DENNIS POV
Kanina pa kame paikot ikot dito sa bandang labas ng mall. Ewan ko ba sa lalaking to bat gusto niya magpasama sa akin--- Nakabuntot lang siya sa likuran ko. Nasasayang lang ang oras ko!
Huminto ako at humarap sa kanya. Dala ko nun ang pusa niyang nasa loob ng front pouch nitong rope bag niya—Nakapaharap yung Rope bag kaya parang bata na bitbit ko tong kuting na to!
Ewan ko ba pero parang gustong gusto ng pusang to ang pwesto niya sa may harapan ko.
"Hoy, ano paikot ikot nalang tayo dito?" inis na tanong ko sa kanya. Andito kame ngayon sa may bungad ng isang Restaurant malapit dito sa Overpass kung saan nakapwesto ako kanina habang nagtetelescope bago ko makita ang damuhong ito.
"Eh ikaw yung kanina pang paikot ikot.. sinusundan lang kita"
"Ano?!" hindi ko makapaniwalang sagot. "Paano pala kung magtuloy tuloy ako hangang papunta dun sa seaside.. At tumalon ako susunod ka parin!?"
"Hindi.."
"Anong hindi!"
"Hindi ko hahayaang mahulog ka sa seaside.." siya sabay ngiti. "Mas mainam ng mahulog ka sa akin"
"Ano?"
"Para may sumalo sayo.. Tsss.. Bat ano bang iniisip mo?"
"Bat mo ako sasaluhin?"
"Kase nga mahuhulog ka.."
"Eh bat ako mahuhulog?"
"Kase tanga ka."
Bigla akong natahimik dahil sa sinabi niya. Hayop na toh! Lakas ng loob sabihan ako ng tanga?!
"Ah ganun? Sige sasakalin ko tong pusa mo"
Lumapit ito sa akin at idinikit nanaman niya ang malibog niyang daliri sa pisnge ko! Ayyyy kainis! Paatras akong umiwas dahil sa ginawa niya.
"Biro lang.." seryosong sabi niya. "Siyempre bago ka mahulog dun sa seaside.. hahatakin na kita.. Tapos hahayaan kitang mahulog, pero sasaluhin ko parin naman" siya sabay tawa.
Marunong rin pala tumawa ang isang to. At ang cute niya pag tumatawa siya, cute sa isang misteryosong pagmumukha pag tumatawa sila. Pero anong nakakatawa dun? Baliw!
"Lelz.. Bakit naman ako mahuhulog kung hinatak mo na nga ako"
"Tss.. siyempre nasa taas ka nung Concrete wall nung seaside habang ako naman nasa baba"
"Hmmm Oo nga nohh.." sabay ngiti ko narin galing sa pag-iisip.
"Tss.." siya sabay tingin sa ibang direksyon pero kita ko ang laki ng ngiti sa mga labi niya. Lucario.. Lucario.. Bat mo ba sinasabing Lucario kita?
"Nga pala salamat dun sa pagkain kanina" sabi ko dito. "Hindi ko alam kung bakit nalang tayo lagi nagkikita"
"Tss.. Sinusundan mo nga kase ako" pagmamayabang niya niya sabay lagay sa leegan niya nung headphone niyang kulay puti. Ang hilig nito sa puti!
"Ha? Bat naman kita susundan? Yabang aaa pre" Yaksss di ko gusto ang gantong mga tawagan eee—Awkward sakin sakin pag tinatawag kong Pre ang isang lalaki.
"Kase may misyon ka.."
"Misyon? Anong misyon naman yun?"
"Pasayahin ang isang malungkot na gwapong may kaarawan ngayon" Kita ko ang kalungkutan sa kanya habang nakasanday siya sa View Deck sa labas nitong restaurant.
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya.
"So ako pala ang payaso mo?"
"At ako yung Lucario mo.."
Napanganga nalang ako dahil sa sinabi niyang yun. Bat ko ba kase napauso pa yang Lucario dito sa lalaking ito. Gusto ko magalit pero natatalo ako ng saya! Gusto ko maiinis pero kinikilig ako ng Bahagya. What the f**k?
"Hmmm ano san mo ba gusto pumunta?" tanong ko sa kanya.
"Kahit saan basta malamig.." sagot niya.
"Bat gusto mo sa malamig?"
"Para pag gininaw ako.. May yayakap sakin."
"Sino?"
"Ikaw."
Napapikit nalang ako at nakagat ko pa ang labi ko sa ewann.. Di ko alam tong nararamdaman. I Know it's kilig--- Pero bakit ako kinikilig ng ganito?
"I miss that lip bite of yours.."
Bigla akong napamulat at nagulat ako nasa harap na ng mukha ko ang mukha niya! Agad akong napa-iwas, pero may ngiti sa mga labi ko.
"Tara na nga.." pag-aya ko sa kaniya. Nauna ako sa kanya sa paglalakad. Habang punong puno ng ngiti sa mga labi.
*****
Yung ngiti ko sa labi di maalis yun hangang sa marating namin tong Cyberzone—Nasa labas ka palang pero, sobrang lamigggggg na. Eto yung napili ko hehehehe gusto ko rin kase magtingin tingin ng cellphone.
"Meow.." bigla akong napatingin dito sa pusa. Hala! Paano nga pala siya, ang alam ko ay Pet's are not Allowed sa loob ng mall.
Dito sa labas pwede pa! Kanina nga habang naglalakad ako ee panay tingin ang tao dito sa Pusa ni Lucario—Pero kahit siya rin ay pinagkakaguluhan ng mga mata ng mga higad na babae.
Pero di naman sila pinapansin ni Lucario.
"Paano siya?" tanong ko ng tumabi na sa akin si Lucario.
"Diskarte nayan ni Maulee.." siya sabay lapit sa pusa at hinahawakn ulo nito "Maulee.. Behave aa?" pagka-usap niya dito.
"Meow.."
"Okay na daw.."
((O____O!!))???
"Anong okay?" nagtatakang tanong ko.
"Sabihin mo laruan lang siya.. Hindi yan mapapansin ng mga guard" siya sabay akbay sa akin. Para san naman tong akbay mo?
"Para kiligin ka?"...
OH MHY GOD!
Naivoiceout ko ba yung nasa isip ko?! Bigla siyang ngumiti at niyakag na nga ako . Pina-una niya ako dun sa Guard na abala pakikipagchismisan dun sa isang Guard kaya ang resulta!
Nakalusot kame.
"Ang lamig.." Ewan ko pero bigla akong kinabahan ng maringig siyang magsalita. Habang sinasabing nilalamig siya.
Hala?
Yayakapin ko siya?
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)