CHAPTER 053

1137 Words
DENNIS POV Inis ko nalang na iniwas ang tingin ko, ayokong magsimula ng gulo. Pero napipikon na talaga ako kaya hinarap ko siya ulit. "Karl may problema ba tayo?" tanong ko sa kanya. "Sorry sa nangyari kanina.." nakiki-usap na sabi ko. That moment ay kita kong kumalma yung mukha niya, pero ramdam kong galit parin siya sa akin. "Gusto sana kita maka-usap bukas.." Biglang naging interisado yung mukha niya. "Tungkol saan?" seryosong tanong niya. Yung mata niya naghahangad ng mabilis na kasagutan. "May gusto lang sana akong linawin bukas.." sagot ko. Di ko pwedeng sabihin ang gagawin ko bukas. Dahil gusto ko on the spot siyang aamin na nagsisisnungaling siya kay Krab. Nagulat nanaman ako ng biglang ngumiti siya, tapos yung kamay niya ay pumupunta nanaman sa akin. Anong nangyayare sa taong to? "Dun tayo sa bahay bukas.." biglang otomatikong nagsalubong yung kilay ko dahil sa sinabi niya. "Hindi.." pagtanggi ko. "Sa rooftop tayo nitong building bukas.." Kinilabutan ako dahil sa naging reaksyon niya! NGISING NGISI ANG GAGO! May nasabi ba ako dapat na ikangisi niya? Baka iba ang iniisip nito! "Iba karin.. gusto mo ng bagong spot aa" malanding sabi nito! Sinasabi ko na nga bat iba nanaman ang iniisip niya! "Sige pagkatapos ng klase.. andun na ako" Magsasalita sana ako para linawin ang lahat ng biglang dumating si Ms. Biology! Kasunod rin nito si Naruto na nagmadaling tumabi sa akin at naupo! Naku hindi halatang may pusa ka sa dyaket! Sinenyasan ko siyang ayusin si Maulee, na sinunud niya agad gawin. Naging tahimik na yung paligid pagkatapos nun. "Sorry kung medyo nalate ako.." pagsisimula ni Teacher. "May mahalagang pinagmeetingan ang kameng mga teacher kasama ang Newly Elected Director ng DMA.." ANONG PINAGMEETINGAN NILA? "Siguro naman alam niyo ang balita tungkol sa binitiwang linya ng isang public figure sa national TV about sa LGBT's?" nagulat ako sa biglang sinabi ni Ma'aam! NAPAYUKO AKO, HINDI KO ALAM KUNG BAKIT. ANO YUNG NEW'S TUNGKOL SA LGBT? "Walang nakaka-alam sa inyo?" nagsisimula nanaman ito sa pagtataray. "Ahh ano po maa---" hindi natuloy nung isa kong kaklase ang sasabihin ng pahintuain siya ni Ms. Biology gamit ang isang senyas. "Just raised your hand.." THEN TINAAS NGA NUNG KAKLASE NAMIN YUNG KAMAY NIYA. "Go on.." "Yung sinabi po ni Mr. xxxx na ang LGBT daw po ay mas masahol pa sa hayop" ANO?! SINABI YUN NI MR. XXXX! Bat di ko alam? "Na mas mabuti pa daw ang mga hayop marunong kumilala ng lalaki sa lalaki tapos babae sa babae daw po.." pagpapatuloy ng kaklase ko. "So can you answer what is my concern to the statement of Mr. xxxx.. ahh before that. May I know if merong.. LGBT personality dito." HALA YUNG PUSO KO SOBRA YUNG KABA! "So..wala pala." tila di naniniwalang tanong ni Teacher. "So answer me.. sa tingin mo anong concern ko sa statement niya as a biology teacher?" DUN NAPANGIWI NA SI CLASSMATE. "Wala ata akong nakikitang nakasuot ng Number Tag.. maliban kay Mr. Lim!" tumayo si Teacher at tinitigan kame ng nakakatakot! Hala yung Number Tag ko! Agad ko yung kinuha sa bag ko ganun din si Naruto! Pero nagulat ako ng makita kong nakasilip si Maulee sa may jacket ni Naruto! KING INANG PUSA YAN! "Yung pusa.." bulong ko kay Naruto. Madali niya naman yun naringig at pinapasok nga si maulee sa loob ng jacket niya. HAY SALAMAT Then after nun lahat na kame nakasuot ng Number Tag namin. Pero nakaka-inis talaga! Bat si Dwife nanaman ang napuri ni Maam! Masyado namang masunurin tong si Dwife. Sipsip talaga. "Ang makakasagot sa tanong ko ay May Plus 50 points sa paper points mismo.." bigla akong nabuhayan dahil sa reward! "Pwede niyo siyang gamitin sa mga exam kung mababa kayo ng patingi tingi.." MAY GOD! "Pwede ring lahatan.. so volunteer!" parang nagmamadaling walang ganang sabi niya. Parang nabobohan na ata siya sa amin. "Ma'am" biglang nagtaas ng kamay si G2! "Okay.. what's your answer?" "That you as a biology teacher are concern about the reproduction system compatibility? I mean ma.. na hindi pwede magsex ang pareho ang ano po yung totooot.." BIGLANG NATAWA YUNG IBA NAMING KAKLASE. PERO AKO NAG-IISIP NG SAGOT! KAYLANGAN KONG MAGPASIKAT! "Thanks for the effort.. but in my own knowledge same s*x can perform.. s****l action" ngumiti si Mam na parang plastic sabay tingin ulit sa amin! Siguro naman tama tong isasagot ko. Tumaas ako ng kamay! Tumitig muna sakin si Ms. Biology bago nagsalita. "Yes.. B9" TUMAYO NA AKO TAPOS SUMAGOT! "I think your concern Mam is that two person with same organ.. Can't make another life. I mean yung dalawang same s*x po di nila kayang gumawa o makabuo ng baby" TUMAHIMIK YUNG PALIGID! Tapos parang nanlalamig ako. Biglang natawa si Teacher! Tapos tumayo siya sa harap at tinignan ako habang ngumingisi. "Ngayon mo lang nalaman?" medyo may pang-iinsultong sabi nito sa akin. "Ngayon mo lang nalaman na ang parehong lalaki o babae ay kaylanman di magkakaroon ng sarili nilang anak using their own body as one?" TAPOS PARANG NADISMAYA PA SIYA. Nakatayo parin ako nun, pero ramdam ko na yung pagkahiya. Tapos parang pinapahiya niya ako in a silent way. NAGTATAWANAN NA KASE YUNG IBA KONG CLASSMATE. "Ang sagot Mr. B9 ay parang tagline ni Mr. xxxx sa statement niya.." tumingin siya sa iba kong classmate. Di ko siya maintindihan. "Sinong nakaka-alam..? Tapos pakisabi sa harap ni Mr. B9" pagkatapos sabihin ni Mam ay nakangisi't pailing iling siyang naupo sa table niya. "Mam!" taas kamay naman ng isang babae kong classmate! Isa sa mga di ko close at parang malandi rin to! "Okay G3.. go on" "Common Sense.. Wala kang common sense Dennis hehehehe" nagulat ako ng bigla niya yung sabihin sa akin. "Common sense lang ang katapat ng sagot mo.. Okay na po mam" sabay upo nito. (--____--) NAGTAWANAN YUNG LAHAT, BUKOD KAY NARUTO AT KARIM NA NAKIKITA KONG TAHIMIK LANG. "Silent! Okay to end this argument and to start our lesson for today na may kinalaman sa sagot sa tanong ko.. can you stand and answer my question Mr. Lim?" NAUPO NA AKO NUN, NANG MARINGIG KONG TAWAGIN NIYA SI DWIFE. Napatingin pa ako nun kay Dwife na parang naawa pa sa akin. Di ko kaylangan ang awa mo. Sige magmayabang ka na! For sure naman. Ikaw nanaman ang may Alam! TUMAYO SI DWIFE. "I will answer your question Ma'am in one condtion.." sagot nito habang nasa tainga pa ang lapis niyang pinandodrawing lage. "At ano yun.." "I don't want the reward points.." "Woooooooooooooooooo... yan si dwife..." sigaw ng karamihan dito sa classroom. Napapikit nalang ako sa sobrang panliliit sa sarili ko. "Okay.." sagot naman ni Teacher. "I think your concern is from the statement 'Buti Pa ang hayop marunong kumilala ng lalaki sa lalaki o babae sa babae..'...." paunang sagot ni Dwife nakatingin ako sa kanya, naiinggit ako the way he deliver his answer. Very Smart talaga. "And you as a Biology Instructor.. Don't agree about that. You don't agree that animals don't practise homosexually behaviour or act" "Hindi na ako nagulat.. marunong ka ngang gumamit ng utak at sintidu kumon.. Hindi tulad ng Iba" Nagpalakpakan ng malalakas yung mga classmate namin. Pero ako... TILA PINAKUAN AKO NG MGA MALALAKING PAKO SA ULO DAHIL SA SINABI NI TEACHER. (---____---) ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! - Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD