DENNIS POV
Namulat ang aking mga mata sa isang pamilyar na lugar, pamilyar na ayos, gamit, kulay at lalo na ang amoy ng kwartong ito.
Dali akong bumangon sa aking kinasasadlakan na katre. Alalang alala ko pa ang nangyare.. ang kademonyohang ginawa nanaman sa akin ng baklang yun!
Nakakadalawa na talaga siya.
Agad kong kinapa ang likod ko at pansin kong may nakatapal dun. Parang pain reliever ata yun, parang salonpas.
Parang nawala yung sakit sa aking likuran, pati yung mga sampal ng malditang yun. Alam kong siya yun kahit nakamaskara pa siya. Dahil amoy na amoy ko ang baho ng ugali niyang sobrang sama!
Pero teka? Nasaan si Maulee.
Parang gusto kong sapukin ang sarili ko dahil pinabayaan kong paghahampasin ng mga yun si Maulee. Naiyak nanaman ako ng bahagya ng maalala ko yung pangingisay niya.
Pero asan siya?
Agad akong lumabas dito sa kwarto ng School Clinic. Bumungad naman sa akin si Kuya Mond at Ate Grace.
Naka-upo sila sa lamesa sa sala ng clinic habang pinagmamasdan si Maulee na parang ang lungkot ng mukha.
Napangiti ako ng makitang buhay siya, buhay si Maulee! Patakbo agad akong lumapit sa kanila na kinagulat ng dalawa.
"Oh gising ka na pala" bungad sa akin ni Ate Grace.
"Maulee??" agad akong lumapit sa pusa na malungkot ang mukha. May tapal din ito ng benda sa bandang ulo. Humanda talaga sila sa akin!
"Meow..." sabi nito sabay lapit na sa akin. Agad ko siyang kinuha at inakap. "Meowwww.." sabi nito na nagsusumiksik sa dibdib ko.
"Ate Grace kumusta po siya?" nag-aalalang tanong ko.
"Okay naman siya.." sabi ni Ate Grace. "Palakad lakad na nga siya kanina dun sa kama sa tabi mo.."
"Pero kinuha muna namin para lagyan ng benda yung konting sugat niya" dugtong naman ni Kuya Mond.
"Meow.. Meow.."
"Gusto mo na umuwi?" tanong ko kay Maulee.
"Meow.. Meow.." malambing na may pagkamalungkot ang itsura niyang sagot.
"Buti naman okay na siya.." sabay buntong hininga ko. Kundi lagot ako kay Lucario pag may nangyaring masama dito kay Maulee.
"Ano nanaman pala yang nangyari sayo.." nakangiting tanong sa akin ni Ate Grace.
"Dating gawi.." sagot ko.
"May nang-away nanaman sayo noh?" tanong agad ni Ate Grace. "Tsaka bat may pusa kang kasama at.. ano ba talaga nangyari?"
"Basta may sumugod sa amin ate grace.. tapos kinuha nila yung bag ko kung nasaan si Maulee.. tapos pinaghahampas na nila siya" pag-iba ko sa totoong nangyare.
"Pero paano nila nalaman na may pusa kang dala? Buti nalang Cat lover din ako kaya alam ko kung paano bigyan ng first aid ang pusa.."
"Tsaka di basta basta yang pusa mo aa.." sabi naman ni Kuya Mond.
"Parang Kabreed niya yung sikat na pusa ngayon sa Instagram.. si Coby.. Yeah.. I think tulad ni Coby.. British Shorthair Cat yang pusa mo" nakangiting sabi ni Ate Grace sabay lapit at himas kay Maulee.
"Sino nagbigay?" nakangiting tanong ni Kuya Mond. Ganun din si Ate Grace na parang kinikilig.
ALAM NA KASE NILA KUNG ANO AKO..
(--_____--)
"Yiee.. Si Mendez ba?" tanong ni Ate Grace.
DUN BIGLANG NAGBAGO ANG MOOD KO.
Muli kong naalala ang mga nangyari kanina. Kusa nalang na sumimangot yung mga mata ko at mukha.
"Ayyy sorry.." biglang bawe ni Ate Grace sa sinabi niya.
Agad ko naman siyang tinignan at ngumiti. "Ayy sorry ate Grace naalala ko lang kase yung nangyare sa amin ni Maulee.." pagsisinungaling ko.
"Siguro ang naalala mo si Mendez.. kase kung nandito sana siya naprotektahan ka niya.." sabi naman ni Kuya Mond.
TAMA KA DIYAN KUYA MOND. PERO WALA NA EEE.. HINDI KO NA ALAM KUNG PAANO NA AKO KINABUKASAN DAHIL SA MGA NANGYARE.
Huhuhuhuhuhuhu... Di ko na kayang maiyak pa!
"Pero sa kanya nga galing yang pusa?" tanong ni Ate Grace.
"Hindi.." sagot ko. "Bigay to ng isang taong.. hindi ko naman talaga kilala" nakayukong sabi ko habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha ni Maulee na nakatulog na.
"Ha?"
BIGLA KO NAMAN TULOY NAISIP.. PAANO KAME NAKAPUNTA DITO NI MAULEE? KAYA AGAD KONG HINARAP ULIT ANG DALAWA.
"Ate Grace.. Kuya Mond.." tawag ko sa dalawang mag-asawa. Yup, mag-asawa na sila dahil kinasal na sila last Year.. Kasama nga kame ni Krab ee.. Special Visitor.
"Ohh??"
"Paano kame napunta dito?"
NAGTINGINAN SILANG DALAWA TAPOS..NAGKIBIT BALIKAT SILA.
"Nakita nalang namin kayo sa harap nitong pinto.. sa labas" sagot ni Kuya Mond. "Pauwe na sana kame nun ee.."
"Pero dahil si Dennis ka.. di ka namin papabayaan.."
ANONG ORAS NA BA?
Pagtingin ko sa Wall Clock nitong Clinic ay! 7:45 pm NA!
"Don't Worry.. nakontak na namin kuya mo.."
AGAD AKONG NAPATINGIN SA KANILA!
"Sinong Kuya po?"
"Yung tumatawag kanina sa Cellphone mo.."
"Sino Ate Grace?"
WAG NAMAN PO SANA SI KUYA CLIFFORD! WAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!
CAZI'S POV
Buyseeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet! Sino nanaman yung lalaking pogi na yun na pinagtanggol nanaman ang bubwit na yun!
Naasar na talaga ako!
"Arayyyyyyyyyyy dahan dahan!" sigaw ko kay Doktora BEKI Belo. Ang Personal Dermatologist ko.
Tinatanggal niya kase ang benda sa mukha ko. Ayon sa kanya magaling na daw yun mga kalmot ko sa mukha.
Humanda talaga tong Beki na to pag di pa magaling tong sugat ko sa mukha! Binabayaran siya ng Libo libo ng Daddy kaya dapat tumino siya at gawin niya ang dapat gawin para mapaganda ang Prinsesa ng bahay na ito!
Yung tatlo naman ay nasa sofa nitong kwarto ko at hinihintay ang pagbabalik ng aking kagandahan. Dito sila matutulog dahil aalalayan nila ang Living Barbie Doll para sa enggradeng Opening ng pangangampanya ko pati narin ng mga echoserang mababantot kong kapartido.
Hindi kase natuloy yung pakain ko dahil sa inis ko sa bubwit na yun! Kaya ngayon mas lalong nadagdagan ang inis ko dahil may isang gwapong lalaki nanaman ang tumulong sa kanya. Pagkatapos hampasin ako nung walis niyang hawak ay tinulungan niya ang hampaslupang Dennis!
Dapat napuruhan ko narin siya tulad ng Pusa niya! Hahahahahaha kawawang pusa madedeads na yun for sure!
Pero ano kayang ginagawa ng hudas na yun s amay rooftop?
"Tapos na po Miss.. C"
PAK!
Sinampal ko si Beki Belo.
"Anong Miss C? Queen C!" sigaw ko dito.
"Sorry po.. Sorry Po.." kinakabahan niyang sabi sabay luhod sa harapan ko.
Pansin ko naman na nagtatawanan yung tatlo habang nakatingin sa akin! "Tinatawa tawa niyo diyan?!"
Bigla silang tumahimik.
"Ano natawagan niyo na ba yung Jollibee, McDo, Greenwich at Chowking?" sermon ko sa kanila. "Kailangan handa na ang lahat ng yan bukas.. pati yung mga perang pinababarya ko.." tumayo ako sa harap nila at nameywang. "Kung akala niyo wala akong pake sa mga perang binibitawan ko.. diyan kayo nagkakamali.... bilang ko lahat yan! Kaya walang aabuso sa inyo.. masusunod ba!"
"Yes Queen C.. The princess of whole wide world.. The Living Beautiful Barbie Doll" habang nakaluhod sila.
Magaling.. Magaling..
"Yung salamin akin na!" sigaw ko. Agad naman tumayo si Girl Buka at pinaharap sa akin yung salamin. Siya ang nagsisilbing Stand.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ko ng makita ko ang aking sarili sa salamin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
PUTANG INA!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sino itong napakagandang Nilalang na nakaimprenta sa salamin! Napangiti ako ng makitang nagbalik na ang dati kong ganda. Ang gandang pinaghalong Barbie, Cinderella, Snow White, Sleeping Beauty at Liza Soberano.
Putang Ina..
MAGLALAWAY NANAMAN SA AKIN ANG MGA KALALAKIHAN!
DENNIS POV
"Ano nanaman ba to bunso?" bungad sakin ni Kuya Brenth habang pinapandar niya yung kotse. Ngayon ko lang nalaman na marunong pala siya magdrive!
"Eh kuya.. wala naman nangyareng todo.. Okay naman kame ni Maulee.." sabay tingin ko kay maulee na gamit ang aking kamay ay nilapit ko kay kuya. "Diba Maulee?"
"Meow.. Meow.." sagot naman ng pusa habang ginugulo ang buhok ni Kuya.
"Oo na.." si kuya na umiiwas kay Maulee. "Bunso si meowlee, baka mabangga tayo" sabi niya.
AGAD KO NAMAN INAKAP SI MAULEE, AT KUNWARI INAA-ALO.
"Kawawa maulee.." sabi ko dito. "Ayaw na ni kuya Brenth sayo.."
"Meow.." malungkot na sabi naman ni maulee. Hehehehehe nakakatawa si maulee. Madamdamin tong malanding to.
Si kuya Brenth naman ay nakangiting nagpapatuloy sa pagmamaneho. Buti nalang talaga si Kuya Brenth yung tumawag sa cellphone ko na naka-usap nila Kuya Mond at Ate Grace.
"Musta yung kampanya bunso?" biglang tanong ni Kuya Brenth.
"Kuya?" gulat na tanong ko. "Paano mo nalaman?"
"Kwento ni Miggy"
'Hala tsismoso naman ni Naruto!'
"Hmmpp.. di pa kame nakapagsimula kuya" sagot ko naman. "Pero yung kalaban naming partido may mga kakaibang pakulo"
"Kabilang partido?"
"Tanda mo yung baklang tumapak sa paa ko kuya?" medyo inis na sabi ko ng maalala ko nanaman kase ang mukha ng hayop na yun! Kaya bagay lang talaga sa kanya kung may ginawa itong si maulee sa panget niyang mukha! "Siya makakalaban ko sa VP candidacy kuya ko"
"Ahhh.."
"Eh mapera yun kuya.." inis na tingin ko sa labas ng bintana. "Balita namin magpapakain daw sa buong eskwelahan.. tapos mamimigay ng pera"
"Wow.." manghang reakyon ni kuya. "Tindi nun aaa.."
"Mga lalaking istudyante kuha niya ang loob, kumakagat sa pera niyang binibigay"
"Talo ka pala bunso.." nakangiting sabi niya. Anong talong pinagsasabi nito?
"Bat naman ako matatalo? Hmmmmmp"
"Wala lang.. kita ko lang sa reaksyon mo.."
"Anong reakyon?"
"Wala.." tila pabirong sagot na niya.
KAINIS!
"Hmmmm.. eh paano naman yung mga babae sa school niyo?"
"Ay naku kuya.. balita ko madameng galit kase nga napakaharot ng baklang yun." inis na pagsusumbong ko. "Diba maulee?"
"Meowww.. Meoww.. Meoww!" parang galit naman na pagsang ayon ng pusa.
"Oh kitamss kuya.. ang harot kase nun.. kung ano ano nalang hinahawakan sa mga lalaki.."
"Tuwang tuwa nga si Miggy ee.."
INIS KONG TINIGNAN SI KUYA.
"Kuya!"
"Joke lang.."
"Hmmmppp.."
INIS KONG INIWAS ANG TINGIN KO.
"Kung mga lalaki tinatarget niya.. eh di targetin mo naman yung mga babae.." bigla akong kinilabutan sa suhestyon ni kuya. Duhhhh! Yakkkksss!
"Kuya naman Hmmmp..."
"Oh bakit bunso? Gwapo ka naman.."
"Maganda ako.."
"Hahahahahahaha"
NAKAKA-INIS SI KUYA!
"Sige bunso sosolusyunan natin yan.." pagpapatuloy ni kuya sa mga pinagsasabi niya. "May naisip ako.."
"Ewan ko sayo kuya.. wala akong pake dyan sa mga naiisip mo. Hmmmmp!" inis na sagot ko.
"Maganda to bunso.. makukuha mo talaga ang boto ng mga kababaihan"
"What-ever.. ano mamacho dancer ako? Tsk!"
"Hahahahahahahahahaha!" tumawa nanaman siya.
"Basta bunso.. wag ka ng sasali Sali sa mga gulo" muling sumeryoso ang boses niya. "Hindi mo ba talaga nakilala ang gumawa sa inyo niyan"
"Hindi kuya eee.."
"Kaya tumigil ka na palate ng uwe.." saway niya naman. "Pati si Miggy di ka makita kanina"
"Oo na po.."
BIGLANG HUMINTO SI KUYA SA PAGDADRIVE AT SUMIMANGOT NA TUMINGIN SA AKIN SABAY PINGOT SA ILONG KO!
Awwwwwwwwwwwwwwww!
"Kuya!"
"Di ko alam kung san gawa yang katawan mo.. lahat nalang ng sakit nararanasan mo.." nakatitig lang siya sa akin na parang naawa. "Buti nalang nakakalagpas ka sa lahat ng sakit na yan bunso"
'Hindi pa kuya.. sobra pa akong nasasaktan sa isang bagay. Ayoko ng malaman mo pa, ayoko ng mag-alala ka pa..'
"Umamain ka bunso.."
"Ano kuya?"
"May tinatago kang problema.."
KINABAHAN AKO.
Hanggang sa mapatingin nalang ako sa labas kung saan nakahinto tong kotse. Napatingin naman ako sa isang branch ng Greenwich.
Nakakagutom naman.
"Meow.." bigla akong napatingin kay Maulee na nakatingin rin sa labas. Ayyyy.. alam niyang may pagkain dun? Pusang to lakas ng pangamoy.
Haysss..
Siguro nga gutom narin siya.
Masarap siguro kumain ng maraming pizza, lalo na't nasasaktan ka sa kung ano nalang meron sa inyo ng mahal mo. BREAK NA BA KAME?
"Huy.."
Nagising nanaman ako sa pag-iisip ng tapikin ako ni Kuya. Tumingin na ako sa kanya ng seryoso..
"Kuya.. may tinatago nga ako.."
"Sabe ko na nga ba.." sabay buntong hininga si kuya. "Ano yun bunso.."
"Kase kame ni Maulee.."
"Anong meron?"
"Kuya Gutom na kame.."
((0______0wtf!)) ---> REAKYON NI KUYA.
"Hehehehe.. dali na kuya.. ayun Oh my Greenwich!" sabay turo ko ng pizza house kung saan saktong nakahinto tong sasakyan hehehehe.
"Meow.. Meow.." si maulee na humarap narin kay Kuya. Kumikinang kinang narin yung mata ni Maulee sa kagutuman!
Wahhhhhhhhhhhhhh..
"Geh ba.. bili ka na may pera ka naman diba?"
"Kuya?!"
"Oh?"
"Kuya.... la ako pera ehhh"
"Ehh di walang bibili.."sabay ngiti at papaandarin na yung sasakyan ng humarap kameng dalawa ni maulee tapos nagpaawa sa kanya.
"Kuya dali na po.." ako na hawak hawak yung dalawang paa ni maulee at tinatambol tambol ko yun sa braso ni kuya.
"Meow...." sabi naman ni Maulee.
Bumuntong hininga sabay kamot sa ulo nalang si Kuya. At ramdam kong bibigyan na niya ako ng pera pambili ng Pizza!
*****
**** KINABUKASAN ****
Naubos ko talaga kagabi yung isang box ng Hawaiian Pizza Overload. Dalawa binili ko kagabi, na libre ni kuya Brenth.
Ikinain ko nalang ang sama ng loob ko kay Ganny. Ganun nalang ba yun, porket naringig niya ang kagaguhan na yun ni Karim kahapon papaniwalaan niya agad.
Ano bang magagawa ko? Ehh palpak yung plano ko eee.. Imbis na malinis ako sa kanya lalo pa akong sumama at...
Nahantong pa kame sa ganito. Gusto kong umiyak, pero parang pigang piga na ee. Nakakramdam nalang ako ng lungkot at inis, halos kainin ko na nga pati balot na karton nung pizza ee.
Anong magagawa ko kung ganun ang gusto niya? Ang hirap ng magpumilit na tama ka ee na di mo siya naloloko. Na nagpapaloko lang siya sa sinungaling niyang kaibigan.
Pero masakit parin eee.. ganun nalang ba yun hiwalay na talaga kame?
Napatingala ako sa langit habang nag-aabang ng Jeep. Di kase ako nakasabay kina kuya Cliff dahil medyo nalate ako ng Gising. Si Maulee naman ay iwan muna kay Kuya Brenth na wala daw pasok.
Siguro this time ang isipin ko naman yung sarili ko. Siguro this time magfocus muna ako sa pag-aaral ko, pansin ko kase medyo bumababa ang performance ko sa eskwela.
At dahil narin yun sa masyadong pag-iisip at pag-iisip ko ng paliwanag para maniwala lang siya sa akin. Pero wala ee.. puro bulilyaso.
'Pero Krab mahal parin kita.. Pero tila hindi mo na talaga ako mahal'
Biglang may tumulong luha sa aking mga mata. Mahirap man sigurong tanggapin, pero kailangan ko ng magsimulang limutin ang nararamdaman ko sayo.
Siguro ginusto na niya talagang makipaghiwalay para magsolo na sila ng babae niya sa America.
Nakatikim na siya ng babae kaya siguro mas ginusto na niyang magkaroon ng syota na maipapakilala sa lahat. Tsaka siguro mas magaling at masarap yung babaeng kasama niya sa picture noon.
"Wohh.." mahinang pagbuntong hininga ko.
KAYLANGAN KO PA PALANG PUMASOK, SIGURO HINIHINTAY NA AKO NI ATE MYRIL AT XAVY SA MAY GATE.
Hmmmppp..
Pumara na nga ako ng Jeep at sumakay na papasok sa DMA.
*****
Pagdating sa DMA ay agad kong nakita sila Xavier pagkapasok ko sa gate. Agad akong lumapit at binati sila.
"Good Morning.."
"Good morning Dennis.." nakangiting bati naman ni Ate Myril. "Buti naman maaga kang nakapasok"
"Late na nga ata ate ee.."
"Hindi ahh, don't worry wala namang klase ngayon" sabi niya. "Pinagbigyan tayo ng school management na mag room to room... para mangampanya"
"Talaga?"
"Pero di yun alam ng mga studyante.. Only me and Klariz yung makakalaban ko sa President Candidacy sa kabilang partido"
"Ahhh ganun ba.. okay yun"
"Kaya nga eehh" si ate Mayril.
"Morning kuya Xavier.." bati ko dito dahil di siya nagsasalita.
"Kuya talaga.." seryosong sabi niya.
AYYYTTSSS SERYOSO NAMAN NG LALAKING TO. ANO NANAMAN KAYA NANGYARI DITO? DAHIL PARIN BA KAHAPON?
'Wag ka mag-alala pag wala na talagang mangyare sa relasyon namin.. at makapagmove on agad ako. Papalandi na ako sayo'
Ano ba yan Dennis!
"Ate Myril oh.. ang seryoso niya"
"Wag mo pansinin yan, puyat lang siguro" sabay ngiti si Ate Myril. Puyat? Bat naman napuyat yang nilalang na yan.
"Bakit?"
"Ahh nagprint kame kase ng maraming Copy ng mga flyer na ipamimigay natin para sa partido natin"
"Ahhh.."
"So tara na dun na tayo sa room.. andun kase yung iba nating kasama tsaka kaylangan na agad natin magsimula"
"Sige tara na ate.."
Paalis na sana kame ng biglang may malakas na tunog ang tila papalapit sa aming pwesto!
Tila tunog ng isang banda.
At saliw sa musika na 'Dessert' ang pinapatugtug nito. Maya maya ay nagulat kame ng makita ang paparating sa gawe namin ang malaking kumpol ng tao!
At nasa unahan ng kumpol na yun ang Baklang pink! Bigla akong nayamot talaga ng makita ko siya! Nakawig ulit siya ng kulay pink tapos nakagown siya at may tila malilit na dalawang pakpak sa kanyang likuran!
Tila siya ang nagiging muse sa nangyayaring parada. Sa bandang unahan ay may banner na nakasulat ang mga pangalan na tatakbo sa partido nila. Pero mas malaki ang pangalan ng makating baklang yan!
Panay ang kaway niya sa mga taong nakikita niya. May mga dancer din siyang kasama na nag eexibition more than a meter sa harap nila!
Tapos maraming mga istudyanteng lalaki ang nakabuntot sa likuran nila na panay sigaw ng 'Queen C!'
The f**k! Anong Queen C!
NAYAYAMOT AKO!
Andame niyang kasamang mga istudyante halos puro lalaki at parang mga First Year Student.
"Anong meron fiesta? Parang sira ang baklang yan" si Ate Myril na pumaunahan rin katabi ko.
Laking gulat naman namin na biglang pumito si Baklang Pink! Tapos huminto ang lahat pati yung sumasayaw, tapos dumako siya ng tingin sa amin.
Sabay lakad ng bahagya sa pwesto namin.
"Tang-ina subukan niyang lumapit sasapakin ko na talaga yan.." napatingin ako kay Xavier dahil sa naringig ko. Pero sinungitan niya ako ng tingin.
"Kalma Dhie.. hindi na ako makakapayag na gagawin niya ulit yun sayo" napatingin naman ako kay Ate Myril.
"Bat anong ginawa niya kay Kuya Xavier?" tanong ko naman kay Ate Myril pero di na siya nakasagot dahil parating na ang halimaw!
PUTA HINDI KAYA! WAHHHHHHHH NAHIPUAN NIYA NARIN PATI SI XAVY KO???????
Tumingin ako kay Xavier pero di siya makatingin sa akin. Baka nga totoo yung iniisip ko!
Maya maya ay papunta na nga ito sa amin nakabuntot sa kanya ang tatlo niyang alipores habang siya ay.. Parang ewan sa suot niya, mukha siyang Disney Waste!
Pink na pink siya sa cocktail gown na suot niya. Punyetang ito paano siya nakakalusot na ganito ang suot nito!
Pati yung wig niya iba na yung decoration. Pink Rabbit na ang nakakabit sa ulo niya tapos halatang puro make-up ang pagmumukha! Baklang Katy Perry ang gaga!
Papalakpak palakpak pa siya habang papalapit sa amin.
"Hellow people?" maarteng sabi nito. "You can Join us.. may pakain ako at magbibigay rin ng cash.. all you have to to do is follow us.. for our victory parade"
"Anong sabi mo?" inis na tanong ko.
"Ohh buti nakarating ka pa dito.. akala ko kase tegi boom ka na"
SINAMAAN KO SIYA NG TINGIN.
"Anyway.. payong kamag-aral lang ahh" parang conyong sabi niya. "Wag na kayo mag-aksaya ng oras dahil ako ang mananalo kasama ang buong grupo namin"
"Tumigil ka nga.. porket nauuto mo ang mga yan sa pera at pakain mo.. mananalo ka na? Excuse me mas maraming matitinong tao dito sa DMA.."
"Okay fine.. wala akong magagawa, pakipot pa kase kayo.. Don't worry treat ko rin kayo pag manalo ako" siya na pangitingiti pa habang nakatingin sa amin.
SARAP SAPAKIN!
"Itetreat ko kayo ng.. entrance fee sa kangkungan" malakas na sabi niya na agad ikinatawa ng kasama pati narin ng nasa parada!
"Tumigil kang bakla ka aaa!" sususgod na sana si Xavier ng pigilan siya ni Ate Myril.
"Ohh.. sammy boy.. Namiss mo yung kiss ko last time? Ohhh eehh yung pagkasisip ko sa mabango mong leegg.. nag kamarka ba"
"Tang-ina mo!"
"Hahahahaha.." tawa siya.
"Umalis ka na dito!" sigaw ni Ate Myril.
"Okay, mga loser.." sabay sipol niya ulit gamit yung pito na nakakwintas sa kanya.
"Gago ka may araw karin sa akin!" sigaw ni Xavier.
KAKABADVIBES YUNG BAKLANG YUN PATI BA NAMAN SI XAVIER BINABOY NIYA. NAIINIS NA AKOOOOOOOOOO!
Muling tumakbo ang parada nila habang paulit ulit na sinisigaw ng mga tao ang pangalang. 'Queen C!'
Anong Queen C! Carlito pangalan niyan!
*****
Tulad nga ng pinagplanuhan ay pumunta kame sa Classroom nila Ate Myril at nandun nga yung mga Flyer na ipamimigay namin. Hindi kumpleto ang grupo.. Absent pala si Dwife. May sakit daw, sabi ni Ate Myril.
Kaya pala ganun siya kahapon nung makita ko, tsaka di siya active kahapon sa klase.
Sa pagsisimula nga ng kampanya namin Room by Room ay di kame tinigilan ng Grpo nitong si Carlito!
Nakaka-inis lang na habang nasa loob kame ng room at nagpapaliwanag ng mga agendang maaring mailapat namin bilang tumatakbong School Officer's ay biglang pumapasok ang maingay na grupo nila Carlito at makikisabay sa amin.
Nagsasalita pa kame, pero sumasabay sila. Kame ang talo kase wala kameng mobile mic at speaker na gamit. Sasabayan pa nila ng pagpasok ng mga pagakain na may nakadikit na sobre.
Wala kameng magawa kundi lumabas nalang at maghanap nalang ng ibang room. Pero, halatang nananadya talaga sila, dahil kung nasaan kame ay dun din ang punta nila para magpakain at mamudmud ng pera.
Si Xavier ay galit na galit na pero. Pinagsasabihan siya ni Ate Myril.
Tulad ng nasabi ko kay Kuya Brenth mabenta nga ang pakulo ni Carlito sa mga kalalakihan. Pansin namin na may mga nagagalit sa kanyang mga babae dahil sa mga kababuyan na pinaggagawa niya sa mga katipan ng mga ito!
Natapos ang Tanghali na gutom kame at parang walang nangyare. Halos lahat kase ay nauuto sa mga pakulo ng kabila. Tsaka panay ang pangugulo nila sa amin!
ANG DUMI TALAGA NILA MAGLARO!
3rd year at 4th year palang ang napuntahan namin. Ewan ko sa kabilang Grupo, siguro sasabayan nanaman nila kame mamaya sa 1st Year at sa 2nd Year!
TALAGANG NANADYA NA SILA! ANG BASTOSSSS PA NG MGA UGALI!
Nagpahinga ang grupo namin sa may Canteen at sabay sabay kameng kumain. Walang nagsasalita halatang inis at pagod ang lahat dahil sa mga nangyayare.
Para lang kameng mga invisible sa iba. Pero may iba naman na sumusuporta sa amin halos mga babae at Beki na tila galit sa grupo nila Carlito. Lumalapit pa nga sila sa amin at nagvovolunteer na mamigay ng flyer namin.
Kahit nga sa Room nila Xavier at Ate Myril ay parang naungusan kame. Hinahanapan din kame ng pambara daw at panulak. Ehhhh wala naman kameng budget para sa mga yun.
"Guy's!" biglang sigaw ng isa sa mga tumatakbong councilor ng partido namin.
"Oh bakit?" tanong naman ni Ate Myril.
"May kailangan kayo makita sa labas!" nakangiting sabi niya. "May mga lalaking ikinakampanya ang grupo natin.. at lalo ka na.." sabay tingin sa akin ng lalaki.
"Ako?" turo ko sa sarili ko na di alam ang sinasabi niya.
"Basta tara na!" aya nito. Kaya naman tumayo na kameng lahat at patakbong tinungo ang sinasabi niya!
*****
Nagulat kame ng makita na nagkakagulo yung mga babae dito sa may Bungad na bahagi ng Eskwelahan!
Pansin ko yung mga babaeng patalon talon pa habang mga mga hawak na Lollipop at isang piraso ng maliit na papel na kung saan nakasulat ang pangalan ko at pangalan ng buong alyansa namin!
Bigla akong Kacurious kaya talagang nagsumiksik ako.
AT NAPANGANGA NGA AKO NG MAKITA KO KUNG SINO ANG MGA NASA UNAHAN HABANG NAGPAPAYAKAP SA MGA BABAE!
Nakapwesto sila sa medyo mahabang lamesa na may upuan parang mga hurado lang ang Peg! Tapos nakapila yung mga babaeng kilig na kilig!
Mula sa kaliwa ay nandun si Kuya Brenth, Yung Kambal, Si White, Si Zach, Si Naruto at pati yung Lalaking nakasuot ng parang Gown ng Doktor! Pamilyar siya sa akin!
Siya yung pinakilala nuong Dentista ni Naruto!
Gosh anong ginagawa nila dito?
FREE HUG'S AND LOLLIPOP'S
Nakasulat sa Banner na nakakabit sa lamesa. Tapos sa bandang baba ay nakasulat yung VOTE! Then mga pangalan lahat namin sa partido!
Bigla ko tuloy naalala yung sabi ni Kuya brenth kagabe sa kotse tapos kaya pala hiningi niya buong member ng Grupo namin dahil dito?
"Meow..."
Agad kong hinanap kung nasaan yung nag ngiyaw! At nakita ko nga si Maulee dun sa ibabaw ng Lamesa!
Hindi ako nakikita nila Kuya dahil dinudumog sila nung mga babae. Loko loko to! Eto pala yung sinasabi niyang Plano!
NAPANGITI NAMAN AKO DAHIL SA GINAGAWA ITO NI KUYA PARA SA AKIN, ISINAMA PA NIYA ANG MGA KAIBIGAN NIYANG MONGOLOID.
YUNG MGA MONGOLOID NA GWAPO AT HOT!
Napangiti nalang talaga ako. Lalapit na sana ako sa pwesto nila Kuya ng biglang may pumito ng malakas at paulit ulit!
NATIGIL ANG LAHAT SA GINAGAWA AT NATAHIMIK!
"Tabe!" napakunot ang noo ko ng maringig ko ang Boses ni Carlitong Bakla! Anong ginagawa ng hayop na yan dito!
Nagulat nalang ako ng magbigay daan yung mga tao sa kanya na halatang naiinis sa pagsisisga niya!
Naiinis ako sa ideyang binigyan siya ng ispasyo para Rumampa papunta kina Kuya!
ANONG GAGAWIN NIYA?
Kita ko naman yung gulat sa mukha nila kuya, Medyo natatawa yung Zach tapos si Naruto may binubulong dun dun sa dentista.
"Oh My God... pinuntahan niyo pa talaga ako dito mga Prince Charming?.." tila namamanghang sabi ni Carlito na nagpapacute pa!
Pinagsasabi niya!
"Alam kong ako ang pinuntahan niyo dito.. Dahil ako ang nag-iisang Prinsesa ang nag-iisang Living Barbie Doll!" Agad siyang tumakbo papunta sa kanila. "Gusto ko ng Hug!"
SIGAW NITO.
"And I am Ready to taste your.. Lollipop inside your pant's"
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)