CHAPTER 061

1859 Words
CAZI'S POV Nagagalak akong makita ang mga nag-gagwapuhang prinsipe sa aking harapan. Pakiramdam ko nasa gitna ako ng isang napakapreskong gabi habang nakatayo sa tuktuk ng isang napakalawak na burol tanaw ang kastilyo kung saan naninirahan ang isang prinsesang tulad ko. Mga alitaptap na nagliliparan sa paligid ng isang Living Barbie Doll. Pakiramdam ko nandiyan sa tabi ang mga karwahe at mga kabayong sinakyan ng makikisig na prinsipe upang iligtas ako sa mangkukulam na ito. Bakit andito tong bubwit na ito. Naiirita naman tuloy ako. Wag niya sabihing aagawan niya ako ng eksena dito sa mga prinsipe ko. Balik sa pag-iisip. Namamangha talaga ako sa kanila. Lalo na ng makita ko ang lalaking may kakaibang kulay ng Kilay. Kakulay ng buhok ko ang kanyang dalawang kilay! Jusko Destiny na talaga ito. Siya ang inuna kong nilapitan, kahit nahawi narin ng mata ko si Baby Boy ko. Pero siya talaga gusto kong unahin! Yung suot at pustura kong malaprinsesa na di naman nalalayo sa araw araw kong kagandahan ay papunta ngayon sa lalaking nagmamay-ari ng pink na Kilay! "Hi.." bungad ko sa kanya. Ngayon lang ako nagkaganito, type ko na talaga siya. "Who are you?" pagsusungit nito sa akin. Yan ang gusto ko ee.. masungit pero maya maya maakit narin ng aking kagandahan. "Yung kilay mo at buhok ko itinadhana.. siguro pati rin ang puso natin ay itinakda" Goshhh ano bang nangyayare sa akin! Grabe lalong kumunot ang nuo niya. Tapos sumalubong ang mga kilay niyang niyang Pink! Lalo akong napapamahal sa lalaking ito! "Mahal na kita, sana mahal mo na rin ako" Goshhh lalo akong lumapit! Yung lamesa nalang ang pumapagitna sa aming dalawa. "Yakkkkssss.." sabi nito na ang gwapo parin sa masungit na pagmumukha. Hindi ko batid ang kung anong kabaklaan ng sabihin niya yung mga katagang yun. Lalo siyang naging Hot para sa akin! Totoo na ito umiibig na talaga ang puso ng Nag-iisang Living Barbie doll! Gusto ko ng mahimatay! "Hey bro.. sino yang baklang yan?" biglang tanong nito sa kanyang katabi. Napatingin naman ako sa katabi niya na gwapo rin.. moreno tapos may kalong kalong na.. Bigla akong nagulat ng makita siya! Hawak niya yung pusang... Hindi ako pwedeng magkamali siya yung! "Meowwwww!" ngiyaw nito sa akin na tumalon sa pagkakalong nung isang gwapong lalaki! Napatingin naman sa akin yung mga prinsipe. "Meowlee.. Why?" tanong nung nagbubuhat sa kanya. "Hi Beautiful mingming.." buong kaplastikan na sabi ko. Oh My God! Still alive pa pala ang pusang ito! Pusang Ina Yan! "Meowwwww!" umaakmang kakalmutin nito ako. Agad ako nangigil kaya kinuha ko yung sandal kong may 5 inches na sobrang tulis na takong! "Subukan mo!" sigaw ko. "Meowww!" "At talagang lumalaban ka! Ahhhhhhh!" ako na hahampasin ko na yun. Humaharang harang tong pusang ito, pati mga prinsipe ko inaakit niya maging amo! "Subukan mong ihampas yan.. Paduduguin ko talaga yang mukha mong puno ng krayola!" Hawak ng may-ari ng boses na yun ang kamay kong may hawak na sandal! Putragis.. nakisawsaw ang amo! Nginisian ko siya. "Bago mo mapapadugo ang nguso ko.. ipapako ko muna to sa pagmumukha mo!" Hahahahaha kabado! Agad kong natanggal yung kamay niyang humahawak sa akin at handa na kong pakuan ng takong ang mukha niyang kay panget! "Subukan mong ipako yan.. mamartilyuhin ka ng kamao ko" DENNIS POV Agad naibaba ni Carlito ang hawak niyang sandal na ipapako niya daw sa akin. Agad kase siyang inambahan ni kuya ng sakal. "Meowwwwwwww!" si Maulee naman ay lumundag sa lamesa at biglang kinalmmot si Carlito sa paa! "Arayyyyyyyyyyy!" sigaw nito na akmang sisipain nanaman si Maulee ng salubungin ko rin ang paa niya ng sipa. Nakaka-inis na eh! "Arayyyyy!" sigaw nanaman ulit nito. Si kuya naman ay agad siyang tinulak dahilan para matumba siya. Then pinulot ni kuya si maulee at tumabi sa akin. "Ano ba! Ano bang ginawa ko sayo!" kita kong sumulyap ito kay White na kaninay pinagdadramahan niya. Yakkkkkkkkssss, pero bagay sila parehong mga basura! "My Prince.." sabi nito kay White. Ewwwwwwwwww... "Hoy.. bakla anong prince ka diyan.. Brenth please kill that pink dirt for me" inis na sabi ni White kay Kuya. "Wala kang ginagawa sakin, pero sa kapatid ko at sa pusa niya meron" Nasa tabi ko na si Kuya at pareho kameng nakatingin kay Carlito. Muli ay nagsimula ng mag-ingay ang nasa paligid. "Ayyy kapatid niya pala si Hernendezz Girl" "Oo nga.." "Kainis talaga yang Baklang yan eextra extra.. di na nahiya, kampanya to para sa kalaban nila tapos pupunta punta dito tapos gagawa ng idiotic entrance" "Ay tama lang yan diyan.. ang landi landi pati Boyfriend ko pinagnanasahan!" "Kainis! Natigil yung free hug dahil sa baklang yan" SOBRA NAMAN YUNG NGITI KO NG MARINGIG KO YUNG MGA BULUNGAN NG MADLANG DABARKADS SA PALIGID HEHEHEHEHE... "WHAT?!" gulat niyang sigaw. "Oo.. kapatid niya ako. At kaibigan sila lahat ng kuya ko.." sabay turo ko sa mga hitad na gwapo sa gilid. "Nagtataka nga ako kung bakit ka nandito.. diba may pakain at papremyo ka?" tanong ko. "Wala kang pake.. Deserve na nadito ako dahil maganda ako" "Mas maganda pa sayo ang pusa ko.." sagot ko naman. Tumawa naman sa sinabi ko yung mga tao. Di siya naka-imik ramdam kong napapahiya na siya. Lalo na sa mga taong pinagtitinginan siyang nakasalampak sa daan! "Eh ikaw bakit ka nandito!" "Siyempre ako ang kinakampanya nila eee.." sabi ko sabay turo sa malaking Banner na nasa harap na niya mismo. "Ano!" sigaw niya. "Why are you supporting that bubwit!" tila tanong niya sa mga kaibigan ni Kuya. "Hoy bakla!" bulyaw ng isang babae sa crowd. "Lumayas ka na nga diyan.. bumalik ka dun sa pakain mo!" "Che! Akala mo naman di ka chumibog dun!" Lumabas yung di naman kagandahan na babae at nameywang sa harapan niya. "Excuse me.. di ako kumakain ng mga pagkaing bigay ng isang tulad mong madumi!" mataray na sabi nito.. TAWANAN NAMAN KAME DAHIL DUN. SIGE ATE PAKUIN MO YAN SA KAHIHIYAN! NAKOOOOOO! GUSTO KO RIN PAGSISIGAWAN ANG GAGANG YAN. DI KO LANG MALABAS YUNG BEKI BEAST NA PERSONALITY KO! "Tsaka mas mabubusog pa ako sa yakap nila.. kaysa sa pakain mo! Pwee!" Ang strong ni Ate! Dinuraan niya si Carlito. Kitang kita ko ang galit ni Carlito. Konting segundo nalang sasabog na siya. "How.. Dare.." nang'gigigil na si Carlito. Ang lalim ng paghinga niya. "You!" duro niya sa babae. "How dare you ka rin!" bigla namang sigaw ng isang bakla at may kasama pa siyang isa. "Hi mga pogi kame na bahala dito.." paalam nito sa mga kaibigan ni Kuya. "Leche kang bakla ka.. ang haba ng pila dito nag-iinaso ka diyan!" sigaw nito. "Sino ka naman!" "Ako lang naman ang da dan-as sayo palabas dito.. Istorbo ka sa yakapan na ganap dito eee.. kaya naman ihahatid na kita sa lugar mo dun sa mga pakain event at paradang ganap mo!" "I don't understand you!" "In short.. lalayas ka na dito!" tapos bigla siyang hinila nung bakla tapos tinulungan narin siya ni ateng babae! Tapos nag-umpisa nrin siyang pagtulungan ng nakakarami. "Bitawan niyo ako mga hampaslupa!" "Ikaw ang mukhang lupa!" sigaw ni ate. "Mukha kang pink na cotton candy na pinagtatapakan sa putikan!" sabi naman ni Beki. NATATAWA NALANG AKO, HEHEHEHEHE.. FINALLY DUMATING NARIN ANG ORAS MO CARLITO! "No...... I want Hug and Lollipopsssssssss!" nakaka-awang Carlito. Hehehehehe nakakatuwa ang dame kong Super Hero! "Ikaw kuya ahhh.. Di ko alam ang astig nitong plano mo.." sabi ko sabay tingin kay Kuya.. ????? Asan na yun! NAMALAYAN KO NALANG PINAGKAKAGULUHAN NANAMAN PALA ULIT SILA NG TAO. BUTI NALANG NASA BANDANG GILID NA AKO. "Meowwww.." BIGLA AKONG NAPATINGIN SA BABA KO AT NAKITA KO SI MAULEE NA NAKATINGALA SA AKIN. "Namiss mo ako?" "Meow..." "Lika na nga.. punta tayo kina kuya" sabay buhat ko rin sa kanya at pumunta na nga ako sa lamesa at pinagmasdan ko silang kinakampanaya ang grupo namin hehehehe. Pansin ko lang masyadong nag eenjoy yung Zach na yun. Bigla ko tuloy naalala ng makita ko siya ng isang gabe na nakikipagsex sa Teacher niya. Yakkkkssss.. halatang malibog. Yung kambal naman ay magkaiba.. masiyahin yung isa, yung isa naman serious pero nice type naman. Si Naruto naman pansin kong naiirita at parang gusto ng umayaw sa ginagawa. Hahahahaha.. Then si Mister Dentist ay.. TAHIMIK LANG SIYA, PERO NAKIKIPAGYAKAPAN DIN SIYA. NAKU KUYA BRENTH BAKA NAMAN MAGALIT NA TONG MGA KAIBIGAN MO. Pero may isa sa kanila na masyadong matabil at mayabang. Alam na, kundi yung hapon na Pink ang kilay. Sana kinuha nalang siya ni Carlito. Hate ko parin siya. Si kuya naman ay talagang pinagmamalaki ako dun sa mga tao. Hehehehe halos puro babae at Binabae narin ang pumipila. Nakakatuwa madame rin sila hehehehe. Di naman nagtagal ay pinapunta na ni Kuya yung mga kasama ko. After nung yakapan ay pinagpasalita nila kame hehehehe.. Ang astig para kame nagkaroon ng sariling Meeting De Avance. MALAKAS LOOB KO KASE ANDUN YUNG KUYA KO. TAPOS SI MAULEE SUPPORTIVE DIN SA AKIN. NGIYAW NG NGIYAW HABANG NAGSASALITA AKO. And after ng kaganapan na yun ay masasabi kong, may pag-asa kameng manalo. Hindi lang ako, kundi kameng lahat. Ewan ko lang kay Dwife. Wala kase siya eee.. Pero baka pag present yun, isa rin yun sa pagkaguluhan dito. Gwapo rin yun eehh.. Chineyytoo. Hmmp.. Hindi na ako nakapagpasalamat dun sa ibang kaibigan ni Kuya. Nahihiya kase ako, tsaka di naman kame close. Only Naruto ang close ko sa kanila. Nagtuloy tuloy yung mga oras hanggang sa sumapit na ang araw ng Debate. Ayaw ko man, pero tuloy na tuloy yung debate sabi ni Ate Myril. Nakaka-inis nga eee! DI AKO HANDA. Tungkol naman kay Carlito ay galit na galit daw ito. Sinusumpa niya daw ang lahat ng nasa Alyansa namin. Gagawin niya daw ang lahat para mapahiya kame sa darating na eleksyon. Patuloy ang pakain niya at pamimigay ng pera. Kame naman ay nagtuloy sa simpleng gawi ng pangangampanya. Nakakatuwa rin kase dahil dun si Louie, Billy at iba pa nilang kaibigan na kasubdivision ko ay nakita ko na ulit. Si Louie ay sobrang focus daw sa pag-aaral kaya di na ako napapansin. Pero babawe naman daw siya. Balak pa akong talunin ng loko, Huhuhuhuhu. Kaya ako kailangan ko narin magfocus. Ito narin ang simula ng ikalawang araw ng paghihiwalay namin ni Ganny. "Meow.." Andito pala ako ngayon sa Room. Nag-iisa.. hindi dahil kinakabahan ako sa mangyayaring debate. Kundi iniisip ko kung saan ko iiwan si Maulee. Wala kase si Naruto ngayon eee. (--___--) KUNG KAYLAN DEBATE DI NAMAN PUMASOK ANG UNGAS NA YUN! "Mag nanine na .. wala parin ako dun sa Gymnasium" ako na aligaga kung saan ko ilalagay si Maulee. Tutal wala na talaga ni isang tao dito sa buong building nilabas ko muna sa maulee. Nilapag ko siya sa room. Habang ako naghahalukay ng mapagtataguan niya. Si Kuya kase ee, may pasok daw siya. Ee ayaw naman ni maulee magpaiwan sa bahay. Gumugulong gulong siya sa kalsada pag iiwan na namin. Ganun ba pagpapalaki sa kanya ni Lucario? Nung time naman na lage kong nakikita si Lucario ee parang di niya naman kasama si Maulee ee. Haysss.. Ayun may karton akong nakita! "Meow.." dinig kong sabi ni maulee sa likuran ko. "Oo, may nakita na akong tataguan mo.." ako habang inaalis ko yung mga dumi sa loob ng karton. "Maulee?" NAPAHINTO AKO SA GINAGAWA KO NG MAKARINGIG AKO NG IBANG BOSES! HINDI KO ALAM KUNG TINATANONG NIYA AKO O.. SI MAULEE MISMO ANG TINATANONG NIYA. "Meow.. meow.." si maulee na halatang excited nanaman. Ganun siya pag nagpapabuhat sa mga kuya ko. "What are you doing here?" "Meow... Meow.. Meow.." "Are you with kuya?" Are you with Kuya?---- Tanong ng medyo paos na boses. Pero kahit paos pa siya ay kilala ko siya! AND.. WHAT THE HELL! ANONG SINASABI NIYA? KILALA NIYA SI MAULEE? AT????? . . . . . . . . . Kuya niya si Lucario? >0__0 ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! - Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD