Note: Minsan nawawalan na ako ng gana magtype nitong SS Series. Bakit? Kase parang di niyo na maintindihan yung tinatype ko sa kwento, para bang mali mali ang tinatype ko. Tanong ko lang, Paanong Magiging isa si Leeford dun sa nakipag-buno kina Dennis at Brenth kung at that same time ay may nakaharap din si Leeford which is si Silver. Hmmmm nagbabasa pa ba kayo. O Naawa nalang talaga kayo dito sa nilalangaw kong kwento? Anyway, Salamat sa awa.
- TheSecretGreenWriter
DENNIS POV
Tatlong araw ang lumipas..
Holiday ngayon kaya walang pasok. Araw ng kalayaan. Pero bakit ganun hindi parin malaya yung isip ko sa nangyari nung nakaraang lunes ng Gabe.
Paulet-ulet nalang pumapasok sa isip ko yung salitang 'Paasa' tsaka yung may mga pasang mukha ni Skater Boy ay patuloy rin ang pag papakita sa aking isipan.
Nababaliw na ako. Oo, nababaliw ka na Dennis!
Mukha akong tanga nung nakaraang tatlong araw. Panay ang tingin ko sa paligid. Parang gusto ko siyang makita.
Hindi ko alam.
Pero bakit ganun? Yung salitang Paasa ay may kakaibang guilt na saboy sa akin. Parang gusto ko siyang amuin, gusto ko siyang suyuin.
Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makaharap. Gusto ko humingi ng Sorry, yung sorry na papakinggan niya tapos sasagot din siya na tinaggap na yung sorry ko.
Taatlong araw di ko siya nakita.
Asan kaya bahay nun?
Tsk..
May nabalitaan pa ako. Si Kirby daw ang napaki-usapan ni Lucario na maging Akay, kwento rin yun mismo sa akin ni Kirby.
Medyo nainis ako. Papel ko yun e.
Niistress ako nitong nagdaang mga araw. Nabawasan ang paglalaro ng apoy namin ni Karim.
Di ko kase siya pinapansin.
Magsama sila ng syota niya. Naiinis kase ako kay Joey, hindi ko alam kung bakit bigla nalang naging ganun yun.
May alam na kaya siya?
Pero alam ko matindi ang pagtatago ni Karim e. Were just playing with fire when we are bored. Horny Actually.
Si Krab naman, di ko na alam kung anong oras online. Nagugulat nalang ako may message nalang siya sa aking messanger.
Pero mas naeestress talaga ako dahil di ko nakikita si Lucario. Andame kong gustong sabihin dun.
"Bat ka nakajogging pants?" pagtingin ko sa sala ay nakita ko si Kuya Uno na parang badtrip—Nakasimangot siya.
"Magjojogging ako kuya"
Gusto ko mawala ang stress ko kaya gusto kong magpapawis. Gusto ko mapagod at gusto kong makita sanang nandun siya.
Si Lucario.
"Sasama ako.." nagulat ako ng bigla siyang tumayo ulit. "Hintayin mo ako diyan" seryosong aniya.
"Anong meron dun?" tanong ko sa aking sarili.
"Birthday ng Ex niya.." nagulat nalang ako ng biglang sumulpot si Kuya Topher na may dalang isang tasa ng kape.
Ganun nalang pa ang pag-iisip ko kanina't di ko napansin ang mga animal na ito?
"Ex?" tanong ko sa kanya.
"Ex.." sabay ngiti niya. "Ex na niligawan hehehehehehe" sabay tawa niya pa parang nang-iinis.
Abnormal!
"Ewan ko sayo.. di nga kuya?" tanong ko sa kanya.
"Ay ayoko na magsalita.. baka magalit si Uno hahahahahahaha" nakak-inis niyang tawa. "Taas na muna ako bunso.. antok pa ako.." siya sabay kaway patalikod. "Enjoy sa pagtakbo niyo.."
Ano naman kung Birthday ng Ex na nililigawan ni Kuya Uno? Anong meron, wew abnormal lang si Topher.
Siguro tulad ko Stress lang si Kuya Uno kaya magjajogging kame. Salamat naman at may kasama ako.
Si Kuya Vince o Brenth sana yayayain ko ee.
Pero parang tulog pa sila.
'Paasa..'
Pesteng! Lucarioooooooo tantanan mo na ako niyang Paasa Word mo. Hindi na kaya nakakatuwa.
((+____+))
"Kainis.." ani ko.
"Ehem.."
Shit.
Pagtingin ko ay bigla kong nakita si Kuya Cliff na nagbabasa ng Dyaryo. Parang ang sama nanaman ng tingin niya sa akin.
"Walang pasok ngayon.." aniya.
"Magjojogging po ako kuya" sagot ko.
"Nagpapayat ka ba?" tanong niya sabay tingin sa kabuuan ko. "Ang payat mo na nga, magtatakbo ka pa"
Napatingin ako sa katawan ko at napangiting sumulyap sa kanya. Anong isasagot ko? Alangan naman sabihin ko nagpapataba ako.
Baka masapak ako nito.
"Oo nga po.." napapikit ako sa sagot ko.
"Anong Oo nga?" kunot noong tanong niya.
'Oo nga.. sabi ng Kalabaw..'
Napakamot nalang ako at parang di alam ang isasagot. Parang kinakabahan ako, parang may trauma na ako tuwing ganyan ang mukha niya.
Bat kaya di nalang to mag-asawa?
Dameng problema sa buhay ee.
"Mag-almusal ka muna dun bago ka magjogging.." utos niya sa akin. "Tsaka sinong kasama mo?" tanong niya.
"Ako Kuya.."
Sa wakas to the rescue ang Kuya Uno kong nakasimangot! Tagregla ata ngaon ng mga kakuyahan ko ee. Nakajogging pant's din si Kuya Uno at nakasandong puti tapos nakarubber shoes na bagay sa kabuuan niyang suot.
"Mag-ingat kayo.." si Kuya Cliff sabay akyat na.
Habang nakatingin ako sa pag-akyat ni Kuya Cliff ay napansin ko naman ang pagngiti ni Kuya.
"Anong sabi sayo?" tanong niya.
"Kung nagpapapayat daw ako" nakangiting sabi ko. Tumawa naman ng bahagya si Kuya Uno.
"Payat mo na nga bunso.." sabi naman ni Kuya.
'Payat o Sexy.. magkaiba yun! At alam kong seksi ako!'
"Siguro panay ang jakol mo noh.." nagulat ako ng Todo dahil sa inusal ni kuya. King Ina yan!
Nandilat nalang ang mata ko sa kanya.
"Oh bat parang nagulat ka?" tanong niya sa akin. "Natural na yun sa mga lalaki, siguro nasobrahan ka lang" sabay ngisi niya.
'Awkward..'
Akala ko ba malungkot to dahil nagluluksa sa kaarawan ng Ex na niligawan niya?
"Geh hintayin nalang kita sa labas.." sabi niya. "Mag-almusal ka muna" siya sabay hakbang papalabas ng Pinto.
'Ang wirdo ng mga tao ngayon'
*****
SAANI ROAD (7:03 am)
Siyempre ako pumili ng lugar na pagjajogingan. Pero nagulat ako sa naging reaksyon ng mukha ni Kuya Uno.
Parang di niya nagustuhan na narito kame ngayon.
"Bakit dito?" sabay tingin niya sa akin. "Paano mo nalaman ang lugar nato?" salubong ang kilay na tanong niya.
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)