Note: Pakibasa ng The 7th Shopa sa mga nalilito tungkol sa mga lalaking naka-itim. Halatang di kayo nagbabasa ee. Tsss..
- TheSecretGreenWriter
DENNIS POV
Ang bilis nang mga pangyayari, mag-isang nakipagbuno si Kuya Brenth sa dalawang lalaking naka-itim.
Ngayon ko lang nakita si Kuya na makipaglaban. At sa nakikita ko, magaling at parang bihasa siya sa ginagawa niya. Sa bawat sipa, tadyak at suntok ay napapatumba niya yung dalawa ng walang kahirap hirap.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nang makakita kasi nang pagkakataon si kuya na patakasin ako ay mabilis niya akong pinatakbo--- Sa sobrang takot ay agad ko siyang sinunud.
Pero sobra ang pag-alala ko.
Hangang sa makarating ako sa tapat ng bahay ay di ako mapakali. Parang gusto kong balikan si kuya Brenth.
'Ano na kayang nangyayare?'
Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad pabalik kung saan ko iniwan si Kuya Brenth at ang dalawang misteryosong naka-itim.
Bigla namang kumabog yung dibdib ko nang masaksihan ko ang pagdating ng isang mataas na motor na agad pinasakay ang dalawang lalaking naka-itim--- Lamang si Kuya Brenth dahil pansin kong nakatayo pa siya at wala man lang iniindang sakit.
*BROOOOOOOOOOOOOOM!!*
*BROOOOOOOOOOOOOOM!!*
*BROOOOOOOOOOOOOOM!!*
Ang ingay ng motor na gamit ng tatlo. Hindi ko rin alam kung saan ang motor na yun, bigla nalang yun sumulpot at pinasakay ang dalawa.
*BROOOOOOOOOOOOOOM!!*
*BROOOOOOOOOOOOOOM!!*
*BROOOOOOOOOOOOOOM!!*
Biglang umandar ito at tinutumbok ang pwesto ni Kuya. ---- Shet ang kuya ko!
Sasagasaan nila si Kuya Brenth. "Kuya!" naisigaw ko nang makitang papalapit na yung motor sa kanya.
Napatingin siya sa akin!
Tinuro turo ko pa yung motor na papalapit, agad siyang umiwas ng tingin at humarap. Agad siyang umilag, pagulong!
*BROOOOOOOOOOOOOOM!!*
*BROOOOOOOOOOOOOOM!!*
*BROOOOOOOOOOOOOOM!!*
Muling umikot yung motor na halos tumagilid na sa kalsada. Pleaseee someone help us! Nasaan na ba ang mga tao dito sa Subdivision?!
Bigla akong nasilaw. Biglang nawala yung iniisip ko sa aking utak. Napatingin ako sa harap ko at..
Biglang kumabog ang dibdib ko nang makitang nakatutuk ang isang baril sa aking harapan. Baril na hawak ng nagdadrive ng motor.
"Ako ang kaylangan niyo, wag nyong idadamay ang kapatid ko" ramdam ko ang pangungutal sa boses ni kuya. Habang ako naman ay parang matutuyuan na ng laway at dugo sa sobrang takot.
Sabayan pa nang liwanag ng front light ng motor na nakatutuk sa mukha ko. Pati tuhod ko ay nangangatog.
"Damayan na to.." sabi nang lalaking kitang kita ko ang pagngisi ng mga labi na medyo nakalabas sa bonnet na nakasuot sa kanyang mukha.
Anong gagawin ko?
Napatingin ako kay Kuya Brenth at kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hinahaluan pa yun ng gigil at galit, pero meron ding bahid ng pagkaguilty. Siguro dahil sa hindi niya ako maipagtanggol laban sa baril ng lalaking nasa harap.
"Sisihin mo ang kuya mo.."
*BANG!*
"Bunso!" ringig kong sigaw ni kuya. Halos kainin na ako ng lupa sa mga oras na yun. Ramdam ko yung pawis ko na nagsimulang tumulo ng todo. Sunod sunod rin ang paglunok ko.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Ang lakas ng t***k nun.
Nakita ko si Kuya na tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Muli ay nakita kong nakatutuk nanaman yung baril sa amin---Kay Kuya Brenth.
"Dalawa ang bala nito Hernendez, ang isa ay para diyan sa pader" napatingin nga ako sa sementadong pader ng bahay sa aking likuran. Dun pinatama ng lalaki yung balang akala ko ay para sa akin. "At ang huli ay para sayo.."
At itinutuk niya nga iyon kay Kuya. Si kuya naman ay pansin kong may kinukuha kung saan sa may pantalon niya.
"Paalam.." may nakakatakot na tonong sabi niya. "Sayo.."
"Aaaaaaaaaa!"
*BAGGGGGGGGGG!*
Nagulat ako nang makitang nahulog nung lalaki yung baril niyang hawak. Tumilapon yun malapit sa amin!
Pero ang pinagtataka ko ay ang nang yare sa kamay niya. May bagay na tumusok sa kamay niya!
"Boss.." ringig kong sabi ng kasamahan niya.
"Hayop ka!" sigaw nang lalaking nasa unahan sabay bunot sa bagay na tumusok at tapon sa kalsada! "Pagbabayaran---"
"Hindi niyo nga ako napatay ngayon.." biglang ngiti ni Kuya. "Kayo ang humanda pag di niyo ako tinigilan"
Biglang nawala yung tensyon sa pagitan namin ng biglang may tumunog na wang wang!
Mula sa malayo ay kitang kita ko ang kulay ng sirena ng Police Mobil. Siguro ay may nagreport o kaya naman ay may nakaringig sa putok nang baril.
May malapit rin kasing Police Station dito sa amin.
"Buysit!" sigaw ng Driver ng motor. Muli siyang tumingin sa amin—Sa akin. Binigyan niya ako nang kakaibang tingin.
Tingin na parang gusto niya akong patayin. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"Hindi pa tayo tapos Hernandez!" sabay paharurut nila sa motor. At ang lakas ng loob nilang salubungin ang mga Police!
Sa sobrang bilis ay nasalisihan nila ang Polisya, agad naman umikot din ang police mobil at muling hinabol yung motor.
"Tara na" si Kuya Brenth na agad tumayo at may pinulot sa kalsada. Pinunasan pa niya ito ng panyo niya sabay bulsa.
"Kuya anu yan?" tanong ko sa kanya.
"Wag nang maraming tanong.." siya sabay lapit sa akin. "Kalimutan mo na itong nangyare" sabi pa niya.
Agad siyang puma-una sa akin.
"Kuya.." tawag ko sa kanya. Agad din siyang tumingin sa akin. "Yung Baril?" turo ko sa baril na nakatapon sa kalsada.
Muli siyang lumapit at pinulut yung baril. "Isasaule ko ito sa kanila" seryosong sabi niya. "Kasabay ng pagkawala nitong balang natitira ang pagkawala ng buhay ng tarantadong yun" sabay tago niya sa baril sa kanyang beywang---Parang alam niya kung saan yun ilalagay.
Parang hindi si Kuya Brenth ang nasa harap ko. "Diba pinapauwe na kita?" tanong niya sa akin habang naglalakad kame pabalik.
"Ano kase kuya.." wala akong maisip na isasagot.
"Paano kung may nangyare sayo?!" nagulat ako ng biglang sumigaw siya ng mahina.
"Wala namang nangyare sakin kuya" sagot ko.
"Ngayon wala.." inis na sabi niya. "Pero paano kung balikan tayo nang mga yun?" sabay buntong hininga. "Sabihin mo agad sa akin kung may kakaiba kang nararamdaman sa paligid mo"
"Kakaiba kuya?"
"Kung may sumusunod sayo.." sabi niya.
"Bawal ka narin magpagabi.." habol pa niya.
"Pero kuya.."
"Kung may gagawin kayong Group Project sa bahay mo sila yayain" sabi pa ni Kuya.
"Kuya.. kase.."
'Pati si Kuya Brenth pinagbabawalan na rin ako..'
"Yun ang usapan Dennis.." si kuya na seryosong humarap sa akin. "Sakaling gabihin ka man kung saan.. Susunduin kita--- At kaylangan mo akong hintayin. Kaylangan mong sumunod bunso.." sabay sapo sa kanyang sariling mga noo. "Naiintindihan mo ba Bunso?" tanong niya ulit.
"Opo Kuya.." malungkot na sagot ko.
"Nag-aalala lang ako, hindi natin alam kung sino ang mga yun" muling pagsasalita niya habang patuloy sa paglalakad. "Wala dito si Ganny para, protektahan ka.." nagulat ako nang ngumiti si Kuya sa akin.
Hala..
"Kuya.." nahihiyang sabi ko.
"Di ko parin mahigop sa isipan ko na, magsyota kayo nang lokong yun"
'Hala si Kuya Oh!'
"Kuya!.." inis na sabi ko sabay hinto sa paglalakad.
Huminto rin siya at tumalikod. Tapos lumapit sa akin—Inakbayan ako. "Kunwari ka pa, gusto mo rin naman"
"Luh.."
"Uy nagbablush.. Hehehehehe"
"Kuya naman eeee"
"Tara na nga Ms. Mendez" pang-aasar pa niya. Ewan ko ba parang nalimot agad ako dun sa nangyare kanina. Si kuya kase ee tinutukso ako kay Krab.
Hmmmmm I miss Krab so Much.
*****
[] 4:30 pm (Monday) []
Kinabukasan ay nagkaroon na nang kuryente sa buong subdivision—Sa wakas tapos na ang kadiliman dito sa bahay!
Pero di ko parin talaga makalimutan yung kakulitan ni Kuya Brenth sa akin. Andame niyang tanong kung bakit daw ako silahis Hahahahahahaha.
Ang awkward talaga!
Buti nalang at naka-uwe kame sa bahay nang ligtas at wala nang maraming tanong mula sa iba naming Kuya's.
Pero naiisip ko parin yung kagabi. Sino yung mga lalaking yun? Bat kilala nila si Kuya Brenth? Bat nila ginagawa yun?
Tsaka bat ang galing makipaglaban ni Kuya Brenth?
Hayyssssssssssst nu ka bah Dennis kalimutan mo na nga yun! Buti nalang di na kame hinanap nung mga pulis.
Habang naghihintay ng Jeep pauwe sa bahay ay kinuha ko yung cellphone ko at chineck kung may bagong chat ang Krab ko.
Pero wala. Kaya binasa ko nalang ulet yung chat niya sa akin kanina.
---
I Love you Baby Krib. Good Morning dyan. Muah Muah. Miss you so Much. Wag ka mag-alala sa next Saturday at Sunday mag chachat at mag skype tayo magdamag.
Miss mo na ba ako? E yung tutut ko?
Hehehehe
Love you Krib ko.
---
Pero last weekend busy daw siya kaya di kame nagkachat magdamag. Tsaka ako rin naman Busy rin.
Sana pareho kameng free sa next weekend.
Miss ko na talaga siya.
Si Karim naman ay hindi pumasok ngayon, pati rin si Joey. Ewan ko ba dun sa mga yun, may pupuntahan daw sila ng Bandz nya.
Nye Nye Nye Nye Nye.. Hmmmmp.
"Dame atang iniisip aa.." biglang sabi ng isang pamilyar na boses sa aking Likuran.
'Oh My God.. Matagal kong di na nariringig ang boses na yun'
"Para sayo" biglang may lumabas na paper bag sa aking harapan. Kitang kita ko rin ang maputi niyang kamay.
"Xavier?" sabay lingon ko at nakita ko nga siyang ngiting ngiti sa akin! "Oh My God! Kaw nga" napangiti kong aniya.
"Kunin mo na muna" sabay nguso niya dun sa paper bag.
Agad ko ngang kinuha yung paper bag at sinilip ang laman nun. Pomelo at Guyabano Juice tsaka..
Isang malaking Guyabano!
"Thank you.." nakangiting sabi ko. "Ngayon lang kita nakita" sabi ko pa. "No text ka rin sa akin"
"Bago na number ko, gusto mo kunin" lalong gumada ang katawan niya. Ang gwapo niya ngayon sa School Uniform namin.
"Pwede ba?"
"Oo naman Tropa" nakangiting sabi niya sabay hingi sa cellphone ko. Habang tinatype niya yung number niya ay di ko naman mapigilan ang mapatingin sa kanya.
Bigla tuloy akong may naalala --- Nung time na pumunta ako sa bahay nila, nung kumakain kame ng pinitas niyang mangga.
~FLASHBACK~
"May Bagoong ka Xavy?"—tanong ko na parang isang Amo. Hihihihihi..
"Meron Tropa diyan sa Ref. Yun ba gusto mong sawsawan dito sa Mangga"—Tumagilid naman ako patingin sa kanya.
"Oo.."
"Parang nagliliha ahh.. Buntis ka ba?"
"OO at ikaw ang Ama.."
SABAY YUNG HAGALPAKAN NAMING DALAWA.
Pagkatapos namin pagsaluhan yung mga Prutas ay kapwa kame bumulagta dun sa kama sa loob ng Treehouse.
Magakatabi kameng dalawa..
"Nga pala, kaylan mo balak mag-Sorry sa kanya?"
"Huh?.. Magsorry? Kanino?"—Bigla akong tumingin sa kanya.
"Kay Master.."—Nagulat ako ng binuksan niya ang usapan tungkol dun! parang nabigla tuloy ako at napa-isip kung anong isasagot ko.
"Di ko alammmm.. kitid naman kase ng utak nun ehh"
"Tropa, gumawa ka ng Paraan para magkabati na kayo. Ikaw yung may kasalanan ikaw yung nanakit ng Lubusan"
"Concern?"—Nakangiti kong sagot. Hahahahaha Kakatawa kase ng sinasabi niya. Hmmmm Pero may Point rin naman siya.
"Di naman sa ganun, Siguro kailangan naman ngayon ikaw yung gumawa ng move para magkasundo kayo. Bilang lang sa mundo ang tulad ni Master na kayang mahalin ang isangg tulad mo at alam mo ba isa na ako dun."
"Huyy.. anong nangyayari sayo? Relaks lang.."—Pilit ko siyang pinapatawa. Hala nasobrahan ata to ng Prutas ehh!
"Isang linggo't di pa kayo ayos.. LILIGAWAN NA TALAGA KITA" – Mabilis siyang tumayo at tumalikod sa akin.
"Sige Tropa .. pahinga ka na muna diyan. Balikan nalang kita mamayang hapon. Pag-isipan mo na yung sinabi ko sayo Aaa."—Muli siyang lumingon at ngumiti sa akin. "Sige tulog ka na muna diyan.. Balikan nalang kita maya"—Tuluyan na itong lumabas sa treehouse at iniwan akong nakahiga sa kama. HINDI AKO NAKAPAGSALITA SA MGA SINABI NIYA.
Yung sinabi niya! Nakakaloka! "Isang linggo't di pa kayo ayos.. LILIGAWAN NA TALAGA KITA"
~END of FLASHBACK~
"Isang linggo't di pa kayo ayos.. LILIGAWAN NA TALAGA KITA" bigla kong nasabi nang maalala ko yun.
"Do you remember that line?" bigla akong natauhan ng maringig siyang magsalita.Pagtingin ko ay nakita ko siyang nakangiti.
"Ha?"
"Xavier Pogi" sabay abot niya sa cellphone ko. Dinilatan ko siya ng mata at binigyan ng nagtatanong na itsura. "Name ko sa Contact mo" muling aniya.
"Aaaa hehehehehe"
"Pero seryoso ako nung time na yun" biglang pagsisimula niya sa isang seroyosong usapan. "I don't know.. Pero nagmahal ako sa isang kakaibang pagkatao ng makilala kita"
"Xavier.."
"It's true.. I fall for you for that moment"
'How about this time?'
"Ikaw aaa.. dumadamoves ka nanaman" ako sabay siko sa kanya ng mahina. "Magsyota ka na kase.."
"I Have.."
Bigla akong nagulat ng maringig ko ang sagot niya.
"I Have my own forever now.. Dennis" sagot niya pa.
"Die.."
(Pronounce as Dee)
Isang boses ng babae ang biglang lumitaw mula sa may gate. Agad na napatingin dun si Xavier.
Isang magandang babae na nakasuot ng School Uniform habang may nakapatong na parang sweater na pambabae.
Ang Ganda niya. Kamukha niya si Jasmine Curtis.
"Mie.." tawag naman ni Xavier dito. Nakangiting lumapit yung babae at biglang yumapos sa braso ni Xavier.
'Wow..'
Tapos humarap sila sa akin habang nakayapos sa braso ni Xavier yung magandang babae.
"Dennis meet my Girlfriend.." labas dimple na pakilala ni Xavier sa babaeng katabi niya. "She's Myril.. my forever"
AWWWWW..
"Siya na ba si Dennis Die?" biglang tanong nung babae kay Xavier. Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanila.
"Yes Mie" umalis sa pagkakahawak yung babae kay Xavier tsaka lumapit sa akin na puno ng ngiti. Nagulat nalang ako ng pisilin niya ang magkabilang pisnge ko.
"Youre so cute.." sabay bitaw niya. "Nice meeting you cutie boy" aniya.
"Thanks po.." sagot ko. "Nice meeting you rin po.."
"Ate Myril.." sabi niya. "Wag mo naman ako i-Po.." sabay balik niya kay Xavier. This time ay si Xavier naman yung umakbay sa kanya.
"Ah sige po.. Ate Myril" sagot ko naman.
"Alam mo bang lage kang kinekwento sakin nito?" sabay pisil niya rin sa pisnge ni Xavier.
"Ganun ba? Hehehehe Kuya Xavier talaga.." mapaklang ani ko.
"Pinagmamalaki kita dito na ikaw ang pinakamagaling na istudyanteng nakilala ko dito sa DMA.." bigla akong natouch sa sinabi niya.
"Adik..." sabi ko sabay tingin sa mga jeep.
"Pero sabi ko naman sa kanya siya naman ang pinakamamahal ko nung makilala ko siya" kita kong napangiti si Ate Myril.
'BAGAY SILA'
Hmmmmmmmmm..
"Bolero.." sabay hampas niya ng mahina sa dibdib ni Xavier. "Nabigay mo na ba yung mga Juice at yung guyabano Die?" tanong ni Ate Myril kay Xavier.
"Ah oo Mie nabigay ko na kay Dennis"
"Cutie Boy.." tawag sa akin ni Ate Myril. "Pwede ko bang hiramin muna si Kuya Xavier mo?" tanong niya sa akin.
"Ha? Hehehehe Why not? Tsaka no need to borrow. Kuya Xavier is your Property.. Hehehehe I'm only a Friend"
Ewan ko ba pero ngumiti nalang ako ng peke. Nakita ko naman kay Xavier na parang nagtataka siya sa mga nagiging reaksyon ko.
"Thank you.. So tara na Die" sabay yakap ni Ate Myril sa katawan ni Xavy.
Sakto naman na nag Green Light yung Traffic light sa harap ng School. "I'll Go narin pala.." paalam ko sa kanila. "Thanks for this.." sabay angat ko sa paper bag---Nakatitig lang sa akin si Peter Pan.
'What are you staring at Botanist?'
"And nice meeting you rin Ate Myril.." sabay talikod ko. Pero humarap ako ulit. "Bagay po kayo.." sabay iwan ko ng isang pekeng ngiti. Tumalikod na ako at tumakbo patawid sa kabilang sakayan.
'I Hate you Xavier.. Me and Bonsi will hate you Forever!'
((>____>))
*****
8:30 pm
Pag-kauwe sa bahay ay agad kong inabala ang sarili ko sa paggawa ng mga Assignment.
Madaming gawain kaya dun ko na muna itinuon yung isipan ko. Ayokong isipin si Xavier.
Andaya niya di man lang siya nagpakita ng mahabang panahon tapos mababalitaan ko nalang may Myril na siya!
Hmmmmmmp!
Halos isang Oras na ng matapos ako sa paggawa ng mga takdang aralin. Dito narin ako kumain sa taas nagpadala nalang ako kay Manang ng Tinapay at mga Pritong pwedeng ipalaman.
Inayos ko muna ang mga gamit ko at inis na lumabas sa balkonahe.
Agad kong tinabihan si Bonsi.
"Iniwan ka na nga ng step dad mo.." sabay tingin ko sa bintana ni Threz na wala ng tao. Wala paring kumukuha sa bahay. "Iniwan ka na rin ng True Dad mo!" inis na sumbong ko kay Bonsi na may mga bulb na ng bulaklak.
Nakasimangot akong pinagmamasdan si Bonsi.
"Ayun may babae na siya.." sabi ko pa na parang tao talaga ang kinaka-usap. "Hindi naman ako nagseselos.." paliwanag ko kunwari. "Ang akin lang Bonsi.. sana man lang nalaman kong may Girlfriend na siya.."
Tsk!
"Akala niya naman nasurprise ako!" singal ko pa. "May Forever na daw siya Bonsi.. Hmmmmp.. di ka man nga lang naalala. Di ka man lang kinamusta"
Kakayamot talaga yun!
Super Bestfriend daw kame with Benefit.. Hmmmmmp asan na yun? At sinuhulan pa talaga ako ng mga Juice niya at Guyabano!
Akala niya naman natuwa ako. Nilagay ko nalang lahat yun sa Ref, bahala na kung may lumaklak at lumamon nun.
Nakakayamot talaga!
"Kainis talaga yang Tatay mo Bonsi!" napasipa pa ako sa Grill ng balkonahe. "Di man lang ako kina-usap ng matagal.. di man lang ako INAKAY na kumain man lang sa kung saan.. Di man lang talaga ako Inaka—"
Bigla akong napahinto sa pagsasalita ng bigla kong maalala ang salitang Inakay. Akay?
Shit!
'Oh My God.. Yung usapan pala namin ni Skater Boy!'
Agad ako napabalikwas ng tayo at tumingin sa orasan. 9:45 pm na! Oh may God, anong oras ba yung Akay something na yun?
Isa ka rin Skater Boy!
Bakit naman kase di mo man lang hininge ang cellphone number ko? Oh kaya hingin ang f*******: Account ko para naman sana nagkaintindihan tayo sa usapan!
Paano na ito?
Hindi ko alam ang gagawin para akong timang na paikot ikot sa kwarto. Alam ko na! Isearch ko kaya sa sss ang name niya.
Oo tama!
Agad akong nagbukas ng f*******:. Tinignan ko muna kung may message si Krab. Tsk! Hindi siya Online.
Ano bang buong pangalan ng taong yun? Hmmmm Leeford Jan Lucas. Siguro name niya yung Leeford. Middle name naman yung Jan at Apilyido yung Lucas. Tama! Tama!
Talino mo talaga Dennis!
Sinearch ko yung Leeford J. Lucas.
King Ina! No Result si f*******:!
((>____>))
Ano ba?! Kainis!
Patuloy ako sa pag search gamit ang pag iba iba sa name niya. Binaliktad ko pa nga yung buong name niya ee.
Pero wala talaga.
Hanggang sa inabot ako ng pagod. Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama. Gusto ko ng matulog.
Pero nakatitig lang ako sa kisame at parang natatameme ako. Parang gusto kong umalis at pumunta ngayon sa Malugay.
Paano kung naghihintay siya dun? Paano kung hinahanap niya ako dun? Paano kung Eleven pa naman yung Akay something na yun?
Paano na!
Kaylangan kong Pumunta! Kaylangan kong siputin si Skater Boy. Gasshhhhhhh para saan pa Dennis?!
Pwede namang di ko siya siputin dun. Tsaka di naman talaga kame close. Oo, wag nalang kaya ako pumunta?
Nahiga ulit ako at pilit na ipinikit ang mata.
Pero lumipas ang mga minuto. Hindi parin ako makatulog!
Pumapasok parin sa isipan ko yung usapan namin! Kainis bakit ba kase wala kameng contact sa isat isa.
Hindi ko naman siya itetext mate eee! Hindi ko naman siya iistalk sa f*******:! Ang arte niya aaaa..
Yan tuloy, Ayyyyyyy ewan ko nga sayo Skater Boy! Bakit hindi kita Matiis!
Sa sobrang dame kase ng inisip ko kanina dulot ng nangyari kahapon at ngayon ay parang nadaganan yung usapan naming dalawa.
Pero ito na talaga. Pupunta ako ngayon!
Agad akong bumangon. Hindi na ako nagbihis pa, nakapambahay lang ako—Nakashort, Tsinelas at yung Couple T-Shirt namin ni Krab na bigay niya nung 1st Monthsary namen Hahahahaha.
Dinala ko rin yung cellphone ko.
Pagkalabas ko sa kwarto ay nagulat ako ng makita ko si Kuya Brenth na naglalakad papunta sa kwarto niya habang nagbabasa ng Libro. Shetttt sana di niya ako nakita.
Di ako nito papayagan.
Isasara ko sana ulit yung pinto ng kwarto ng mapansin niya ako. Napatingin siya sa akin.
"Aaa kuya hehehe" Patay paano ako nito ngayon.
"Di ka pa natutulog?" tanong niya. "Maaga pa pasok mo bukas diba?" bigla akong kinabahan sa pagiging seryoso niya. "Take a nap na.. susumbong kita sa syota mo" nakangiting sabi niya.
"Kuya nanaman ee" ako na parang namumula. Pero kaylangan ko talagang umalis, kaylangan kong kitain si Skater Boy.
Mabayaran ko man lang yung pagsagip niya sa akin, sa pamamagitan ng pagiging akay niya sa kanilang kapilya.
"Actually kuya ko.." Sige isip pa more ng rason!
"Aa bunso pwede bang dito ako magbasa ng Libro sa harap ng kwarto mo" bigla akong napakamot sa ulo ko.
"Aaa bakit dito pa kuya?" tanong ko naman.
"Trip ko.." aniya. "Sige pumasok ka na sa kwarto mo at matulog na" may otoridad na utos niya.
Patay..
Wala akong nagawa kundi sumunod kay Kuya Brenth. Para akong timang na naupo rin pasandal sa nakasarang pinto.
Hangang mapagawe ang paningin ko sa balkonahe. Napangiti ako sa kakaibang ideya na pumasok sa isip ko.
'Sorry Kuya Brenth, pero kaylangan ko talagang umalis eee'
*****
Ouchh..
Ramdam ko yung sakit sa gasgas na natamo ko sa pilit na pagbaba mula sa aking balkonahe.
Oo, bumaba ako galing dun sa Balcony ng kwarto ko. Putcha ang hirap pala, kaylangan talaga kumapit ka ng husto sa mga grill na mahahawakan mo at kaylangan dahandahan ang pagtapak sa mga mumunting bubung na naka-awang para di makagawa ng ingay.
Pero nagkamali lang ako ng talon ng nasa may bandang pababa na ako. Kaya natamo ko tong gasgas sa aking siko.
Sakit aaaa..
Now I Appreciate you so Much Threz tuwing umaakyat ka sa Balcony.
((o^___^o))
Kumusta ka na kaya.
Hmmmmmmp ang sakit talaga.
Buti may panyo akong dala, kaya naman tinalian ko yung siko ko. Napatingin naman din ako sa gilid ng bahay, may hagdan pala dito.
Ayos makakabalik ako mamaya kahit di gumamit ng Pinto hehehehehhe!
Agad akong Lumabas sa gate at patakbong tinahak yung sakayan. Bakit ko ba ito ginagawa?
Siguro pasasalamat narin sa pagligtas sa akin ng lalaking yun.
((^____~))
Mabilis akong nakasakay, hindi rin traffic kaya naman nakasampot agad ako sa Malugay St. Kung nasaan ang Kapilyang sinasambahan ni Skater Boy.
Maglalakad sana ako papasok ng mapansin ko ang dagsang taong papalabas dito sa Street.
Shit!
Anong oras na ba? Pagtingin ko sa orasan ng cellphone ko ay nakita kong 10:00 pm na. Late na ba ako?
Napa-upo nalang ako dun sa mahabang bangko na nasa harap ng isang saradong tindahan habang pinagmamasdan ang papalabas na mga IbangRel kasama ang mga naka Casual Dress lang na Akay ata ng bawat sa kanila.
Andito pa kaya siya?
Gusto ko siyang makita, gusto kong humingi ng Sorry. Kasalanan niya rin naman kase eee.
Bakit kase wala kameng contact.
((--____--))
Pinapak na ako ng lamok dito sa inuupuan ko pero wala parin akong makitang Leeford na palabas na dito sa Street.
Mag-eeleven narin aaa..
Buysit naman siya.
Hanggang sa tuluyan nang naubos yung yung mga palabas na IbangRel. Hmmmmmp siguro di ko lang napansin, baka nauna narin siya kanina.
Baka nakita niya ako, pero di niya rin ako pinansin.
'Sorrryy Lucario'
Bago pa ako magkadengue dito sa kina-uupuan ko ay tumayo narin ako para umalis. Naglakad na ako papunta sa labasan nang..
Maramdaman kong may huminto sa gilid ko.
Isang Bisekleta.
"Tss.."
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
*DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
((O____O???))
Agad akong napatingin sa kanya. Grabe eto nanaman yung pakiramdam tuwing dumadating talaga siya.
'Anong nangyare sa kanya?'
Nagulat ako nang makita ang medyo putok na kilay at gilid ng labi niya. Hindi na masyadong maga pero makikita mong galing yun sa isang matinding suntok.
Pero kahit ganun paman ay nandun parin ang kagwapuhan niya.
"Anong nangyare?" tanong ko sa kanya. Gulat din ako ng mapasulyap ako sa kamay niyang may benda rin.
"Paasa.."
Sagot niya na biglang nagpakaba sa aking dibdib. Para akong tangang napatingin sa kanya.
"Kase ano.." magpapaliwanag pa sana ako ng muli siyang umayos para paandarin na ang bisekleta niya.
"Tss.." inis na singhal niya.
"Meow.."
((??o____o??))
'Meow?'
Agad kong hinanap kung nasaan yung pusang nagmiyaw! Laking gulat ko ng makita ko ang isang.. Wowwwwwwww...
Isang napakagandang kulay puting pusa! Ang kapal ng balahibo nito na sobrang puti. Tapos yung mga mata niyang Green ay super Gandang titigan! Nakalagay siya sa isang basket na nakaattached sa harap ng Bike ni Lucario.
Malamig ang titig nito sa akin tulad ng titig ni Leeford sa akin.
"Ang cute ng Pus---"
Bago ko pa sabihin ang mga katagang yun ay bigla na niyang Pinaandar yung Bike at iniwan niya akong mukhang Tanga.
'Paasa'
Muli nanaman pumasok sa isipan ko ang salitang yun. Parang bigla akong nalungkot para akong naguguilty nang husto. Pinaasa ko ba talaga siya?
*****
Tulad ng nasa plano ko ay gamit ang hagdan ay nakapanhik ulit ako sa balkonahe ng walang nakakapansin.
Pero hindi parin mawala sa isip ko yung malungkot na mukha niya na may mga pasa.
Anong nangyare sa kanya? Sobrang nasasaktan ako ng makita ang ekspresyon na yun? Idagdag mo pa ang pagpapaasa ko daw sa kanya.
Sobrang lungkot talaga ng mga mata niya. Pati yung Pusa sa Bike niya, pareho silang may titig na napakalungkot.
Grrrrrrrrrrrr...
Kasalanan ko ba yun?
Hindi ko naman siya Pinaasa aaa! Kung nagbigayan lang kame ng contact sa isat isa .. Eh di sana ayos.
Pero bigla nanaman lumitaw yung mukha niya sa aking Isipan. Diyos ko pleaseee tantanan mo na ako Skater Boy!
Hindi Kita Pinaasa!
Sorry na kung di ako nakarating ng maaga! Pero hindi kita Pinaasa!
Pinilit kong matulog, matagumpay naman dahil kusang sumuko ang katawan ko. Siguro sa sobrang pagod at dameng iniisip na rin.
((x______c))zzzZZZ
*****
Tatlong araw ang Lumipas...
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)