DENNIS POV
Napatingin nalang ako dito sa batang babae na nakangiting nakatitig sakin. Siguro naka-inom ata siya ng enervon--- Ang saya e. Nginitian ko lang din siya.
"Ang cute niyo po Kuya.." sabi niya sa akin. Uy natouch naman ako sa sinabi ni Baby girl. "Kuya niyo po siya" sabay turo niya kay...
God!
Nakatingin siya sa akin. Nasa gilid siya ng court malapit dun sa may manmade arc kung nasaan yung babaeng nakablindfold. Tsk. Bakit siya nandun? Bakit di nalang siya dito sa pwesto nila kanina?
Tapos may pa-oxygen oxygen pa siyang nalalaman? Tsk! Tsaka diba Cold War kame ngayon? Diba galit siya sa akin.
May Paasa Baby pa nga siyang ganap ee!
Pero Infairness, Namiss ko siya. I don't know pero parang part narin siya ng kapaligiran ko.
'Duhhhhh Oo part siya ng kapaligiran mo Dennisiooo at siya yung ligaw na damo! Amorseko na kung madaanan mo ay dumidikit sayo ng di mo namamalayan!'
Pero bakit niya ako pinansin ngayon? Tapos pabulong bulong pa tapos may pagpingot pa ng ilong ko.
Ang sweet nun Skater Boy. Tsk!
((^___^))
Di ko namalayan napangiti nalang ako mag-isa. Tinignan ko ulit si Baby Girl na nakatingin parin sa akin. Yung ibang tao naman ay abala kakatitig kay Skater Boy. Ang kakati nila. Sorry sila, ako yung pinansin..
Takang taka nga yung ibang mga babae ee. Bakit daw ako yung Pinansin. Di nalang ako umimik.
Sinasagot ko nalang sila ng ngiti. Para naman maguluhan sila. Labasan sila ng Egg Cell sa Inggit!
"Uhmmm para siyang amorseko.." sabi ko sa bata. "Na tuwing mapapadaan ako sa kanya ay may parte siyang dumidikit sa akin"
'Part of him na at a certain time parang nilalamon ang isip at katawan ko.. I don't know pero minsan napapatibok niya rin sa kaba yung pushooo ko'
Napanguso si Baby Girl.
"Ano po yung Amorseko"
"Amorseko.. Uhmmm yun yung.." napatingin naman ako kay Skater Boy na parang kinakausap nung dalawa niyang Tropa. Tumayo na sila tapos parang pumunta sa likod. Habang yung Isang Pogi naman ay nasa harap nung Arc may dalang isang Bugkos ng bulaklak habang nakasakay sa kanyang skate board.
Ano kayang gagawin nila? Anong gagawin ni Skater Boy na magpapaBreathless sa akin?
Muli akong tumingin sa tabi ko para sagutin sana si Baby Girl ng bigla akong magulat. Napaatras ako ng konti ng makita ko ang isang lalaking nakatitig sa akin. Nakacoat siyang itim.
Suot niya yung Hoody ng coat niya habang nakatingin sa akin. Pero ang ikinatakot ko ay yung mga paekis ekis na pasa sa kanyang mukha. Ewan ko ba sobra akong kinabahan.
Ngumiti siya ng nakakakilabot sabay tingin sa harapan.
Ganun nalang din ang Ginawa ko, tumingin na rin ako sa harapan. Gusto ko ng makita kung paano patitigilin ng damuhong IbangRel na yan ang paghinga ko.
SILVER'S POV
Mula sa metal na harang ng court ay kitang kita ko si Leeford dala dala ang paborito niyang skateboard. Pero malapit ko na rin durugin ang laruan mong yan Gago!
Kasama ko ang dalawang alalay ni Giovani. Si Wax at Harlon. (Hindi mo Kilala si Wax at Harlon?--- Balik ka sa Chapter 7!) Dapat pala pinuruhan ko na ang gagong yun ng makaharap ko siya nung nakaraang gabi.
Pero hindi talaga ako mapakali. Pamilyar sakin ang batang yun--- Kung hindi ako nagkakamali siya yung kasama ni Leeford ng sundan ko ito galing sa Malugay St.
Pero mag-ano silang dalawa? Tsaka bakit bumaba si Leeford nuon sa Seven Eleven sa Subdivision kung saan nakatira si SKnifer. Hindi kaya nakikipag-usap na siya dito?
Pero bigla naman siya Karipas ng takbo ng may makita sa Convenient Store. Hindi ko alam kung sino. Dahil sinundan ko rin agad si Gago. Ayoko makatakas siya sa mga oras na yun sa kamay ko. Alam kong nandun na rin sa Subdivision na yun sila Giovani—Pero magkaiba kame ng target.
Gusto kong ipakita sa kanya ang panimula ng aking unti unting pagpatay sa kanya. Sisimulan ko sa mga kaibigan niya, sa mga taong mahahalaga sa kanya.
Sino bang uunahin ko?
Natigil ako sa pag-iisip ng makita ko siyang ngumiti. Anong tinatawa tawa ng Gagong yan? Napatingin ako sa direksyon niya. Napangiwi ako ng makitang nakasulyap siya dun sa batang lalaki, na sa ngayon ay nakatalikod at tila kinaka-usap ang nasa likuran niya.
Anong Koneksyon nila?
"Siya yun Wax.." biglang paglitaw ng boses ni Harlon. Kanina pa sila nagbubulungan na dalawa. Pero wala akong pake kasi hindi ako interisado.
Tinitigan ko sila. Bigla silang napahinto--- Mga gagong to para akong multo sa paningin nila pag tinititigan ko sila.
"May problema ba kayo sa mukha ko" mapanindak kong tanong.
"Ah wala Boss.." sagot ni Harlon. Napakunot ako ng noo sabay tapik sa balikat nilang dalawa.
"Mabuti kung ganun.." muli akong tumingin sa Court "Sinong pinag-uusapan niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa habang nakatingin lang sa court. Bigla akong napatitig ng maiigi ng mapansin kong kinakausap ni Leeford yung Batang lalaki.
Mayabang na may sinasabi si Leeford dun sa batang lalaki na parang nakatulala lang sa kanya.
Mukhang Gago rin. Abnoy.
"Yung Batang kinakausap Boss ng kaaway mo" panimula ni Harlon na kumuha sa attensyon ko. Agad ko siyang tinignan.
"Ano?"
"Siya yung kapatid nung Brenth."
Sa muling pagsulyap ko sa Court ay nakita ko ang pagpisil ni Leeford dun sa ilong ng batang lalaki na ayon sa mga to ay Kapatid ni Brenth.
Wala akong masyadong alam kay Brenth, ang alam ko lang ay nakakatakot siya. Pero di ko akalain na napakabait ni Satanas para itakdang makilala ni Leeford ang kapatid ni Brenth.
Biglang may planong pumasok sa isipan ko. Planong tiyak na magiging matagumpay, plano na tiyak magpapalambot sa tuhod ni Brenth at Leeford.
Magagamit namin ang batang yun.
"Eh di ayos.." ako sabay lakad papunta sa loob ng court, sabay iwan ko ng ngiti sa dalawa. Ngiting nakakakilabot. Parang nagulat naman sila dahil sa inasal ko.
Ngayon masasabi ko nang kame ang magwawagi, ako ang magwawagi.
DENNIS POV
Nagsimula na yung song.
'Breathless ang King Ina!'
Pinagtitripan siguro ako nitong si SkaterBoy. Siguro yung song ang tinutukoy niya. Gago talaga yun! Siya yung Paasa akala ko naman malalagutan talaga ako ng hininga.
Tsk!
Dapat nga natuwa pa ako dahil sa hindi ko na kakailanganin ng Oxygen. Tsaka ewan natatakot ako kase parang si kamatayan na tong nasa tabi ko. Naka-itim kase ang lolo niyong Samurai X!
'Ano bang pinagsasabi mo Dennis? Inuuto ka lang ng damuhong yun kase naguguilty siya! Siguro naguguilty siya na sinungitan niya ang pinakamagandang alimango sa balat ng dagat!'
Diba Krab ko? Hmmmmmf umuwe nalang kaya ako? Tapos kontakin ko rin yung pinakagwapong alimango sa balat ng dagat?
Tsk! Busy nanaman yun. Okay lang yun Dennis para naman yun sa Future niyo ni Krab ee. Tama! Tama! Kaya kaylangan more understanding lang!
♩ ♪ ♬
Go on go on
Leave me breathless
Come on [echo...]
Hey... yeah...
*Inalis na yung Piring dun sa babae. Gulat si Ateng maganda ng makita yung Boyfriend niya ata sa harapan niya! "Oh My God!" sabi niya sabay takip ng kamay sa bibig.
'Badbreath Ate? Hehehe'
♩ ♪ ♬
The daylight's fading slowly
The time with you is standing still
I'm waiting for you only
The slightest touch and I feel weak
*Biglang tumakbo si Ate payakap dun sa Boy. Gashhhhh ang sweet nila. Hinahakhawakan pa ni ate yung pisnge ni Boy tapos kiniss niya ito sa Lips!
Kilig toda Max yung mga tao dito sa paligid. Ewan ko lang dito sa katabi ko na parang may hinihintay.
Nga pala asan na sila Skater Boy?
♩ ♪ ♬
I cannot lie, from you I cannot hide
And I'm losing the will to try
Can't hide it (can't hide it), can't fight it (can't fight it)
*Isinakay ni Kuyang Gwapo si Ateng maganda sa Skate Board niya. At magkayapos sila! Nakakakilig talaga! Tapos pinaandar niya yun ng marahan. Parang sumasayaw sila sa may Skateboard tapos sumasayaw rin yung Skateboard sa Court. Pero asan na talaga yung damuhong yun? "Happy Birthday Mahal" sabi ni Boy kay Girl.
Nakowwww nakakainlove ♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Pero asan nga si---
♩ ♪ ♬
So go on, go on, come on, leave me breathless
Tempt me, tease me, until I can't deny
This loving feeling (loving feeling)
Make me long for your kiss
Go on (go on), go on (go on)
Yeah...
Come on
Yeah...
*Biglang may lumabas na tatlong lalaki na naka skateboard sa likuran ng Arc! At kasama siya dun.
Nakangiti itong sumulyap sa akin. Habang iniikutan nila yung magjowa sa gitna ay nageexhibition sila.
Nginitian ko rin siya. Pero biglang kumunot yung Noo niya. Hindi ko alam kung Bakit! Parang bigla siyang nawala sa wisyo ng ginagawa niya. Pero nakatitig siya sa bandang pwesto ko.
Hala may ginawa ba akong masama nanaman?
♩ ♪ ♬
And if there's no tomorrow
And all we have is here and now
I'm happy just to have you
You're all the love I need somehow
It's like a dream
Although I'm not asleep
And I never want to wake up
Don't lose it (don't lose it), don't leave it (don't leave it)
*Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kanya. Pero Pramis nagkakalat si Skater Boy sa Performance na ginagawa nila! Panay ang hinto, semplang at kung ano pang kapalpakan ang nangyayare!
Hindi siya mapakali parang gusto na niyang tumigil sa pagskateboard at tumakbo kung saan!
♩ ♪ ♬
So go on, go on, come on, leave me breathless
Tempt me, tease me, until I can't deny
This loving feeling (loving feeling)
Make me long for your kiss
Go on (go on), go on (go on)
Yeah...
Come on [echo...]
[Guitar's solo] Yeah-ie, yeah, yeah-ie, yeah...
And I can't lie
From you I cannot hide
And I've lost my will to try
Can't hide it (can't hide it), can't fight it, (can't fight it)
So go on, (go on) go on, (go on), come on, leave me breathless
Tempt me, tease me, until I can't deny
This loving feeling (loving feeling) Make me long for your kiss
*Pansin ko rin na parang naiinis na sa kanya yung mga kasama niya. Tila parang naging kalat kase ata sana yung surprise dance. Oh My God! Bakit ka ganyan Skater Boy you ruined the surprise of a Prince to his Princess!
Sana di kanalang po Sumali!
Bakit ba kase siya ganyan? Pramis parang sakin talaga siya nakatingin! Hindi naman siguro kay..
♩ ♪ ♬
Go on, (go on) go on, (go on) come on, leave... me breathless
Go on, (go on) go on, (go on) come on, leave... me breathless
Go on, (go on) go on, (go on) come on, leave... me breathless
Go on... go on!
*DUG!*DUG!*DUG!*
*DUG!*DUG!*DUG!*
*DUG!*DUG!*DUG!*
*DUG!*DUG!*DUG!*
*DUG!*DUG!*DUG!*
*DUG!*DUG!*DUG!*
*DUG!*DUG!*DUG!*
*DUG!*DUG!*DUG!*
*DUG!*DUG!*DUG!*
*DUG!*DUG!*DUG!*
*Kitang kita ko kung Paano niya iaktong igilit yung kamay niya sa leeg niya sabay tingin sa akin!
Tapos ngumisi siya sa akin sabay alis. Sa sobrang kaba ko ay di ko alam ang gagawin! Namalayan ko nalang tapos na pala yung exhibition.
Pansin ko rin na nag-alisan na yung mga tao.
Tapos pansin ko rin na parang Badtrip yung Lalaking nansurprise sa Girlfriend niya. Si Ate maganda naman ay pinapahinahon yung Boyfriend niya.
"Asan na si Leeford?!" galit na sabi nung lalaki.
"Pre, bigla nalang tumakbo.." sabi nung isa ring gwapo. Lahat sila gwapo! Eh di ko naman alam name ee. Kaya Gwapo nalang! Pwede ring Pogi!
'Oo nga nasaan na pala ang kaibigan niyong yun! May kasalanan rin siya sa akin! Paasa siya! Asan na yung Breathless na ganap na sabi niya!'
"Tang-Ina! Ano bang nangyari dun?!" tanong ulit ni Kuya na may birthday ang Girlfriend.
"Di ko alam Andy" sabi pa nung Isa.
'Uy Andy pala name..'
"Sasapakin ko talaga siya!" sabi nito. "Panira amputa!"
"No.. You will not do that to Lee Andy.." sabi ng magandang babae. "There's no need to be Mad... I'm Happy Baby with your surprise" sabi ni Ate. Awwww ang bait talaga.
Parang ako nalang nanunuod sa kanila. Ayyy mali meron din palang ibang Kiligers.
"Kase mahal.."
"Just Understand Him" sabi ni Ate. "Siguro may naalala lang siya.. Remember?" di ko alam ang pinag-uusapan nila.
Napabuntong hininga naman si Andy. "Okay.." napayukong sabi niya. "Kase gusto ko sana perfect yung surpresa ko sayo Mahal"
"You and your heart is enough to satisfied me Baby.." sabi ulit ni Ate. "I love you.. Thanks' for your love" tapos nagkiss sila.
Awwwww..
"Happy Birthday Krixia! Happy Birthday Krixia!" paulit-ulit na kanta nung mga babe na sinabayan na nung mga boy's with skateboard. Tapos nakikanta narin kameng mga nanunuod.
King Ina! Makikikain rin siguro tong mga to ng Cake Hehehehehe!
Lumapit na yung mga Mocha Girls dun kay Ate at Andy ba yun. Mukha kase silang mga Mocha Girls ang daring ng mga suot!
Nakangiti namang lumapit si Ate at tumingin muna sa lahat sabay tingin sa Boyfriend niya. Tapos tumingin siya ng buong court pero biglang napahinto ng biglang mapatingin siya sa pwesto ko.
((?______>))??
Bat parang gulat na gulat siyang makita ako? Hala ang awkward aaa!
"Siya na ba?" bigla akong napatalikod ng maringig ang isang pamilyar na boses. Boses ni Kuya Uno!
My Gaddd! 10 minutes nga lang pala ang sabi niya! Agad akong humarap sa kanya. "Kuya Sorryyy--- Ahhh ano kase"
"Erjuan?" napahinto ako sa pagsasalita ko ng may bumanggit sa True name ni Kuya. At mas lalo akong nagulat ng makita ko si Ate Maganda ang nagsalita! Ohhh my God..
Wag naman sana! Sana mali tong iniisip ko!
"Happy Birthday.." sabi naman ni Kuya Uno sabay talikod. Ramdam ko yung Coldness, Sadness at Hurtness sa mga mata at boses ni Kuya.
"Erjuan!" biglang tumakbo si Ateng maganda papalapit kay Kuya. Agad siyang humarap dito. "Erjuan.." sabay hawak niya sa braso ni Kuya.
"Krixia!" biglang sigaw naman ni Andy sabay lapit kina Kuya. Ganun na rin yung Mocha Girls pati yung mga Skater Boy na dalawa!
Siyempre ako din!
"Why?" si Kuya Uno na parang naiinis. "Why you do this to me?" si Kuya Uno na parang maiiyak na.
Ang Intense!
"Erjuan.." paulit ulit si Ate. Napabuntong hininga ako, siya nga. Siya yung Ex na tinutukoy ni Kuya Topher.. Ex na niligawan ni Kuya Uno. Nakaramdam ako ng pagkalungkot.
Nakaringig nalang ako bigla ng tila mga gulat na tinig mula sa Mocha Girls. Pagtingin ko ay nakita kong yumakap si Ate Krixia kay Kuya Uno!
'My God!'
Bigla siyang inalis ni Kuya. "The f**k!" biglang bulalas ni Andy sabay lapit kay Kuya. "Who you!" sabay duro ni Andy kay Kuya! Si Kuya naman ay tinignan lang siya sabay titig ng masama kay Krixia. Medyo namumula na ang mata ng Kuya ko!
Lalapit sanan ako ng biglang tumakbo si Kuya Uno!
"Erjuan don't leave me!" sigaw ni Ate Krixia. Hindi ko na nageget's ang nangyayari! Pero si Ateng isa sa Mocha Girl ay get's na siguro yung lasa ng Cake! Kanina pa siya sige papak!
"What the f**k is this Krixia?" sabi ni Andy sa Girlfriend niya. Hinawakan niya sa balikat ang girlfriend sabay yugyug.
"Stop! Don't Touch me!" sigaw nung Krixia sabay takbo narin. "Erjuan!" paghabol niya kay Kuya.
"s**t!"
"Pre.."
Muli nanaman silang nagtakbuhan. Ayoko ng sumama! May gumugulo rin kase sa isip ko! Nasaan ba si Skater Boy!
Napatingin ako sa kinatatayuan ko. Nashock ako ng makita ko si Ate na kumakain ng Cake. Tinignan ko siya taimtim. Hindi pa nga nablow yung Candle inuubos na niya yung Cake.
Oh My God lang.
Bigla siyang napatingin sa akin. Tapos inirapan niya ako. "Don't Judge me!" sigaw niya sa akin. Hala! "Happly Plus ko ang ginamit sa pagbili ng Cake na ito tapos nakadiscount pa sila 100 dahil dun sa Discount card na meron ako sa Red Ribbon! Kaya wag kang Judgemental! Hmmmmp!" sabay layas na rin.
Adik ba yun o Mongoloid?
Naglakad lakad na muna ako, nagbabakasakaling makita ko dito si Skater Boy. Andame niyang nagawang kawirduhan ngayong Araw. Una yung Breathless na ganap na wala namang nangyare! Sumunod yung nagkalat siya sa Surprise ni Andy dun sa GF niya na Ex niligawan naman ng Kuya ko tapos tumakas pa siya ng walang paalam!
Bigla kong naalala si Kuya. Okay lang kaya siya? Bat kase bigla siyang sumulpot dun? Haist kagagawan to lahat ni Skater Boy dahil kung hindi siya nagpaasa eeh di sana bago mag 10 minutes nakabalik na ako kay kuya at di na ako sinundo pa.
Nakita niya tuloy Ex niya. Ex na nililigawan.
Nasa may bandang bakanteng daan na ako nun, dun yun sa likuran ng mga court. Di ko pa kase ito napupuntahan.
Nang bigla kong nakita si Sakter Boy na aligaga na tila may hinahanap! Humanda ka sa akin ngayon!
Agad ko siyang nilapitan.
"Hoy!" sigaw ko dito. Di niya ako pinansin, tuloy lang siya sa pagtingin sa kapaligiran. Snob nga to sa Personal. O sadyang bingi lang.
Both nalang!
Ewang ko ba naiinis ako sa kanya. Kanina ang sweet ng mga salita niya ngayon nanaman ee seryoso mode nanaman.
Lumapit ako tapos hinaharangan ko siya sa bawat pagsilip niya. Sino bang hinahanap nito? Naka ukbit naman sa likuran niya yung baby skateboard niya. Siguro ako ang hinahanap niya.
Ibig sabihin lang nun.. Hindi lang siya snob sa personal at bingi. Kundi bulag pa! Pero seriously, di ko mawari ang ginagawa niya.
Bigla siyang tumigil at tinignan ako ng masama. Ganun din ang ginawa ko tinitigan ko rin siya ng masama.
"Wala ako sa mood makipag-usap" pagsusungit niya, tatalikuran nanaman sana niya ako ulit ng hinarap ko siya.
"Hoy ano bang nangyayare sayo?!" mahinang bulyaw ko. Sinideward ko yung mga arm ko sa harap niya. "Kausapin mo ako!"
Salubong ang mga kilay niya.
"Alam mo ikaw tong paasa!" pagsisimula ko. "Anong mga breathless breathless ang pinagsasabi mo kanina aa!" muli nanaman siyang naglakad. Sinundan ko ulit siya kahit ang bibilis ng hakbang niya!
"Tapos may papipingot pingot ka pa ng ilong ko! Anong ibig sabihin nun aaa!" ako habang sinasabayan ang paglalakad niya. Para kameng timang na pikot ikot kung saan. Halatang irita na siya sa ginagawa ko.
"Tapos sabi mo pa.. Just watch, but again I will remind you Boy Kagat Labi you need to find a oxygen.. Because I will make you Breathless" Panggagaya ko sa sinabi niya kanina. "Oxygen.. Hahahaha patawa ka" Huminto siya at tinapunan nanaman ako ng mga namumuhing titig!
"Tss.." inis na singhal niya.
"Tss.. Tss.. Puro ka nalang Tss.." inis na sabi ko sa kanya. Wala namang gaanong tao kaya okay lang magpaka Beastmode dito! "Kaya naman mukha ka ng Tsss! TssIMANG!" Halos magdikit na yung noo at kilay niya sa sobrang inis.
"Ang ingay mo.." mahina pero ramdam mo yung inis at pagkairita niya.
Muli nanaman siyang naglakad papalayo, hinabol ko nanaman siya. Habol pa more Dennis! Sermon pa more! Paasa yan eee!
"Tapos yung surprise ng Friend mo.. sinira mo pa" muli kong sabi. "Nakakahiya ka kaya kanina, para kang tanga dun" muli nanaman siyang huminto. Pero ako tinuloytuloy ko lang yung pagsasalita.
"Di kita maintindihan bat ginagawa mo yun.." nagulat naman ako ng makitang nakatitig siya sa akin. Inis yung mukha at salubong parin ang kilay. "Sabi mo gagawin mo akong Breath---"
*LUNOK!*
Pero di ako makalunok! Parang may kung anong bumara sa lungs ko! Shettt.. Anong nangyayare?
(O____O)"
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Alam kong nakapikit ako sa mga oras na ito. Parang namanhid ang buong katawan ko, tapos parang hindi ako MAKAHINGA!
Pagmulat ko ay nagulat ako ng makitang magkadikit kame. Magkadikit ang mga Labi namin.
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng maramdamang kinagat niya pa ang ibabang labi ko. Then he removed his lips on mine. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam kung anong irereact' para akong naging istatwa.
Kitang kita kong ngumisi siya. "Tss.." nakangiting singhal niya sabay hakbang paatras ng isang beses. "Satisfied?" Parang tuwang tuwa siya sa ginawa niya. Manyakis siya! Then tumalikod siya at naglakad na palayo.
Habang ako naman nakatayo parin at lutang. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Parang sa isip lang ako nagsasalita, wala akong hangin na mahigop.. Hindi na nga ako makahinga!
Huminto siya at muling humarap sa akin. Puta kumindat pa ang King Ina! Tapos muling tumalikod at lumayas.
Biglang may liriko ng kantang tumugtug sa isip ko. At alam kong yun ang nararamdaman ko ngayon..
♩ ♪ ♬
Go on, (go on) go on, (go on) come on, leave... me breathless
Help me Please. Need ko po ng Oxygen!
!!--(0+0)--!!
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)