LEEFORD'S POV
Gusto ko sana magpahinga sa ilalim ng puno dito sa Saani Road. Ang problema nga lang andaming tao. Hindi tulad ng dati, na kame kame lang ng mga kaibigan ko at ibang residenteng bilang lang ang tumatambay dito.
Marami narin sigurong nakadiskubre na magandang magpapawis dito tuwing umaga.
Kaninang alas sais pa ako nandito, nagyaya kase si Andy. Isinali ba naman ako sa sayaw na surpresa niya sa birthday ng Girlfriend niya dito sa Saani Road.
Tsss..
Nakaupo ako dito sa gilid ng court kung saan may nilagay na arko si Andy. May mga desenyo iyong lobo, bulaklak at kung ano-ano pa. May Tarpaulin kung saan nakalagay ang picture nilang magkatabi ni Krixia.
Pero hindi ako makapagpahinga dahil napapagod ang tainga ko sa mga nariringig kong boses ng mga babaeng ako ang pinag-uusapan.
'Mga walang magawa sa buhay'
Tsss..
Tumayo ako.
"Maglalakad lakad lang ako" paalam ko kay Martin na katabi ko dito sa sementadong Bench sa gilid nitong open court. Court ito ng Badminton Game, pero napaki-usapan ni Andy yung mga player na kung pwedeng makihati daw muna siya. Pumayag naman yung mga Badminton Player.
Interisado rin ata sa mangyayari.
"Aa sige Lee.." sagot ni Martin. "Kame nalang bahala ni Andy na sumundo kay Krixia pati dun sa mga Chicks niyang kaibigan" sabay ngising manyakis ng loko.
Wag niyo akong dinadamay sa mga chicks niyo. May Maurene na ako. Si Maurene na nasa ibang Bansa.
Tss..
"Okay" ako sabay alis sa court. Pansin ko naman ang bahagyang pagsunod ng mga babaeng kanina'y ako ang pinag-uusapan.
Agad ko silang hinarap at tinapunan ng masamang tingin.
Agad naman silang natinig at parang napahiya pa nga. "Tss.." ako sabay talikod sa kanila at tumuloy na sa paglalakad.
*****
Ewan ko ba, nitong mga lumipas na araw parang may gusto akong makita. Hindi ko alam kung sino.
Siguro si Silver, para makaganti ako sa ginawa niya sa akin nung Linggo. Buti nalang at mabilis na humilom yung pasa ko dito sa kilay at labi. Pero may konti paring makikita dahil narin sa maputi ang balat ko.
Yung nahiwa niya naman dito sa kamay ko ay di parin ayos. Kaya naman nakabalot parin ito nitong puti kong scarf.
Tss..
Siraulo yun.
Pagkatapos paputukin tong kilay at nguso ko at hiwaan tong kamay ko ee.. Kumaripas ba naman ng takbo.
Pasalamat talaga siya wala ako sa Mood nun makipag p*****n—Pasalamat talaga siya.
Pero hindi siya ang gusto kong makita ee. Meron talaga akong gustong makita. Hinahanap siya ng mata ko.
At parang nararamdaman kong naririto siya.
DENNIS POV
Di ko maget's si Kuya Uno. Nung sinabi kong si Joey ang nagdala sakin dito sa Saani Road ay parang nawalan siya lalo ng Gana.
King Ina yan. Ang wirdo ng mga tao no?
Ayun nagpa-iwan siya dun sa bungad nitong Road. Dun niya nalang daw ako mamaya hintayin. May Kainan naman kase dun sa bungad, dun nalang daw siya tatambay. Bigla daw siyang tinamad magjogging.
Kaya eto ako solo Mode.
Agad ko namang sinuot yung Headset ko at nagsoundtrip. Pagkatapos ay nagsimula na ako magtatakbo.
After 3 Round's of Jogging..
Nakakapagod rin pala magjogging pag mag-isa ka at walang kasabay. Ang boring din, sana pala niyaya ko nalang din si Kuya Vince at Kuya Brenth.
Pwede rin si Kuya Cliff, para mabawasan naman yung pawis niya sa katawan. Baka kase yun ang nagiging dahilan kung bat siya laging Beast Mode.
Pero kahit di ko yun makitang magexercise. Parang ang ganda rin ng katawan niya. Wew..
Anyway, maganda lang naman yung katawan pero yung ugali may pagkamaldito.
Nagpahinga muna ako sa gilid ng kalsada sa bandang dulo. Konti lang tao dun, dun rin nakalagay yung mga something na ginagamit sa contruction na parang cylindrical hollow cement.
Andun din yung mga tinibag na gusali na parang dating pabrika. Naupo ako at binuksan ko ang w*****d ko.
Namiss ko na magbasa ng He's Into Her. Ang alam ko may Update si Author Max kagabi at nung isang Araw. Kaso di ko pa nababasa.
Kaya magbabasa ako ngayon.
♥♥♥♥
LEEFORD'S POV
Andito ako sa dulo at naka-upo patalikod sa Saani Street. Naka-upo ako dito sa isang Cylindrical Hallow Concrete.
Nakatingin ako sa asul na kalangitan.
Nung tinanong niya ako ng gabing yun? Nasungitan ko ba siya? Hindi ko alam kung anong naisagot ko sa kanya nung tinanong niya akong.. "Anong nangyare?"
Ano bang naisagot ko? Pasa o Paasa?
Badtrip kase ako nun kase may kumuha kay maulee na isang bata. Putcha ang sakit pa nga ng mga sugat ko ee nakipaghabulan pa ako. Buti nalang may tanod na tumulong sa akin.
Kaya badtrip talaga ako nung uwian na galing sa kapilya.
Wala naman sa akin kung di siya makapunta. Kasalanan ko rin naman, Paano kameng makikita kung wala man lang kameng ugnayan. Tsaka okay na rin dahil pumalit naman sa kanya yung kaklase niya na lage kong binibilhan ng pagkain ni Maulee.
Pero di ko talaga ineexpect na nadun yun si Kagat Labi sa harap ng Malugay Street. Badtrip talaga ako nun kaya nasungitan ko siya.
Anong magagawa ko? Nangyare na ee--- Wag mo na nga siya isipin Leeford. Nakakabobo kase yung isang yun.
Tss..
Tumalon na ako dun sa konkreto at aakmang sasakay na sa aking SkateBoard ng may nahagip ang mata kong sabik.
"Tss.."
Siya nga. Pero wala to kanina dito aa? Nakaupo siya sa Gilid ng kalsada. May salpak na earphone sa tainga at tulad ng makita ko siya dito nuon ay kitang kita mo ang saya sa mga mata niya.
Para siyang kinikilig habang nakatutuk sa kanyang cellphone.
Lintek. Hindi kaya?
Hinahabol nanaman siya ng mga Puso? --- Gago! Naniwala ka naman Leeford sa kalokohan ng batang yan.
Agad akong nag skateboard ng marahan papunta sa harap niya. Pero nagulat ako ng di man lang niya naramdaman ang presensiya ko.
Talagang nakatitig lang siya sa cellphone niya.
"Tss.." singhal ko sa harapan niya mismo. Bigla akong nainis ng di man lang siya tumingin sa harapan niya.
"Sometimes I run.." sabay ngiti niya pagkatapos kumanta ng kakapiranggot na linya. "Sometimes I hide.. Ayieeeee" kilig na kilig na sabi niya.
'Bakla Amputa..'
Bat kinikilig siya? Tsaka bat kumakanta siya? Inilapit ko yung mukha ko sa kanya. Pero ako mismo yung natalo ng makita ko ang maganda niyang mata, maamo niyang kilay tapos yung labi niyang mapula. Ang lambot, ang sarap..
*LUNOK*
'Takte.. Bat ako napalunok?'
Tangina muka akong timang dito. Maka-alis na nga, peste. Bat ganito siya ngayon? Bat parang di niya ramdam ang present ko.
Nuon naman pag nariringig niya lang yung pagsinghal ko ee, parang natataranta na siya ng lubusan. Pero ngayon inilapit ko na ang gwapo kong mukha sa kanya. Parang wala lang.
Ewan ko ba parang inis akong naglakad palayo sa kanya. Di niya ako pinapansin. Galit ba siya dahil dun sa inasal ko nung gabi ng Lunes?
Bigla akong napahinto.
Kaylangan mong mapansin na nandito ako Kagat Labi. Hindi yung ganitong para akong ..
Para bang ano?
Napakuyom yung kamao kong isa sabay talikod paharap sa kanya—Nakakainis yung pigil kilig na pinapakita niya.
"Hoy.." tawag ko sa kanya.
Pero wala parin. Inis akong bumalik kung saan siya naka-upo, tulad ng dati ay nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya.
"Hahahahaha ang bakla talaga ni Deib Lohr hehehehe pero bagay sila ni Maxpein.. Hayyysst" nagulat nalang ako ng magsalita siya bigla.
The Fuck..
Bat to nagsasalita mag-isa? Sino yung Deib Lohr at Maxpein? Artista ba yun?
Mas napapansin niya pa yun kaysa sa akin? Tignan natin kung di ka pa matinag dito. Pansinin mo ako!
Naupo ako sa tabi niya. Pero biglang nabuhay yung kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.
Pero di niya parin talaga ako napapansin.
Napatingin ulit ako sa kanya. Namalayan ko nalang na ang lapit na ng mukha ko sa gilid ng mukha niya.
Bigla akong nanabik nang makita kong kinagat niya ang labi niya. Naibaba ko sa paanan ko si Skyte. Habang yung mukha ko ay palapit ng palapit sa pisnge niya.
Bigla ko tuloy naalala nung mahalikan niya ako sa gilid ng labi ko.
'Tss..'
Ang bakla Leeford, bat yun pa ang naalala mo? Ewan ko ba, gusto kong sungaban yung labi niyang nakakagat labi pa.
Pero bigla akong napahinto ng makita ko ang isang lalaking nakatingin sa amin. Tang-Ina!
Baka kung ano ang isipin nito. Ano ba kase tong Ginagawa ko? Padabog akong tumayo sa kinasasadlakan ko.
Pero di parin niya ako napapansin.
((>.....>))
Kita ko naman na parang galit na papalapit yung lalaki sa pwesto namin. Agad akong sumakay sa Sakte Board ko at pinatakbo yun.
Gago!
Bigla akong napahinto. Halos mataob si Skyte sa Kalsada ng hawakan ako sa bisig ko ng lalaking masama ang tingin sa akin kanina.
"Sino ka?" salubong ang kilay na tanong niya. "Anong ginagawa mo sa tabi ng Kapatid ko?"
Sheeeetttt!
Sa tala ng buhay ko parang ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang hiya, kaba at ilang. Ka—Kapatid niya si Kagat Labi?
"Aa wala.." palinga linga kong sagot.
"Kanina pa kita nakikitang panay tawid sa harap ng kapatid ko" sabi pa nito.
"May hinahanap kase ako.." palusot ko.
"Ano?" tanong niya.
"Yung.." wala akong maisip na sagot.
"Bunso!" ringig kong tawag niya sa kapatid niya. Takte! Agad kong pinaandar si Skyte sa maximum speed na kaya ko.
Putcha ayoko ng Ganito. Bakit ba kase nagpapansin Leeford. Dapat sayo lang nagpapansin ang lahat. Sayo lang.
Agad ako bumalik sa Court kung saan naroroon sila Andy. Nakita ko naman si Krixia na nakablindfold. Katabi siya ng mga kaibigan niya. Nakita ko rin yung Cake na hawak rin ng kaibigan nito.
"Kanina ka pa namin hinahanap" nagulat ako ng makita ko si Martin na hawak hawak na yung skateboard niya. Ganun din si Philip na parang handa narin sa gagawin naming Skateboarding Danza.
'Tss..'
Puro kabaklaan ang nasa isip ng mga to. Pati ako dinadamay. Andaming taong nakasubaybay sa amin. Andame nanamang nagnanasa sa akin.
Pero gusto kong makita niya akong nag iiskateboarding exhibition ee. Pero halatang bantay sarado na siya ng Kuya niya.
Dapat pala sinagot ko ng maayos ang kuya niya. Meron naman talaga akong Hinahanap ee.
At si Boy Kagat Labi nga yun. Tss..
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)