CHAPTER 016

1654 Words
'Sipagan niyo sa pagkoment para sipagan ko rin sa pag Update. Bahala kayo pag tinamad ako. Tsss..' -- TheSecretGreenWriter DENNIS POV Asan na yun? Bigla nalang nawala si Lucario sa tabi ko. Kainis kaya pala wala nang nasagot sa mga tanong ko kanina kase wala na siya. Pero bakit siya umalis? Akala ko kaylangan ko pang bilhan ng shopao yung GF niya! Hindi kaya dahil dun sa nangyari sa jeep kaya biglang umalis si Lucario? Hindi kaya nandiri na sa akin yung mokong na yun? --- Hindi ko naman sinasadya aaa! Tsaka siya pa nga itong puma'unang bumaba dahil sa kaylangan ko pa daw bilhan ng shopao si maulee! Kainis di ako mapakali! Di ko alam kung bakit bigla nalang nawala si Lucario! Eee paano kame magkikita bukas ng gabe kung wala man lang kameng contact sa isat isa. Ano yun pakiramdaman nalang? Aaasa kay Destiny? Tulad ng pagkikita naming dalawang unexpected lage? Kainissssss! Bago man lang sana umalis ang Lucario nayun sana man lang nagpaalam siya sa akin! Pero bigla akong napangiti ng maalala ko ang mga bagay na naibigay niya sa akin, tulad nalang ng Kilig, Akbay, Yakap at yung Unexpected Kiss. ((^____^)) Ihhhhhh parang tanga ka lang Dennis! "Brenth yang kapatid mo sintu-sintu ba?" ??(>____>)—0!! Agad akong tumingin sa nagmamay-ari ng boses na yun! Andito kame ngayon sa loob ng Convenient Store. Niyaya ulit ako ni Kuya na dito na mag snack na muna daw. Pumayag naman ako dahil gusto ko ng maiinom! Pero hindi ko alam na kasama tong hapon na ito dito! Inis ko siyang tinignan. "Bunso oh, niloloko ka ni Teroy.." Kanina ko pa nariringig yung pangalan na yan! Teroy—Sino ba si Teroy! Nang tignan ko naman si kuya Brenth ay dun siya nakatingin kay Hapon na katabi. Si Kuya Gheo naman ay ang kumukuha ng mga order. Libre niya daw ee! Ee di siya rin kumuha. Pagod ako at Badtrip dahil di nagpaalam sakin ang damuhong Lucario nayun. Naiinis talaga ako! Tapos dagdagan pa ng Hapon na tong Pink ang kilay! "Ikaw ata ang sintu sa atin.. wag mo akong idamay sa pink na kilay mo!" inis kong sabi talaga sa kanya. "Bunso.." si kuya na parang pinagsasabihan ako. "Eee kase kuya nung nakaraan pa yan ee.." nakangusong sabi ko. "Tapos sintu sintu daw ako ngayon.." sabi ko pa. "Bat ka kase nasimangot tapos biglang ngingiti mag-isa.." biglang sabi naman nung hapon. 'At ikaw nanaman ang dahilan nun Lucario—Inis ka kase!' "Trip ko lang" sabi ko naman. "Bunso di mo sinabi sakin na nakita mo na pala tong mga kaibigan ko aa" "Kaw din naman kuya di mo rin sinasabing kakilala mo si Naruto" ((O___O???)) – Si kuya Brenth. "Sinong Naruto?" tanong ni Kuya. "Si Miggy Pre Hahahaha" pagsasalita ni Hapon inismiran ko naman—Nabubuysit talaga ako sa kanya! Tsaka siya kase si White! "Kaklase niya pala.." "Ano?" gulat na sabi ni kuya. "Nung First Year ko pa yun kaklase kuya" sabi ko naman. "Akala ko Fourth Year na yun?" tapos bigla silang nagkatinginan ni Hapon. Sabay tawa! "Ha Ha Ha Ha Ha Ha Ha!" ---> Silang dalawa'Mukhang mga tanga! "Pre napag-iwanan na si Miggy, akalain mo yun 2nd year palang yung mokong. Kala ko nagtino na ee" sabi naman ni Hapon. "Talaga bunso classmate mo si Miggy?" si kuya na tinanguan ko. "Minsan kase nung nagpunta ako dun magkasama sila ni Ganny" Si Krab nabanggit ni Kuya! Agad akong napatingin kay White! "Kaya akala ko magkaklase silang dalawa" si Kuya Brenth. Nakita ko namang biglang natahimik si Hapon. 'Oh My God siya na nga si White!' Pero bakit Teroy? "Kuya.." magsasalita sana nun si Hapon ng maunahan ko. Nakanganga na nga yung bibig niya eee! Tingin naman agad sa akin si Kuya. "Bakit Bunso?" si Kuya Brenth. "Sino si Teroy?" Biglang napangisi sa akin si Kuya. "Siya.." sabay turo niya sa tabi niya. "Whiterou.. Whiteroy.. Kaya Teroy tawag namin sa kanya" "Teroy?" sabay tingin ko kay hapon. "Akala ko White ang palayaw mo" BIGLANG TUMAHIMIK YUNG PALIGID.. Napatingin si Kuya Brenth kay Hapon. Si Hapon naman ay nginitian si kuya. "Oh bakit?" si hapon. Biglang lumapit si Kuya Brenth sa kanya at may binulong. – Anong pinagbubulungan nila?! Grrrrrrrrrrrrrrrr! 'Share!' Biglang tumawa yung Hapon! Tapos may binulong rin kay kuya! Lah! Nagbubulungan na sila. "Nakakabakla naman kase yun Brenth" biglang sumibol na yung boses ni Hapon. --- Anong nakakabakla?! Biglang dumating si Kuya Gheo kaya napunta sa inorder niya yung presensiya namin. Lalo na ako, napunta dun sa shopao yung Buong Presensiya ko. Bigla kong naalala si Lucario. Utang ko sa gwapong yun ang buhay ko, salamat din at wala akong sugat. Pero siya naman yung nakasalo. Kawawa naman siya. "Seryoso ata nang pinag-uusapan niyo aa?" biglang bungad ni Kuya Gheo. "Aaa si Bunso kase, di kilala si Teroy" si Kuya Brenth. "Pero kilala niya si White.." biglang nakita kong tumaas ang kilay ni Kuya Gheo. Ngumiti rin si Kuya Brenth. "White Aaa.." si Kuya Gheo kay Hapon na patango tango pa. "Bakit may kakilala ka bang White Bunso?" bigla akong nagimbal sa tanong ni Kuya Brenth! 'Oo kuya kilala ko siya! Siya ay kaaway ng Mahal ko! Kaya yan si Hapon! Umalis alis siya sa daraanan ko!' "Siya?" mabilis na sabi ko sabay tingin kay Hapon. "Siya ang kilala kong White" may tonong sabi ko. "Uy tama na nga yan.. tara kainin natin tong Libre ko" si Kuya Gheo. "Buti dumating ka bunso.." si Kuya Brenth habang kumakain nung Tapa ba yun na ininit lang. "Kase uuwe na sana tong mga to nang wala man lang libre.." sabay nagtawanan silang tatlo. Pero di ko sila inintindi. Andameng tanong sa isip ko. Gusto kong tanungin si Kuya Brenth tungkol kay White. Pero naisip ko na baka mas marami pa siyang maikwentong kaapihan tungkol kay Krab dahil sa Hapon na yan! Kaya kaylangan tahimik nalang ako. Dapat hindi rin ito malaman ni Krab! Tiyak masasaktan yun pag nalaman niyang nakaka-usap ko na ang taong kinamumuhian niya! Natapos naman agad yung munting dinner na libre ni Kuya Gheo. Ako naman pinatakeout ko yung Shopao.. Para sana sayo to Lucario! Ay para pala dun sa Maulee mo.. Napakamisteryoso rin ng isang yun! Nakakayamot. Hanggang magkayayan ng umuwe ay tahimik lang ako. Iniisip si White, si Lucario at si Krab. Hindi rin na ako kumibo sa tatlong magkakaibigan na ito habang sarap sila sa kwentuhan. May mga iba silang pangalan na binabanggit pero di ko kilala. Pake ko ba sa mga yun. Hangang sa labas nung 7 Eleven ay panay parin ang tsismisan ng tatlo. Buti nalang at nakaramdam siguro si Kuya Gheo na nababagot na ako sa kanilang kwentuhan! "Paano ba yan Brenth mukhang kailangan pang magpahinga nitong bunso niyo" si Kuya Gheo patukoy sa akin. "Kaya nga Pre.." "Huy masungit ka ba talaga?" >((--____--))!! Nagulat nalang ako ng biglang bumungad sa gilid ko si Hapon—Tarantadong to! Masyadong Feeling Close! "Anu ba" nakasimangot kong aniya. "Sungit nga oh.." sabi niya pa. "Ewan ko sayo.." lumapit agad ako kay Kuya Brenth na nakasimangot. "Kuya ohh.. nang-iinis nanaman yang si Hapon" mahinang sabi ko kay Kuya Brenth. Inakbayan naman ako ni Kuya. "Sige na mga Pre antok na daw tong Bunso namin" nagsipagkilos naman yung dalawa. At nagulat ako ng binuksan nung Hapon yung isang magandang sasakyan na kulay... PINK? 'What the Heck? Color Pink?' Nauna nang pumasok si Kuya Gheo na sumaludo pa sa amin. Tapos si Hapon naman ay ramdam kong nakatingin sa akin! Tapos kumindat muna to bago pumasok! "Landi!" pabulong na sabe ko. Bumusina muna sila bago tuluyang umalis, yung way nila ay yung papuntang pasay. Ewan ko kung saan talaga yung lugar nila. Pero yung Pink? Hahahahahaha sagwa! Kalalakeng tao tapos pink ang sasakyan. Pero ang ganda nung Auto niya aaa.. "Ganyan talaga si Teroy.." si Kuya Brenth. "Mas makulit pa yan pag mas lalong maging Close kayo" sabay alis ng kuya ko sa pagkaka-akbay sa akin at nagsimula na ulet kameng maglakbay sa napakadilim na Subdivision! Tsk! Brownout paren! Sumunod nalang ako kay Kuya at di na nagsalita pa. Ayoko nang magtanong, ayoko nang may malaman pa tungkol sa Teroy na yun! 'Pink Amputa!' ..((^./. Tahimik kameng naglalakad ni Kuya, mga apat na minuto na ata ang lumilipas nang may mapansin ako sa gilid ng aking mga mata. 'May aninong tumakbo papuntang likod namin!' Bigla akong lumapit ng husto kay Kuya. "Kuya.." mahinang sabi ko. Napatingin naman siya sa akin, pero tuloy tuloy kame sa paglalakad. "May..." naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita. "May tao.." Sabay hinto namin at talikod! Nagulat ako bigla sa nakita ko! Mula sa liwanag ng buwan ay kitang kita mo ang dalawang lalakeng nakatayo sa harap namin ngayon! Naka-itim sila mula ulo hanggang paa! Bigla akong kinabahan ng husto. Naramdaman ko namang pinapunta ako ni kuya sa likuran niya. 'Lord tulungan mo po kame pleaseeee!' Sino tong mga to! LEEFORD'S POV Tss.. Di tuloy ako nabilhan ni Kagat Labi ng Shopao, saan ngayon ako bibili ng pagkain ni Maulee? Di ako nakabili ng pagkain niya sa mall kahapon, pati ngayon dahil sumamba nga ako sa kapilya. Kaninang umaga naman kase ay galing ako sa Espana Station para magpraktris dun ng skateboarding—Kaya di ko naalala si Maulee! Bakit kase nandun ang tatlong yun? Bat magkakasama sila? Ayoko nang mag-isip, ang mahalaga naka-alis agad ako bago lumabas yung tatlo sa Convenient Store. Di ko tuloy nasagot yung tanong ni Kagat labi. Siguro naman alam na nun na dun mismo sa Bakery kame magkikita. Gamitin nalang niya ang Sintudo kumon niya. Buti naman at pumayag na yun. Buti nalang din at bukas pa yung SM Bicutan kaya agad akong bumili ng makaka-in ni Maulee. Ang hilig kainin ng pusang yun ee mga tinapay. Oo, pusa si Maulee kaya natatawa ako sa sinasabi ng batang yun kanina. Girlfriend ko daw Hehehehehe. Tss.. Para ka na talagang tanga Leeford kahit sa isip lang. Nawawala na pagkaseroyoso mo. Dapat seryoso lang. Dapat misteryoso lang. Lumabas agad ako sa mall at mag-aabang na sana ng masasakyang Tricycle sa likuran ng makaramdam ako ng presensiya. Inilihis ko muna ang paglalakad papunta sa madilim na bahagi ng sakayan sa likod ng mall---Nagtago ako sa isang malaking poste. Letse nakasunod parin siya. Lalabas na sana ako sa tinaguan kong poste nang laking gulat ko ng makita ko ang isang taong nakatayo sa harap ko! Balot na balot ng itim na suot ang buong katawan niya. Bigla akong kinabahan ng makita ko ang makintab at matalas na kustilyong hawak niya. Luminga ako sa paligid. Walang tao. "Gusto mo bang magpakamatay?" nakangising tanong ko sa kanya sabay lapag sa pagkain ni Maulee at kay Skyte. "Grabe parin ba ang galit mo sa akin Silver?" Huwag ka nang magulat kilala kitang peste ka! ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! - Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD