya na ipinasok na ang mga Picture sa manipis niyang Atache Case pagkatapos maibaba nung bote sa pagkakalaklak.
'Just Kidding? Itsura niyang yun?! Patawaaaaaaaaa si Teacherrr!'
"Ahehehehehehe" sagot ko naman sa kanya.
"Answer me with a Laugh?" seryosong sabi niya sabay
'Eee anong isasagot ko? Just Kidding nga diba? –LOL!'
Bigla naman ay kinuha niya yung hot sauce sa lamesa at nilagay niya yun sa Mami na may itlog.
'Wow.. alam niya rin yung ganung istilo ng pagkain ng Mami--- Naalala ko nanaman tuloy si Kuya Clifford'
Patay!
Kailangan ko ng magmadali!
"So youre a student?" biglang tanong niya. Pagtingin ko sa kanya ay nakita kong tinitignan niya ang kabuuan ko. Biglang nagsungit ang kilay niya. "And from Mendez Academy?"
'Nge di niya ba ako natatandaan?!'
"Aaa yes Teacher" ani ko.
"Teacher?" sabi niya naman sabay upo paandig sa monoblock chair na inuupuan niya habang nakacross arm. "Isa ka ba sa mga istudyante ko?"
"Y-yess po Ma—mam" nauutal kong sagot. "Sa Bilogy po" dugtong ko pa.
"What Section?"
"2-A Mam.."
Bigla ay may hinanap siya sa bag niya. Ewan ko kung ano! Patay! Baka ipatawag niya rin ako sa Guidance!
"But me is your last Teacher.." mataray na sabi nito sa akin. May hawak maliit na notebook.
Parang dun niya tinignan yung schedule!
'PATAY'
"Yes Po." sagot ko, sabay pikit ng bahagya. Parang nangasim ako sa pagsabi ko ng totoo.
"So what a student doing here in the middle of the night?" ayun nanaman ang nakakatakot niyang pagtatanong!
Feeling ko ang question niya ay yung tanong niya kay Dwife kanina! Di ko alam kung anong isasagot!
Waaaaaaaaaaaaaaa!
"It almost 10 piem.." sabi niya. "Almost five hours of going somewhere?" inis na sabi niya.
"Aaa gumawa po ako ng portfolio at assignment sa subject niyo po sa bahay ng classmate ko po"
'Nice Dennis! Nice!'
"You can do it.. within 30 minutes" sabi niya pa na tinawag naman yung isang staff ng Mamihan gamit ang pagsenyas ng kanyang kamay. "Do your parent's know that your still outside?'
"No Mam"
NAPAKUNOT ANG NOO NIYA!
"Mga bata nga naman ngayon" masungit niyang sabi sabay tayo ng saktong makarating yung lalaking tinawag niya.
Sakto rin naman na dumating yung Order ko!
"Kibi can you gave this to those street children?" sabay turo niya sa pagkaing di naubos sabay turo dun sa...
Mga batang pulubi na naglalaro sa kalye.
'Bait naman ni Teacher'
"Ang please can you brought to my Car a two order for takeout?" seryosong sabi niya dun sa Kibi.
"Yes mam" magalang naman na sagot nung lalaki.
'Kilala niya ang mga staff dito? So parang regular costumer siya dito?'
"Put more hot sauce dun sa isa.." paalala niya sa lalaki bago ito umalis. Kinuha niya naman ang mga gamit niya at saktong aalis ng tumingin siya sa akin. "Eat Fast and go Home safely" masungit pero may lambing na aniya. Nginitian ko siya bago umalis.
"Thank you mam.." bulong ko sa hangin.
***
Nakita ko nalang siya na pumasok sa isang kulay kahel na kotse. Malapit lang yun kung saan ako nakapwesto.
'Feeling ko tuloy tinititigan niya ako'
Binuksan ko na yung cellphone ko at naghihintay ng mga text. Pero hindi text ang tumambad sa akin.
Habang kumakain ako ay biglang may tumatawag!
Tumatawag si Kuya Brenth!
"Asan ka na?" tanong niya sa kabilang linya.
"Aaa kuya galing ako sa bahay ng classmate k---"
"Umuwi ka dito ngayon din!"
BIGLANG NAPUTOL ANG PAGSASALITA KO NG MARINGIG KO ANG GALIT NA BOSES NI KUYA CLIFFORD!
"Kuya Aa.."
Toot..Toot..Toot..Toot
Ibinaba na niya yung tawag. Halos di ako mapakali dahil sa tawag na yun! Parang di ko na kayang ubusin yung maanghang at mainit na Mami dito sa ibabaw ng Mesa.
Galit si Kuya Clifford.
Bigla tuloy nagflashback sa aking isipan yung unang beses na magalit sa akin si Kuya Cliff ng todo dahil sa pag-uwe ko rin ng gabing gabi at basang basa sa ulan galing sa bahay na tinutuluyan ni Kuya Ivan—Kapatid ni Milo.
Parang kinakabahan ako.
Paano na ako ngayon?
'Kuya Rain..'
Biglang humapyaw sa aking isipan ang mukha ni Kuya Rain. Nasaan na kaya si Kuya Rain? Nasaan na sila ni Ate Mae? May anak na kaya sila?
Si Kuya Rain kase ang nagtanggol sa akin nuon. Pero nasira ang paghanga ko sa kanya ng traydurin niya ang Kuya Vince.
'Umuwi ka dito ngayon din!'
'Umuwi ka dito ngayon din!'
'Umuwi ka dito ngayon din!'
Muling Pag-ulit ng galit na boses ni Kuya Clifford sa aking isipan.
((U_____U))
"Galit si Kuya Clifford.." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa Mami sa aking harapan.
"Gabi na kase.. Bat nandito ka pa"
Halos maalog ko yung lamesa sa sobrang gulat. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko siya.
Parang naginhawaan ang pagkatao ko.
Nawala yung kaba at takot ko.
Parang naging normal ang takbo ng isip ko.
At parang siya nanaman ang laman ng utak ko.
'The hell!'
"Tss.."
"Badtrip tong si Leeford ooh!" bigla namang may dumating na..
(=___=)???
TOMBOY!
Itsurang lalake kase! Pero nakapalda! Nakajacket nga lang. Nagpalit palit ang tingin niya sa amin ni Skater Boy.
'Bat nandito nanaman kaya toh?'
"Ginugulo ka ba nitong Tropa ko?" maangas na tanong nung tomboy! Agad akong umiling!
Waaaaaaaaaaaaa!
Lalaking lalaki ang Boses! Ang gwapo niya rin! Pwede na siyang ipanlaban sa That's My Tomboy!
"Grabe mas nauna pa kayo kaysa sakin aa" bigla namang dating ng isa pang gwapong lalaki.
Napatingin ako sa bitbit nito.
"Oh Pre si Skyte" sabay abot nito sa skateboard kay SkaterBoy.
'Skyte?'
"Pangalan ng Skate Board ko" nagulat ako ng magsalita siya habang nakatingin sa akin! "Tss.." siya sabay lakad paalis sa harap ko.
Napatingin naman sa akin yung dalawang kasama niya.
Sabay ngiti sa akin.
"Pagpasensiyahan muna.. nagiging wirdo na yan sa sobrang talino" sabay tawa nung tomboy at layas na rin!
"Tsaka pagod rin galing sa Praktis" sabay tapik sa balikat ko at layas na rin!
'Hala! Anong pinagsasabi nila? Wala namang kakaiba sa sinabi ni Skater Boy aaa?'
"Praktis?" bulong ko sa aking sarili sabay tingin sa pinwestuhan nila. Pansin ko naman na hindi na siya naka-uniform.
Naka Demin Jogger Pants siya at naka Sweater Jacket na kulay Puti na may Print na mga Graffiti Word.
Nakapikit siya nun sa upuan habang nagtatawanan yung dalawa niyang kasama. Nasa lamesa nila yung skateboard.
'Skyte? Nice Hah'
"s**t!" bulong ko sa isip ko ng makita kong namulat siya sabay tingin sa akin. Agad akong umiwas ng tingin.
Naibaling ko naman yung tingin sa kotseng paalis na sa harap ng Mamihan. Kotse yun ni Mam Biology.
'Ano kayang Problema ni Teacher?'
Tsk! Pareho silang misteryoso nitong si Skater Boy. Marahan kong binaling yung tingin sa kanila.
Nakapikit ulit siya.
Bat ba lage kame nitong pinagtatagpo?
Nananadya lang ba talaga tong tadhana? Nitong mga Nakaraang araw eee parang nagiging malaki narin ang bahagi niya sa aking isipan.
Napabuntong hininga ako ng makitang oorder na yung kasama niya dun sa Babae. Bat alam nila ang lugar na ito?
Base sa pag-uusap nila yung isang lalaki ang may alam sa lugar na ito.
Muli siyang namulat!
At sa oras na ito ay nakakunot na ang NOO niya at salubong ang mga KILAY niya!
((=>___>=))
Kaya naman umiwas na ako ng tuluyan ng Tingin. Kaylangan ko ng Umuwi!
Pero kailangan ko palang bumile ng Mami. Peace Offering sa kuya kong panigurado ay bubugahan ako ng apoy.
Hinintay kong maka-alis yung dalawa niyang kasama bago ako pumunta dun sa babae.
Pagkatapos kong umorder nung Mami na pinalagyan ko ng paminta at Hot Sauce ay bumalik ako sa upuan.
Kumuha ako ng isang pirasong papel at may isinulat ako dun.
Sorry Kuya Ko :=(
|
|
|
Yan yung nilagay ko.
May kasalanan rin ako sa mahal ko--- Pagkatapos ng parusa ko ay siya agad ang aasikasuhin ko.
Pinatay ko muna kase internet Connection ko.
Baka kase di niya ako maintindihan kung ngayon kame magbangayan.
NAGUGUILTY AKO SA LAHAT NG NANGYAYARE!
Agad akong nagmadaling tumayo at umalis na sa Mamihan. Halos hindi ko rin maubos yung inorder ko kanina.
Tulad ni Tecaher ay pinabigay ko narin yun sa mga street children.
Hindi na ako tumingin pa sa mga tao sa mamihan, nagmadali talaga akong umalis. Muling nanalaytay ang kaba sa aking ugat!
Parang gusto na nga nitong sumabog eee!
'Sana di galit ng Todo si Kuya Cliff.. sana andun din si Kuya Vince pati iba ko pang mga Kuya'
((Y____Y))
***
Agad naman akong nakasakay pauwe, mabilis rin yun naging byahe kaya wala pang sampung minuto ay nasa subdivision na ako.
Bawat hakbang ko papasok sa subdivision ay tila nagkakaroon ng nginig ang aking mga tuhod.
Para akong madadapa nalang ng wala sa oras.
Papalapit na ako sa bahay ng maramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone sa bulsa.
'Baka si Kuya Brenth'
Agad kong kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Medyo nainis ako ng makita kung sino ang nagtext.
Si Karim.
Hi Beautiful! Nakauwe ka nab?
Tnx for today aa?
Bukas ulit!
Muah..
***
Ewan ko sayo Karim parang mapapahamak pa ako sa ginagawa natin. Hmmmmmm.. Agad kong binulsa yung cellphone. Di ko na nireplayan ang mokong.
Habang bitbit ang medyo mainit pang Mami ay dali dali akong naglakad at di nga naglaon ay narito na ako sa tapat ng bahay.
Bukas yung gate..
Hinid ko alam. Pero sobra yung kaba sa aking dibdib.
Tanging ang ilaw sa frontyard ang nagbibigay liwanag sa bahay. Pagkapasok ko ay agad kong sinara ang gate.
Pagkatapos ay pumasok narin ako sa terrace at sa humarap sa pintong..
NAKABUKAS RIN.
((O____U"))
Ramdam ko yung takot at kaba--- Madilim sa may sala. Pagkahakbang ko papasok..
Laking gulat ko ng bumukas ang ilaw!
Pagtingin ko sa gilid ko kung nasaan ang switch ay nandun si Kuya Clifford. Sunod sunod ang naging paglunok ko ng makita ko ang galit na galit niyang mukha.
"Ku---Kuya.." nauutal kong sabi.
"Maupo ka dun!" turo niya sa may sofa sa sala. Kitang kita ko ang pagtiim ng bagang niya! Galit na galit siya!
"Opo.." sabay madali kong upo dun sa sofa.
Naipatong ko sa tabi ko yung binili kong Mami para kay Kuya Clifford. Inalis ko narin yung bag ko sa aking likuran.
Pero may nasagi ang paningin ko.
Laking Kaba ko ng husto ng makita ko ang nakakalat na buto ng Munggo sa isang malaking bilao!
Alam ko na ang mangyayare.
("_________")
BAGGGGGGGGG!
Nagulat ako ng biglang sumara ang pinto ng malakas! Napayuko nalang ang ulo ko at kabado habang nilalaro ang kuko ko.
Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Kuya Cliff sa sofa na nasa opposite side ng aking kina-uupuan---Sa harap ko mismo.
Pag-angat ko muli ng tingin ay nakita ko ulit ang galit niya.
Nakasandong itim at nakashort nalang si Kuya. Parang galing narin siya pagkaka-idlip.
"Kumusta ang unang araw?" ramdam ko ang inis sa tinig niya ng magsimula na itong magsalita.
"O---ok naman po" sagot ko.
"Alam mo ba kung anong oras na Dennis?!" kasabay nun ang pagkunot ng kanyang noo!
"Ano po kase kuya.. May—ginawa kameng project sa bahay ng kaklase k-kooo" nanginginig na ang mga labi't tuhod ko!
"Kakasimula palang ng eskwela may project na gad kayo?" sarkastikong aniya. "Wag mo akong pinagloloko Dennis"
"Kuya totoo po sinasabi ko"
"Letseng!" ewan ko pero parang sumabog na yung galit niya sa akin! "Wala akong paki-alam kung may project ka!" tumayo siya at tila may kinuhang patpat sa sofa. Parang maikling meter's stick.
"Kuya Sorry po.."
"Pwede mong gawin yang project na yan dito sa bahay!" sigaw niya pa sa akin. "May Computer, Internet, Printer.. kumpleto dito sa bahay!"
"Gu—group work po kase" napappikit ako sa pagsisinungaling ko.
"Sino bang teacher ang nagpapagawa agad ng project! Hah?! Pakilala mo sa akin at pupuntahan ko sa eskwelahan niyo!"
'Kuya Please wag na po...'
"Hindi na po mauulit.." nakayukong sabi ko. Bigla siyang tumayo at galit na lumapit sa aking pwesto.
"Kamay mo"
Nakita kong hawak niya yung stick.
"Po?"
'Arayyyyyyyy!'
Nagulat nalang ako ng hampasin niya yung isang kamay ko. "Kamay mo sabi ko!" sigaw niya sa akin.
Agad na nangilid ang luha ko sa sobrang gulat at takot.
"Kamay mo!" muli niyang sigaw.
Isang hampas palang niya sa kamay ko pero sobrang sakit na nun. Parang naipit ang daliri ko sa pinto.
Nanginginig ang dalawang kamay ko ng ihayag ko yun sa kanya. Para akong nagpapacheck ng kuko, kung malinis ba sa aking teacher.
"Ang kulit mo talaga noh!"
'Arayyyyyyyy!'
Halos mapapikit at mapiga ang luha sa aking mata ng hampasin niya ang kamay ko. Di ako makapagsalita sa sobrang sakit.
Sinasarili ko nalang yung sakit na nararamdaman.
'Aaaaaaaaaaa Arayyyyyyyyyyy..'
Tatlong beses niya ulit na hampas sa kamay ko. Halos mabawe ko yun dahil di ko na kaya.
Nanunuot ang sakit sa kamay ko.
Pero bigla niya yung hinatak at papigang hinawakan. Tapos muli niya yung hinampas.
'Sobrang Sakit... Sobrang Kirot'
"Kuya Tama na po.." lumuluhang sabi ko habang nakatitig sa kanya. Pero galit na galit siya. "Arayyyyyyyyy! Kuya tama na po.." ng malakas niyang hampasin ang kamay ko.
Binitiwan niya na rin yun.
Halos maipagitna ko sa aking tiyan ang kamay ko dahil sa sobrang sakit habang nakaupo sa sofa. Para akong sinukmuraan dahil sa posisyun ko.
Parang nagkabiakbiak yung mga kuko ko.
"Masyadong matigas ulo mo!" Ibang kuya Clifford ang nakikita ko ngayon. Parang mas malala pa siya ng unang magalit sa akin.
"Di na po ako uulit kuya.." umiiyak na ako sa oras na yun.
"Bat ka umiiyak bakla ka ba!" biglang sigaw niya sa akin. Bigla naman akong natakot lalo sa kanya dahil sa tanong nyang yun. "Hubarin mo yang sapatos mo!"
Muling sigaw niya sa akin.
"Kuya masakit po yung kamay k---"
'Aaaaaaaaaaaaa..'
Bigla niyang kinuha yung nakatagong kamay ko at hinampas ulit yun. "Sumunod ka sa sinasabi ko!" bigla niyang pitik sa tainga ko.
Lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata.
"Hindi ka susunod?" galit na tanong niya.
"Su—susunod na po kuya" kahit masakit ang kamay ko at nanginginig yun sa kirot ay pinilit kong tanggalin ang sapatos ko. Kitang kita ko ang pamamaga ng mga kamay ko.
Gusto kong sumigaw dahil nasasaktan na talaga ako. Gusto kong tawagin si Kuya Rain.
((u_____+))
'Arayyyyyyyyyyyyyyy'
"Kuya tama na po..." nagulat nalag ako ng hampasin niya rin ang mga paa ko. "Masakit po kuya.." paki-usap ko sa kanya.
"Tiisin mo!" galit paring sabi niya. "Pupudpurin ko yang paa't kamay ko mo para di kana makalakad!" sabi niya sabay tampal sa ulo ko.
"Aaaa.." halos mapayakap ako sa tuhod ko ng bigla niyang tapakan yung paa ko. Patuloy na ako sa paghikbi. Napapaubo narin ako dahil sa sobrang pananakit ng paa't kamay ko.
'Tama na Kuya..'
Nakayakap nalang ako sa katawan ko dahil sa ginagawa niya. "Sa susunod na ulitin mo pa ang di magpaalam at gabihin sa walang katuturan na lakad!" nagulat ako ng bigla niyang hampasin ang braso ko nung patpat.
"Kuya Tama na.. di na ako uulit kuya.." ako na parang umiilag sa mga gagawin niya.
"Papabalikin talaga kita sa Bicol!" sabi pa niya sabay tapon sa patpat.
"Eh di pauwiin niyo na ako dun!" biglang sabi ko habang umiiyak. Di ko na napigilan ang sarili ko. "Mas mabuti pa dun hindi ako sinasaktan.. kaysa naman dito halos patayin mo na ako!" sigaw ko sa kanya!
"Anong sabi mo?!" sabay gigil na hawak niya sa baba ko at inangat niya pa yun. Para akong nasasakal! "Sumasagot ka na ahh!"
"Arayy.." halos mahilo ako ng bigla niya akong itulak pamudmud sa tiles kung saan nakalagay yung bilao na may munggo.
"Lumuhod ka diyan!" sigaw niya. Halos di ako makahinga na dahil sa sobrang bigat na nararamdaman ko.
Bakit ako ginaganito ng kapatid ko? Bakit Hindi naman ganito si Kuya Vince? Kuya Rain? Pati sila Kuya Brenth?
Bat pag siya magkamali lang ako ng ganito parang ang turing niya sa akin ee di kadugo.
Nasasaktan ako habang naiisip ko ang bagay na yun. AMPON lang ba ako?
"At wag na wag kang aalis diyang hanga't di sumikat ang araw!" kahit sobrang sakit na ng katawan ko ay sinunud ko siya.
KASALANAN KO RIN NAMAN.
'Wag kang mag-alala malapit na akong mawala sa bahay na to!'
Inis kong pinahid yung luha sa mata ako at lumuhod na rin ako sa bilao na may munggo.
'Aaaaaaaaaaaaaaaaaaa!'
Sobrang sakit habang unti-unting dumidiin yung munggo sa tuhod ko. Napaluha nalang ako ulit at inihiga ko nalang ang parteng ulo ko sa sofa malapit kung saan ako nakaluhod.
"Lumuhod ka diyan sa bagay na kasing tigas ng ulo mo" sabi niya na di ko nalang pinansin. Patuloy nalang ako sa paghikbi habang nakaunan ang ulo sa sofa.
Habang patuloy ang pagsakit ng tuhod ko ay nararamdaman ko naman ng husto ang pagod.
Parehong nasasaktan ang katawan ko at damdamin ko.
Kaya hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.
x(C_____C) zzZZ..
***
Nagising ako ng maramdaman kong may dumapi sa aking katawan.
"Awwwwwwwchhh..."
Biglang sumakit ang tuhod ko nang bigla akong gumalaw! Nakaluhod nga pala ako sa munggo.
Shit parang sobrang sakit na!
Bigla naman akong napatingin sa bagay na nararamdaman ko. Agad kong nakapa ang isang kumot.
'Si..sinong naglagay nito?'
Agad akong tumingin sa paligid. Tanging yung lampshade lang pala sa may sala nalang ang bukas.
Bigla naman nahuli ng mata ko ang isang lalaking nakatayo.
'Kuya Clifford?'
Bigla siyang tumalikod at mukhang aalis na at parang papunta siyang kusina. Pero bat ganun yung mukha niya, parang nakakaramdam ako na ang lungkot niya?
"Kuya ko.." mahinang sabi ko, ewan ko ba parang naiiyak na ako. Bigla namang huminto si kuya sa paglalakad. "Aaaa.." nang pinilit kong tumayo. Bahala na! Basta gusto kong tumayo at yakapin si Kuya at Humingi ng tawad.
Ginawa ko nga yun. Kahit medyo masakit pa ang kamay, paa, at tuhod ko ay tumakbo ako papunta kay Kuya Clifford.
Umiiyak akong yumakap sa kanya.
"Kuya.." humihikbing sabi ko. "Sorry na po Kuya Ko" ako na parang umaagos na ang luha habang nakamudmud yun sa likuran ni Kuya Clifford.
Ramdam ko naman yung paggalaw niya, pagtingin ko ay nakatingala siya habang nakalagay ang nakasarang kamay sa noo.
"Kuya Sorry po talaga.. di na po ako uulit" ako na lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
Humihikbi na ako sa likuran niya.
Parang ang lakas ng t***k ni Kuya. Dinig na dinig ko ang pag dug*tug ng puso niya mula sa kanyang likuran.
"Hindi ko na po kayo gagalitan Kuya" sabi ko pa.
Ramdam ko naman na inalis niya ang kamay ko sa pagkakayakap. ---Galit kaya siya?
"Sige na.." parang umiiba narin yung boses niya. "Tumaas ka na at magpahinga" nagulat ako ng maringig na.
Parang nagcrack ang boses niya ng sinabi niya iyon.
Nang makita kong nakapasok na siya sa kusina ay parang dun ko naramdaman ang lahat ng sakit sa katawan ko.
Parang nahinto narin ng gaan ng kalooban ang pakiramdam ko.
'Sorry talaga kuya ko..'
Medyo pilay akong naglakad pabalik sa sofa at kinuha ko ang bag at sapatos ko. Pati yung..
Nasaan na yun?
Hinanap ko sa sofa yung binili kong Mami. Pero nawawala na yun! Aasan na kaya yun?
Nakuha kaya ni Kuya Clifford?
Napatingin ako bigla sa kusina.
'Anong ginagawa dun ni Kuya?'
Namalayan ko nalang na naglalakad na ako papuntang kusina. Tinitiis ko yung sakit ng tuhod ko.
Bigla akong napasilip ng bahagya sa pinto ng kusina.
Bigla akong nagulat ng makita ko yung plastik na pinaglagyan ko ng Mami sa ibabaw ng mesa. Nakalagay din dun ang laptop ni Kuya tapos may mgapapeles na nakapatong.
'Dito si kuya gumawa ng mga trabaho niya?'
Pero bakit?
Bigla ko namang nakita si Kuya na may dalang mangkok! Tapos naka eye glass siya. First time kong makita na magsuot siya ng ganun.
Bagay kay Kuya.
Para siyang Doktor.
Pero nabaling ang tingin ko dun sa mangkok. Hindi kaya?
Yun yung Mami?
Naupo na si Kuya. Pero nagulat ako ng bigla siyang may kinuha dun sa may ibabaw ng plastik.
Tapos binasa niya yun.
Yun yung sinulat kong short message sa isang piraso ng papel.
Para akong tangang napaiyak ng makitang parang napapaluha narin si Kuya Cliff nang bahagya habang nakatingin sa papel.
Pero bakit?
Kita ko sa mata niya ang pagkaguilty. Kita ko ang pagsisi—Hindi ko alam kung nag aassume lang ako.
Pero nakikita ko talagang naglalabas siya ng mga Luha dulot ng pagsisisi.--- Maybe a Tear's of Guilt.
Medyo napangiti rin ako pero umiiyak parin ako.
'Thanks for the Cry Kuya while Reading my message.. Lalo tuloy akong napanatag na mahal mo rin ako bilang kapatid.. Salamat Kuya ko...'
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! Sa next Chapter na po ang Huling Part (Part 4) ng The 10th Shopa: "The Tear's of Guilt"
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
ieY