CHAPTER 030

1210 Words
DENNIS POV Dahan-dahan akong tumalikod para tignan siya--- Makompirma ko man lang kung nilalamig talaga siya. Nakayakap nga ito sa sarili niya habang naka-ipit sa pagitan ng mga binti niya yung skateboard niya. Paanong di lalamigin ee masyado siyang bold star. Nakasando siya ee—Eh di yan na ang parusa. Lamigin ka diyan hahahahaha di mo matitikman ang matinding yakap ko! Manigas ka! ((^_____,,^)) Tinignan ko siya sabay ngiti ng konti. "Sando pa more.." paringig ko sa kanya. "Tss.." ringig kong pagsinghal niya. Tumabi na ito sa akin at tila hinihintay akong maglead na ng daan—Kaya naman nag start na akong maglakad. Pero kakahakbang palang namin sa bungad ay nakita ko yung mga --- Mga sexy yun na babae, nakasuot ng maikling kulay pulang short tapos puting sando shirt na may nakatatak na ' Huawei: Hotspot Hotties' na fit na fit kaya kitang kita ang kadedean. May dala silang mga Board na tila parang post sa i********: then may butas yun sa gitna like television then pwede ata dun magpapicture. Maraming nagpapapicture sa kanilang mga lalaki, pero yung iba ay panay tingin dito sa katabi ko. 'Lalandi.. Tsk!' Tinignan ko si Lucario ng masama. ---Kase parang panay pacute din sa mga babae. Yakapyakap niya yung skateboard niya. Nilalamig nga siya. Ano bang gusto niyang gawin ko? "Tara pre papicture tayo dun sa mga Insta Girl.. sesexy ng mga puta" ringig kong sabi ng isang lalaki dun sa kasama niya ng dumaan ito sa harap namin. Kainis! Yung mga InstaGirl na yun ang sentro ng mga kalalakihan dito! "Bat parang galit ka?" tanong sa akin ni Lucario. "Wala!" masungit na pagsagot ko. May mini exhibition Stage dito sa Gitna ng loob ng Cyberzone. Organize yun ng Huawei—Isa ata yung brand ng cellphone. Ang theme na nakasulat sa exhibit nila ay 'Huawei Hotspot Hotties' daw. Kaya siguro may mga ek ek na babae dito. "Tara labas na nga tayo.. ayoko dito." pag-aaya ko kay Lucario na--- (O___O???) Nasaan na yun?! Wala na ito sa tabi ko! Inilibot ko ang mata ko at nakita ko siyang pinapalibutan na nung mga InstaGirl! Walanjoe! Kitang kita ko naman ang pagkailang sa mukha niya habang pinag-aagawan siya nung mga babae na nagpapapicture! Imbis na yung mga babae eh mag-intertain ng mga tao dito sa loob ng Cyberzone tila sila pa itong mga bisita dito at nagpapaicture kay Lucario! Kainis! Naiinis ako! "Meow.." biglang pagsasalita naman nitong kuting ni Lucario. "Yung amo mo.. tignan mo" sabay pakita ko kay Maulee kay Lucario. "Ayun nagpapalandi sa mga babae.." Kainis! "Meow.." "Ano kamo? Bakit ako naiinis.." pagkausap ko dun sa pusa. "Ewan ko basta naiinis ako! Kumukulo dugo ko! Gusto mo idamay kita lutuin kita at ipalaman sa shopao!" Inis na sabi ko. "Meow.. Meow.." WAG DAW, TATAHIMIK NALANG DAW SIYA. ***** Hindi ko alam tong nararamdaman ko, ang alam ko ay naiinis ako sa mga babaeng nakapalibot sa kanya. Naiinis din ako sa kanya dahil di siya tumatanggi sa mga ginagawa nito. Pinagtitinginan kayo ng mga tao Oyy! Mahiya hiya rin po. Kilig na kilig at tuwang tuwa ang mga bilat. Nariringig ko pa sa kanila ay nakikita nilang Artista at K-Pop Star daw si Lucario. "Asan naman? Sang banda naging mukhang K-pop Artist yan?" "Meow.." "Anong sabi mo Pusa?! Hindi ako bitter no!" sagot ko sa pusang panay ang daldal. Ipapalaman ko na talaga to sa shopao! Tsaka may Boyfriend ako noh, bat ako magiging bitter? Tsk! Naglakad ako papunta sa harapan nila. Kita ko yung isang magandang babae na halos kasingtangkad niya na todo yakap sa kanya. Nagulat ako ng bigla siya nitong ikiss na Pisnge. Ganun din ang gulat niya--- Ni Lucario, pero napasimangot lang siya ng bahagya. Bat ang haharot ng mga ito? "Girls.. Girls.." biglang nag-alisan yung mga babae at bumalik ang mga ito sa kanya kanyang pwesto. Pero may mangilan ngilan pang natira. Boss siguro nila yung tumawag sa kanila. Pero halatang Beki na parang nasa 39 na ang age! "Balik sa pwesto.. mga tohh ang haharot.." siya sabay tingin sa mga tao. "Okay na po.. tapos na po ang show.. dun na po magpapicture sa mga instagirl." utos ng baklita. "Nakakaharang po kase tayo sa daan" sabi nito sabay punta sa pwesto ni Lucario na inaayos yung sandong halos mahubad na dahil sa mga babaeng yun! Inaasahan kong aalis na yung baklita, pero bigla itong lumapit kay Lucario at tila kinakausap niya ito. Agad akong lumapit! Nagkatinginan kame ni Lucario! Nakasimangot na talaga yung mukha ko! "Hoy Boy.." nagulat ako ng bigla akong tinawag nung bakla! "Po?" sabi ko kahit sa loob loob ko ay gusto ko siyang Murahin! Hampasin! Murderin! Ilagay sa Gilingan at iaabono sa mga Gulayan sa Probinya! "Picturan mo nga kame" utos nito sa akin. At ako pa talaga inutusan! Si Lucario naman ay kita kong nakatitig sa akin. Pero di ko siya tinitignan. Wa pakels.. "Ang cute naman niyang bag mo.." sabi nung baklang hahawakan sana si Maulee! "Akin na.." sabay kuha ko dun sa cellphone. Tapos tumabi na yung bakla kay Lucario. Ewannn ko sayo! Diba masungit ka? Nasaan na yung sungit mo! Dapat tumatanggi ka eee! Parang tuwang tuwa ka pa dahil madaming nagpapapicture sayo! Nakakinis ka! Nakakayamot ka! "Okay.. 1..2..3" mapakla kong bilang sabay Picture na sa kanila. Kita ko sa mukha ni Lucario na parang inis narin siya. Pero bakit ka nagpapicture! Kase mayabang ka! Feeling mo Peymus ka! Agad kong inabot yung Cellphone dun kay Bakla. Hahahahahaha Geh pagsawaan mo yang solo Picture mo! Hindi ko kase isinama sa Picture si Lucario! Nagkatinginan naman kame ni Lucario--- Naiinis ako sayo! Agad akong naglakad palayo sa kanya! Pero naringig kong nag-uusap pa sila nung bakla! "Thank you.." sabi ng bakla. "Gusto mo magcofee---" "Stop.. Don't Talk to me.." Nagulat nalang ako ng bigla akong may nabangga. "Sorry.." ako na liliko na sana ng hinawakan niya ang aking mga kamay. "Whre are you going?" Si Lucario pala. Inis ko siyang tinignan. Parang nagtataka yung tingin niya. Malinaw sakin ang nararamdaman ko, pero sa kanya nakikita kong sobrang labo. "Ano masaya ka na?" tanong ko. "Bakit?" nagtatakang tanong niya. Pakunwari kunwari pa di alam. Ewan ko sayo! "Kase peymus ka na dun sa mga babaeng yun!" Hindi ko mapigilan na sabihin. Bakit ko ba sinasabi sa kanya? Ewan ko pero gusto kase yun sabihin ng mga labi ko! Gusto ko makunsensiya siya! Ano bang dapat ikakunsensiya niya? "Tapos pati dun sa bakla.." kunot noong sabi ko. "Meow.." 'Pinagsasabi nitong pusang to?! --- Di ko siya maget's ngayon' "Ano bang problema?" nakangiting tanong niya sa akin. Huhuhuhuhu ang saya saya niya nga! "Nagpapicture lang naman sila sa akin.. Dahil Birthday ko ngayon pinagbigyan ko nalang" paliwanag niya. "Ewan ko sayo.." sabay lakad ko papalayo. Magwawalkout nalang kame nitong pusa niya. Geh dun lang siya sa mga IstaGirl na yumayakap sa kanya! Masaya na siya kase may yumakap na sa kanya habang nilalamig siya! Sabi niya ako daw yayakap! Yun pala gusto niya yung mga IstaGirl pa! Kaya siguro siya mismo lumapit sa mga yun! Asar! "Tss.." singhal nito. "Bakit ka nga nagagalit? Di kita maintindihan?" habol niya sa akin sa pamamagitan ng paglalakad ng mabilis. Huminto ulit ako. "Masaya ka na kase nayakap ka na nila.." kunot noong sabi ko. Pero siya ang parang lumiwanag ang mukha parang umaapaw ang ngiti sa mga mata. "Kaya wala na akong misyon dito.. Lalabas nalang ako at magsisim— Ughhhh" Parang lumutang ako sa ere ng maramdaman ang pagyakap niya sa akin. "Ang sabi ko kase yakapin mo ako pag nilamig ako.." Yung mga cellphone sa bawat store ng Cyberzone nagiging Puso! The f**k ito yung Deiblohrs Effect! "Hindi yung pinapabayaan mo ako.. Hina mo bro.." ♥♥♥ (O____O♥♥♥) ♥♥♥ ♥♥♥ ♥♥♥ ♥♥♥ ♥♥♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD