DENNIS POV
Halos dalawang minuto ata huminto ang mundo ko dahil sa ginagawa niya. Para siyang isang surpresa na bibigla bigla lang kung dumating sa buhay ng tao! Hindi ko malaman kung bakit nangyayare to? Kung anong kahulugan ng ginagawa niya sa akin?
Pero isa lang ang nasisiguro ko. Ang pagyakap niyang ito sa akin ay tulad na tulad tuwing niyayakap ako ni Krab--- Andun yung init na tila sabik at libog, yung higpit na parang ayaw na ako pakawalan at yung kilig na nagpapatalon sa puso ko!
I don't know. Pero nakakaramdam ako ng ganun dahil sa yakap niyang ito. Pero isa lang ang pinagkaiba niya kay Krab—This Guy Hug me even he doesn't know me altleast 10% of my life. Istranghero kame sa Isat isa. That's Reality.
Ewan ko ba parang may tao siyang iniisip at inilalagay niya yung taong yun sa akin. Parang ganun ang nakikita ko sa kanya. He's expecting someone else. I can feel it.
Kaya kung ano man tong nararamdaman ko, Hindi na ito pwede pang lumago. Tsaka siguro pinaglalaruan lang ako nitong damuhong ito. May ganito pala siyang ugali--- Simpleng malandi.
Nilalandi niya ako!
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Tsk.. Tsk.. Ang hirap ipaliwanag. Ramdam ko na tuloy yung 'He's Into Her' na Nobela ni Maxinejiji. Tuwing may ginagawa siyang kalandian sa akin like Deib Lohr's craziness --- I can turn all things around me onto heart.
"Meooooooow.."
Bigla kong idinako ang tingin ko sa pusa niya. Goshhhh naiipit na yun! Tapos napatingin din ako sa mga tao. Gassshhhh! Yung mata nila pinagchichismisan kame!
Yay! Kakahiya!
"Uy ano ba?" ako na inalis siya sa pagkakayakap. Nakangiti naman siyang humarap sa akin tapos may pagkamot pa ng ilong niya gamit ang left thumb niya!
Why ka nakangiti?! Naiinis akong tignan siya dahil sobrang ngiting ngiti siya sa akin!
"Tara na.. Sa iba naman tayo" Napapikit nalang ako sa sobrang inis. Tinanggal ko yung rope bag niya at inabot ko yun sa kanya! "Ba..Bakit?" tanong niya.
"Sayo to diba?" inis kong sabi. Pero parang wala siyang balak kunin yung bag niya kung saan nakalagay yung Pusa niya!
"Sayo na muna siya.. Gusto sayo ni Maulee"
"Wala akong pake.." mabilis kong sagot. Bigla naman nawala yung ngiti niya kanina sa mukha niya.
"May problema parin ba?" tanong niya sa akin.
"Kukunin mo o itatapon ko?" banta ko sa kanya.
"Tss.."
Pagkatapos suminghal ng Pambansang Singhal ay kinuha na niya yung bag niyang may Pusa. Kasunod nun ang pag alis ko sa harap niya at lumabas na ako sa loob ng Cyberzone.
Back to init nanaman ang temperature.
"Dennis!"
Nashock ako ng konti ng tawagin niya ang pangalan ko. Very rare kung tawagin ako nitong Lucario na to sa pangalan ko. Hmmmmm medyo seryoso ata kaya ganun. Di ko nalang muna Pinansin.
Patuloy nalang ako sa paglalakad.
Nagulat nalang ako ng may nagskateboard na sa hallway nitong mall. Nakasimangot siyang humarap sa akin.
"Ano bang problema?" tanong niya sa akin.
"Wala naman" walang ka emoemosyong sagot ko na nakatingin pa sa malayo.
"Galit ka ba dahil dun sa mga nagpapicture sakin?"
"Huh? Bat ako magagalit.. Para kang baliw" inis na sagot ko. "Gusto ko lang mapag-isa.. Ayaw kitang kasama" sagot ko.
Natahimik siya! Hahahahaha nganga ka Lucario.. Ano akala mo ikaw lang marunong maglaro?
Tapos nagsimula na ulit akong maglakad. "Meow.." dinig kong ngiyaw ng pusa niya ng naglalakad na ako.
'Madapa daw sana ako sabi ng Kuting!'
((--____--))
*****
Hindi ako makapagfocus sa pamamasyal ko. Alam ko kasing sinusundan niya ako! Oo kanina pa higit isang Oras na ako Iniistalk ng Lucario na yun! K ainis aaa, kung saan ako dun rin sila ng Kuting niyang nagpapanggap na Laruang Pusa!
Parehong mga POSER!
Hangang sa sumapit ang alaskwatro ay panay parin ang pagsunod niya. Pero mas nakaka-inis ngayon kase pinapansin siya nung mga babae tapos namamansin naman siya!
Maging Snob ka nga! Nakakinis to!
Andito na kase kame sa may Seaside nagsusundanan. Pagtingin ko sa likuran ko ay nakita kong Hindi na siya nakasunod! Nablock siya bahagya nung mga nagpapapicture na mga K-POP fan kuno!
Nakaka-inis ka Lucario! Umalis ka na nga diyan!
!((>____>))!
Naupo ako dito sa medyo blankong Seaside Wall. Napatingin ako dun sa mabatong baybayin. Kung dadive pala ako dito siguro dugu dugo nga ang nguso ko dahil puro batuhan dito.
Naalala ko nanaman tuloy yung usapan namin Kanina.
*****
"Ano?!" hindi ko makapaniwalang sagot. "Paano pala kung magtuloy tuloy ako hangang papunta dun sa seaside.. At tumalon ako susunod ka parin!?"
"Hindi.."
"Anong hindi!"
"Hindi ko hahayaang mahulog ka sa seaside.." siya sabay ngiti. "Mas mainam ng mahulog ka sa akin"
"Ano?"
"Para may sumalo sayo.. Tsss.. Bat ano bang iniisip mo?"
"Bat mo ako sasaluhin?"
"Kase nga mahuhulog ka.."
"Eh bat ako mahuhulog?"
"Kase tanga ka."
*****
"Adik na, Mongoloid ka pa Lucario!" mahinang sambit ko.
"Tss.."
Pagtingin ko sa kanan ko ay nandun na siya at katabi ko na! "Anong ginagawa mo dito aaa!" inis na sabi ko.
"Namamasyal.." namumuo nanaman yung ngiti sa mga labi niya. "Iniisip mo ako Boy Kagat Labi?"
"Ano!"
"Kunwari pa ee.. halata naman" nagsisimula nanaman kameng mag-away! Ewan ko ba dito lage nalang siyang starter ng ikakahighblood ko!
"Oo iniisip kita kung Paano ko mananakaw yang Pusa mo sayo para gawing Palaman ng Shopa!" Sabay tingin ko sa pusa niya.
"Meow.."
'Sabi niya—Nananhimik daw siya' wala daw siyang pake sa gulo namin ng Gwapo niyang Amo'
"Gagawin mo yun .. Boy kagat labi kay Maulee?" lungkut lungkutan niya kunwaring tanong! Hayop na to pareho nga sila ng Pusa niyang magaling magpanggap!
"Oo. Kaya wag mo na akong sundan dahil kaya kong gawin yun Leeford Jan Lucas!" tinitigan ko siya ng masama sabay baba sa wall at naglakad na palayo sa kanila --- Papunta sa simbahan.
Siguro naman hindi nayun susunod sa akin. Malay ko ba kung bawal sa IbangRel pumunta sa simbahan naming mga katoliko.
Pero bakit ganito? Parang nainis ako na hindi na niya ako sinusundan. Dapat masaya ka Dennis!—Parang nagsisi tuloy ako dahil sa huling sinabi ko. Tumingin ako sa Likuran ko.
Pero wala ng Lucario ang nakabuntot sa akin. Nakakainis! Siguro sa Iba na siya nakabuntot!
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)