CHAPTER 020

2422 Words
DENNIS POV Nasa kilig moments ang buhay ko ng mga oras na yun dahil sa binabasa kong w*****d story ng biglang may humablot ng cellphone ko! 'Magnanakaw?!' ((0___0))—D Gulat akong napatingin sa harap ko. Bigla akong nakahinga ng maluwag ng makita ko si Kuya Uno na nasa harapan ko. Hawak ang cellphone ko at salubong ang kilay. Nakasaksak pa sa cellphone ko yung headset kaya parang nakatali ako kay kuya hehehehe. Sumenyas siya na tanggalin ko daw yung nakasalpak saking tenga. Hehehehe ayoko nga. Nakavolume kase yung sound ng nakakaLLS na song sa aking tainga. Sometimes ni Britney Spear! Nakarepeat yun sa player ko. Paulit ulit habang binabasa ko ang nakakabaklang kwento ni Deib Lohr at Maxpein. Umiling ako kay kuya sabay ngiti. Hinihingi ko yung cellphone kong kinuha niya. Lalong sumalubong ang kilay niya. Drama lang ito ni Kuya--- Dameng arte. Pero nagulat ako ng biglang bunutin ni kuya yung headset sa cellphone ko. Hehehehe parang tanga dapat kanina pa niya yun ginawa ee. ((^___,^))—O Pero kainis kase nabitin yung pagbabasa ko ee. Hmmmmmp kuya naman e. Tinanggal ko na rin yung headset at tsaka binulsa yun. "Kuya naman e" ako na parang naiinis kunwari. "Bat ka natawa mag-isa?" parang nagtataka niyang tanong. "Nababaliw ka na ba bunso?" nakasimangot itong tumabi sa kina-uupuan ko. "Lah. Si kuya oh anong nababaliw ka diyan?" sabay kuha ko sa cellphone sa kamay niya. Nakuha ko naman agad yun. "Kanina pa kase kita tinatawag. Tapos di mo ako pinapansin. Nung nilapitan kita... Abay kinilabutan ako ng makitang natawa ka tapos may binubulong ka pa.. Nasobrahan ka na ata sa jogging bunso" "May binabasa kase ako kuya ko.." kwento ko kay kuya. Napakunot ang noo niya. "w*****d kuya ko.." sabay ngiti ko. "Alam mo yun?" "Anu yun?" iritang tanong nito. Napakahayblad naman nito, nagtatanong lang siya. Hindi alam ni kuya yung w*****d hehehehe. Old man ang wala. ((^___,^)) "Electronic book app yun kuya ko" kwento ko sa kanya. "Dun pwede ka magsulat ng kwento at kung gusto mo naman magbasa ka lang" pagtutuloy ko. "Pero pwede ring reader at writer ka at the same time" Inis siyang tumingin sa akin. "Bunso babae lang mahilig magbasa ng kwento" bigla akong kinabahan sa sinabi ni Kuya. Hala anong pinupunto nito? Na hindut na bakla ako, dahil nagbabasa ako ng kwento sa w*****d? As if naman nagbabasa ako ng M2M story dito. Actually nagbabalak palang ako magsearching hehehehe. "Kuya naman.." napa-iwas ako ng tingin. "Babae lang ba ang pwedeng magbasa?" ani ko na parang kinakabahan parin. "Eh di sana babae nalang ang istudyante sa Filipino pag Noli at El Fili na ang topic" Napangiti siya sabay akbay sa akin. "Sige na, talo na ako" aniya. "Pero bakit ka kase panay ngiti mag-isa?" tanong niya naman. "Mukha ka tuloy tanga bunso" "Kase kuya dahil nga dun sa binabasa ko.." sagot ko naman. "Ano bang nangyayari dun sa Binabasa mo?" nagtatakang tanong niya sa akin. Napangiti tuloy ako ng maalala ko yun. "Yung dalawa kaseng bida sa kwento kuya ko" sabay tingin ko sa langit at nakangiti akong tumunganga dun. I Feel the love with Deib and Max. Bumuntong hininga muna ako sabay ngiti ulit. "Parang tanga ka Bunso.." sabi ni Kuya na nginisian ko lang. "Ano nga kaseng nangyare dun sa kwento?" "Nahawe kase nung babae yung tutut nung boyfriend niya" pangunguna ko. "Tapos nagalit yung lalaki dun sa Girlfriend niya" sabi ko sabay tingin kay Kuya na parang nagugulantang sa kinekwento ko. "Alam mo ba kuya kung bakit?" nakangiti kong tanong. Di siya umimik. "Kase malaki daw yung impact sa isang lalaki na mahawe ang tutut nila" natawa talaga ako sa scene na yun. Nung time na sumisilip si Deib at Max sa kwarto ni Eerah Anita habang may ginagawa silang kabastusan ni Lovemir. (Si Eerah at Lovemir po ay another character sa He's Into Her III) Tapos tumingin ako kay Kuya. "Siguro tinigasan yung lalaki" aniko. Biglang napatayo si Kuya at parang inis na kinilatis ako. "Hala bunso.." sabi niya sa akin na parang nagtataka. "Bakit nagbabasa ka ng ganyang mga kwento" sabi niya sa akin. "Kaya siguro pumapayat ka dahil kakabasa mo niyan" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Kuya. "Bat naman ako papayat sa pagbabasa nitong kwento kuya" sabay angat ko ng cellphone ko. "Kase bunso.." sabay tingin niya sa paligid. "SPG yan bunso.." tapos napapa-iling pa siya. "Kaya ka siguro panay Jakol, kase nagbabasa ka niyan lage" "Kuya.." sabay tayo ko rin tapos tinulak ko siya ng may paglalambing. "Anong SPG? Action kaya to.. minsan lang yung mga ganung scene dito" pagdepensa ko. "Ay si Bunso.." sabay iling niya. "Baka natututu ka na sa mga ganyan ganyan. Magulat nalang ako na kasama mo na yung Bestfriend mong tomboy sa bahay" "Ha? Bat ko naman siya isasama sa bahay?" "Kase sasabihin mong.." "Sasabihin kong?" "Nabuntis mo siya.." Putragis parang gusto kong masuka dahil sa sinabi ni Kuya. Bigla akong kinilabutan, pakiramdam ko halos magkabuhol buhol ang bituka ko sa tiyan. Yung ribs ko napunta saking pwetan yung bayag ko umangat sa noo ko tapos pwet ko napunta sa likuran ko. Parang namutla pa ako that Time. Oh My mas kapanipaniwala pa kung bigla akong pupunta sa bahay kasama si Krab tapos sasabihin kong.. 'Buntis ako mga kuya ko' Tapos sasapalin ako ni Kuya Clifford. Tapos yayakapin ako ni Krab at siya naman ang magsasabing 'Ako po ang Ama at pananagutan ko si Dennis my Krib' Pffffffffffft.. ((--____--)) Pero mas kapanipaniwala pa ata yung sinabi ni Kuya. Kase wala naman akong p***y para mabuntis ako ni Krab. Pero King Ina aa! Anong mabubuntis ko si Joey! Grabe si Kuya mag-isip. Tinignan ko siya, habang siya naman ay panay ang ngisi. "Kuya naman patawa ka" naiilang na sabi ko. "Bakit bunso? Gusto mo bang iuwi sa bahay ee yung Boyfriend niya?" ((O_____O))" "Kuya naman!" "Joke lang.. Binibiro ka lang ee" siya sabay lapit sa akin. "Pero bunso may Girlfriend ka na ba?" Lalo akong natulala sa kawalan—Ano ba tong mga tanong ni Kuya. "Kuya bata pa ko" nahihiyang sagot ko. "Pag-aaral muna" hindi ako makatingin sa kanya. "Good" sabi naman ni Kuya. "Pero Crush bunso meron ka?" Shet kala ko tapos na, pero may follow up question pa talaga. "Aaa oo naman.. Abnormal ka kung wala kang Crush" yan kadalasan ang nariringig kong sagot ng mga taong wala pang syota. "Sino naman bunso?" tanong ulit ni kuya—Hindi na ako komportable pramis. Kaya naman may naisip akong paraan! "Kayo nga kuya" sabay tingin ko sa kanya na nakanguso. "Wala pa nga kayong mga syota ee.. ke tatanda niyo na" sabi ko naman sabay ngiti ng makita ko siyang ngumisi. "Di nga kuya.. bat wala pa kayong Girlfriend nila Kuya?" tanong sabay lapit sa kanya. "Ayaw pa ni Kuya Cliff.." sabi niya "Magtapos daw muna bago mag-asawa" nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya Uno. "Mag-asawa?" "Dun din daw yun mapupunta" sabi ni Kuya na naglakad na pabalik. Agad akong tumakbo at pumunta sa harapan niya. "Wehh?" "Sige na.." sabi niya na parang magkekwento na. "Si Kuya Topher mo marami yang Girlfriend sa School" sabi ni Kuya Unong kinagulat ko. "Hindi nga?! Ano siya Musli*?" "Playboy lang." "Si Kuya Brenth?" tanong ko. Pero biglang nagsalubong kilay niya. "Ayyy neverm—" "Siya tanungin mo." sagot niya. "Pero mag-ingat ka, di ko alam kung gusto pa nun pag-usapan ang tungkol sa naging Girlfriend niya" Bigla tuloy akong nacurious ng todo na medyo kinabahan. Gusto ko rin sana siya tanungin kung bakit di nila pinapansin si Kuya Brenth. Pero tikom nalang muna ako. "Si Kuya Vince naman.. siguro naman alam mo na nangyare sa kanila ni Kuya" "Stop.." ani ko. "Ayoko maringig pangalan niya" sabi ko naman. "Eh si Kuya Clifford? Tandang Binata niya na noh Kuya ko?" napangiti naman si Kuya. "Wala akong alam tungkol sa buhay pag-ibig ni Kuya Cliff." sabi ni Kuya Uno. "Isa lang ang alam ko" napatingin ako kay Kuya. "Muntikan ng magpakamatay si Kuya dahil sa pag-ibig" Bigla akong natahimik. "Hindi ko na alam kung ano pa yung ibang detalye. Yun lang ang alam ko" nagtuloy tuloy kame sa paglalakad. Ayoko na magtanong pa tungkol kay Kuya Cliff. Bigla ko tuloy narealize na isa ba yun sa dahilan kung bakit napakacold ng kuya naming yun? "Eh ikaw kuya ko?" bigla siyang napahinto at napatingin sa akin. "Kala mo makakalusot ka noh?" "Uwe na tayo Bunso.." "Bi—birthday niya ngayon?" Shet ang daldal mo Dennis. Nakita kong napakunot ang noo ni Kuya lumapit siya ng usto sa akin. "Sorry Kuya.." ako na napapikit sa sobrang guilty. "Paano mo nalaman?" tanong niya sa akin. "Ah tsamba lang Kuya ko.." "Sinabi ni Topher?" "Hindi, hindi kuya ko" ayokong mag-away pa silang dalawa. Lagot talaga ako nito, bakit ko pa kase sinabi? Napangiti siya. "Naalala mo pa ba noong hiningi ko yung isang Buong Guyabano sayo noon na nakalagay sa ref?" 'Ah Oo yes naaalala ko pa yun!' "Yung ibibigay mo sa nililigawan mo kuya?" sagot ko aman na agad niyang tinanguan "Sorry bunso di ko siya napakilala sayo aa" malungkot na aniya. "Basted kase ako" kitang kita kong nasasaktan si Kuya—Kitang kita yung kalungkutan na nakatarak sa mga mata niya. "Hindi pa daw siyang handa magboyfriend.." "Eh di sana hinintay mo kuya ko" sagot ko. "Hinintay ko siya bunso.. Pero Isang linggo ang lumipas ng binasted niya ang panliligaw ko" parang hirap na hirap si kuya sa pagkekwento. "Kuya.. okay lang" sabay yakap ko sa Kuya Uno ko. "Wag mo nang ituloy, ayokong makita ang kuya kong nalulungkot" sabay bitaw ko naman agad sa pagkakayakap. Medyo may luha na sa mga mata niya. "Hala iyakin si Kuya" pagpapatawa ko. "Nalaman ko nalang na may Boyfriend na siya Bunso" itinuloy parin ng gago. "Kuya Oh sabi kong wag na ituloy ee" alam kong nasasaktan si Kuya. Dapat talaga di ko inopen ang usapan na yun e. "Kaw bunso aa tsinatyansingan mo ako kanina" sabay tawa niya. "Hala.." sabi ko naman. "Biro lang.." aniya. "Ngayon ka lang naging sweet sakin aa, akala ko kay Brenth ka lang ganyan" "Lahat kayo Kuya ko, kaya lahat kayo Love ko" sabi ko naman. "Love karin namin Bunso" aniya. Pagkatapos ng Sweet Brotherly moment namin ay nagtuloy na kame sa paglalakad. Napahinto naman ako ng makita ko yung mga taong nakakumpol dun sa may Court na isa. Kaya pala kokonti nalang tao dito sa Street kase andun halos sila. Ano kayang meron dun? "Bunso" pagsasalita ni Kuya. Napatingin naman ako sa kanya. "Kuya ko, ano kayang meron dun?" "Gusto mo bang tignan?" tanong naman ni Kuya. Tumango ako't ngumiti ng napakalaki. "Pwede ba kuya ko?" "After 10 minutes bumalik ka dun sa dating pwesto ko sa bungad" sabay turo niya sa lugar na inupuan niya kanina. "Hindi ka sasama kuya ko?" "Tinatamad ako.. hintayin nalang kita dun" sabi niya. Wala naman akong magagawa, ayoko naman mamilit sa ayaw. Tsaka Stress na kase ang kuya ko dahil sa kwento niyang nakakabroken ng Heart. 'Sana makarma rin kung sino man ang babaeng yun na nanakit sa kuya ko' "Sige kuya ko, mabilis lang ako" Paalam ko sa kanya. Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad. "Bunso!" biglang sigaw ni Kuya ko. Agad akong lumingon, siguro sasama na siya. "Kuya.." ani ko. "Wag na wag kang magbabasa ng w*****d sa mataong Lugar." nag-kakarinigan pa naman kame ni Kuya kase dalawang metro palang naman ang layo namin sa isat isa. "Ha? Bakit Kuya ko?" tanong ko. "Kase kanina.. di mo napansin may lalaking panay titig sayo" nagulat ako sa sinabi niya. "Tinabihan ka pa nga.." napangiti siya. "Bakla ata yun kase parang gusto kang halikan" "Kuya?" nakakunot noong tanong ko.--- Di ako naniniwala. "Totoo yun Bunso.." aniya. Sabay ngiti. "Gwapo mo daw kase.. may nabakla tuloy sayo" siya sabay talikod na at alis. "Bilisan mo at uuwi na tayo" sigaw niya sabay nagjog ito paalis. 'The Heck—Who's that Gay? Duhhhhh Yakkkkkkz!' ***** Hindi nawala sa isip ko yung tungkol sa baklang sinabi ni kuya na muntikan na akong gahasain kanina. Tang Ina siya di kame Talo! Pero sino kaya yun? Ang dameng taong nakaharang. Dahil sexy na ako ngayon, nakalusot ako sa mga madla. Amoy Pawis ang lahat. Dameng pogi, pero di ko type. Hangang sa mapunta ako sa bandang gitna ng Crowd at sa unahan pa. "Ba yan Kuya.. singit pa more" dinig kong sabi ng isang babae. Tinignan ko siya at inirapan ko. "Ay bakla" sabi niya. Dinedma ko nalang kase di ko naman siya kakilala. Kaya natuon naman ang Pansin ko sa harap. Namangha ako ng makita ang isang Arko na parang gawa sa bamboo at puno ito ng mga desenyo. --- Mga lobo at bulaklak. Tapos may tarpaulin at may Picture dun ng dalawang Lover's! At pamilyar sila sa akin---Saan ko nga ba sila nakita? Maya maya naman ay may mga babaeng pumunta sa gitna at may inalalayan silang babaeng nakablindfold. Tapos may dalang Cake yung isang babae at may Candle yun. Ano to Birthday Party? Taray kabirthday ng Ex na nililigawan ni Kuya Uno itong si Girl. Pero pamilyar na talaga sila sa akin ee. Maya maya naman ay nagulat ako ng Biglang may mga nakaskateboard na lalaki ang gumilid malapit sa pwesto namin. Nakatalikod sila. Bale Apat sila. Tapos yung isa, nasa Harap ko mismo. Pare Pareho sila ng suot na Jacket pero magkakaiba nga lang yung pantalon. Iba iba kaseng kulay. Pero nagulat ako ng madinig ko sa likuran ko ang mga kinikilig na babae. 'Girl nasa harap natin yung mga Pogi..' 'Naku..bet ko yung may puti sa buhok' 'Oo nga ang gwapo grabe hindi lang makalaglag Panty.. Lagas bulbul pa Girl' 'Hindi lang lagas bulbul, sirit ihi at tulo egg cell pa Mayyyy Godddd!' Nalokoka ako sa bulungan ng mga nasa likuran ko, kaya napatingin ako sa Kanila. Nagulat ako ng makita ko ang Grupo ng mga babaeng nakasando halos at halos iluwa ang mga susu at p********e rin dahil sa iikli ng short. Kakapal ng make-up at pulang pula ng labi dahil sa lipstick. Mga to may nalalaman pang lagas bulbul, sirit ihi at tulo egg cell. Mga King Ina ang Lilibog! "Oh God Humarap siya sa atin!" biglang sigawan ng mga puta. "Hoy umalis ka nga diyan.. nahaharangan mo si Prince Charming ko!" sigaw ng isa sakin. Prince Charing? Duhhh.. Sino bang tinutukoy nila? Agad akong Humarap at... "Tsss.." nakangiting singhal niya sa akin. *DUG!*DUG!*DUG!* *DUG!*DUG!*DUG!* *DUG!*DUG!*DUG!* *DUG!*DUG!*DUG!* *DUG!*DUG!*DUG!* *DUG!*DUG!*DUG!* "You're here.." nakangising sabi niya sabay lapit sa akin. "Akala ko di mo ako mapapansin ngayon ee" palapit na palapit yung mukha niya sa akin. 'Pinagsasabi niya? Nagulat ako ng bigla niyang pisilin ang ilong ko. Para akong mawawalan ng hangin sa katawan dahil sa ginawa niya. Parang magkakahika ako. Ang lakas ng Kabog. Sobrang lakas para akong tinatambol ng mga Higante sa Dibdib. *DUG!*DUG!*DUG!* *DUG!*DUG!*DUG!* *DUG!*DUG!*DUG!* *DUG!*DUG!*DUG!* *DUG!*DUG!*DUG!* *DUG!*DUG!*DUG!* "Meron ka bang oxygen diyan?" tanong niya sa akin. "Ba-Ba—Bakit?" tanong ko. "Just watch, but again I will remind you Boy Kagat Labi you need to find a oxygen.. Because I will make you Breathless" Bago siya akmang aalis ay hinawakan pa niya ang kamay ko. May puting scarf yung kamay niyang isa. "Tss.." siya sabay bitaw at talikod na. Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Tumalikod siya at ako'y kinindatan. ((^____~)) Tama nga ang sabi nila. Makalaglag Panty, Lagas Bulbul, Sirit Ihi at Tulo Egg Cell tong nilalang na ito. Pero Paano ako tutuluan ng Eggcell ee lalaki ako. Eh di Tulo Sperm Cell nalang. Ohhh My Godddd. ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! - Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD