CHAPTER 052

893 Words
DENNIS POV Hindi ko maintindihan, pero parang nangangamba ako dun sa bakla kaninang nakita namin ni Naruto. Parang ang dali lang sa kanya na manipulahin ang mga kalalakihan. Lalo na yung kwinento sa akin ni Naruto. Ganun ba kalandi ang isang yun kung tumirada siya masyadong mabilis. Kasing bilis ng kuneho sa pag-galaw at kasing libog ng kuneho kung umariba. Haist! Nakaka-inis. ***** Si Naruto lumabas, magbabanyo lang daw. Ayun nasa loob parin ng dyaket niya yung mahaderang pusa. Kung tao siguro yung si Maulee siguro mas malandi pa siya dun sa bakla kanina. Si Karim naman ay naka-upo sa row na nasa aking harapan. Hindi kame nagpapansinan, at ayoko rin siya maka-usap. Bukas na siguro. Nilalaro ko yung kuko ko ng oras na yun ng biglang may lumapit sa akin. Pagtingin ko sa aking gilid ay nakita kong nakatayo si yabang. As usual may lapis sa tenga tapos dala niya yung sketchpad niya. Nakatitig siya sa akin. Eh di tinitigan ko rin siya. Hangang sa.... "Uy Dennis!" biglang lapit ni Kirby sa pwesto ko. Ay nakikiclose ulit? "Alam mo ba tong si Dwife may ginawa.." parang lokong lokong ani ni Kirby. Tinignan ko naman siya ng puno ng tanong. Pero ang nakaka-inis, tahimik lang din tong mayabang na to habang naka-akbay sa kanya si Kirby. "Anong ginawa?" tanong ko naman. "Uy pre.. pakita mo dali" sabi ni Kirby kay Dwife. Napasimangot naman si mayabang kay Kirby. Pero si kirby ay lalong kinukulit si Dwife habang naka-akbay. Silahis rin kaya tong si Kirby? Naku ang hahot pa naman nung mga pinsan niya sa bakery nila. Kung silahis siya, siyempre di niya rin matitis ang maakit. For sure yun! Ganun ako eeee.. hmmmmm so baka di naman siya ganun. Okay. Bigla akong nawala sa iniisip ko ng makaringig ako ng tunog ng pilas ng isang papel---At pagkatingin ko sa dalawa ay galing yung pilas dun sa sketchpad. "Sleeping Child" sabi ni Dwife, gulat rin ako ng bigla niyang inabot sa akin yung isang papel galing sa drawing pad niya. At nagulat ako sa nakita kong nakadrawing! AKO HABANG NAKAPANGALUMBABA SA ARM CHAIR TAPOS TULOGGGGGGGG!!!!! CAZI'S POV Hi magkano ka? Ano gulat ka sa nabasa mong pangalan na magpopoint of view?! Binabalaan kita.. wag na wag mo akong tatawagin sa totoo kong pangalan (Carlito Zipalta). Dahil kaya kong magbayad ng mga mahihirap na atat sa pera mapalibing ka lang ng buhay. Intindi? "Queen C.. ganda naman ng earing mo.." papuri ng isa kong kaplastikan dito sa eskwelahan na ito. Pangatlong linggo ko na rito, at pangatlong linggo narin akong nagbibigay ng donasyon sa mga mahihirap. "Mahal pa yan sa buhay mo.. gusto mo?" tanong ko sa kanya. Kung hindi lang talaga masunurin ang babaeng to na mukhang bunot naman ang buhok at mukhang langka ang mukha di ko ito isasama sa aking pwersa. "Opo mahal na reyna.." yung mata niya kumikinang ka kasabikan. Halos lumuhod na siya sa harapan ko, andito kame ngayon sa isang Gazebo. Nairita kase ako kanina dun sa batang nabunggo ko kanina, hay nako.. popcorn lang iniyakan na? How Cheap! Buti nalang may nahalikan akong masarap kanina, tapos jumbo hotdog pa. Pero may nakita akong Mas Yummy kanina. Di ko nga lang siya nalapitan kase pinagkakaguluhan na yung Beauty ko dun sa field. "Sige ibibigay ko to sayo.. pero may itatanong ako" sabi ko kay Girl Buka. Pinaghalong Bunot at Langka. "Hala ano yun Queen C!" excited niyang tanong. Tapos tumayo pa siya. HAMPASLUPA! "Sino nagsabi sayong tumayo ka na?" mataray kong pagkekwesyon sa kanya. "Masahiin mo ang malabarbie kong mga paa!" sigaw ko dito. "Masusunod po Queen C.." siya na nagmadali pabalik sa aking paa. "At kayong dalawa naman.." sabay tingin ko pa dito sa dalawa ko pang kaplastikan. Si Rivic at si Jameyla. Si Rivic na madungis na bakla at si Jameyla na hmmmmm... siguro maganda siya. Pero mas maganda ako at mas may dede ako sa kanya. Foam nga lang. Pero dahil mayaman ako, malapit na ako magturok turok. Gusto ko lang ienjoy ang ganito. At gusto kong mas lumaki to sa pamamagitan ng lamas ng mga lalaki. "Tuloy lang ang pagpaypay baklang madumi sa akin.." tukoy ko kay Rivic. "At ikaw naman.. babaeng walang suso.. tirintasin mo ang pinky hair ko!" "Masusunod po.." sabay na sabi ng dalawa. Naku iba talaga pag maganda.. at soon ako na ang magiging reyna sa paaralan na ito! Akin lang ang lahat ng lalaki! Maraming gwapo dito sa paaralan na ito. Lalo na yung lalaking kamukha ni Naruto, hintayin mong ninjahin kita. IKAW ANG UNANG SERYOSONG GUSTO KONG BIKTIMAHIN SA PAARALAN NA ITO. At walang makakapigil sa aking bwahahahahahahahahaha! KARIM'S POV Talagang iniinis mo ako Dennis. Akala mo ba hahayaan lang kitang lumandi ng iba? Kanina kasama mo yung taong halaman na yun, pangalawa masyado naman atang madikit ka ngayon sa lintik na ninjang yun? At ngayon dito sa intsik na ito? Tignan natin kung anong masasabi ni Ganny pagkatapos kong isend ang mga Pictures na ito? Kung lalandi ka man Dennis. Ako lang dapat. Ako lang dapat. Magsisisi ka dahil pinagtataksilan mo ako. DENNIS POV Pagkatapos maibigay sa akin yung drawing niya ay lumayas agad siya! Si kirby naman ay agad sumunod dito. Kaya nainis ulit ako. Pero napangiti naman ako ng makita yung guhit niya. Gaano niya kabilis naiguhit ito? Sobrang kuhang kuha niya ako habang nakatulog! Parang picture na black and white tong nakikita ko eee. Hmmmm... "Saya aa.. Tignan lang natin kong di yan masisisra bago matapos ang araw na ito" INIS AKONG NAPATINGIN SA TAONG NAGSALITA! Pero di ko inaasahan na malademonyo rin ang titig niya sa akin. ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! - Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD