CHAPTER 015

2977 Words
DENNIS POV Para kameng mga engot, nakatitig parin sa isat-isa habang nakangiti. +((^___^))+ "Aa sir yung takeout order---" agad na napahinto si Kirby ng makita niya kameng magkatitigan ni Skater Boy. "Nyo po.." pagtutuloy niya habang nakatingin siya sa akin. "Uy Dennis, kala ko umalis ka na" baling niya sa akin. 'Huy Kirby inutusan mo po ako! --- INUTUSAN!' Capital para feel yung inis hehehehehe. !!((U___^))!! "Aa diba nga binigay ko pa order nitong si Sir" seryosong sagot ko kunwari. Si Skater Boy naman ay pansin kong tuwang tuwa sinisilip yung inorder niyang special donut. 'Andame nun! Takaw naman ng lalaking to!' Matakaw? Hmmmmmm.. Pero di niya naubos yung order niya dito sa mesa. "Salamat pala dito.." nakangiti siya kay Kirby --- Hmmmp! Naiinis ako. "Magugustuhan ito ni Maulee" Maulee? "Ah bat di niyo na pala sinasama dito si Maulee?" Ahh parang kilalang costumer na pala dito si Lucario. Pero sino si Maulee? Girlfriend niya? 'Hmmmp! Halata naman Dennis diba? Kase pang girl yung name! Wag Tonto!' "Sige next time na punta ko dito, isasama ko siya" ang gwapo nanaman ni Lucario sa ngiti niyang yun --- Oo nag smile siya kay Kirby. "Miss narin kase nun mga tinapay niyo dito" dagdag pa nito. 'Girlfriend niya nga si Maulee at dito ang Dating place nila.' Sa sobrang gwapo ba naman niya, talagang may mga syota na ang mga ganyang mukha. Tulad kong maganda hehehehehehe may gwapo akong si Krab. ♥♥ ((o^__^o)) ♥♥ Pero bat ganun. Parang nainis ako bigla nanaman ng maisip ko yung Maulee. Tsk! bigla nang naglaho yung mga emoticon na nakangiti sa paligid. – Biglang pumakla yung mga ngiti nito. "Kirby una na pala ako" sabat ko sa kanilang dalawa. "Dennis" tawag sakin ni Kirby nang akmang tatalikod na ako. "Sabay na kayo ni Kuya Jiks, malapit lang din street nila sa inyo" sabay tingin nito sa bahay nila. "Patapos na rin yun" 'Hala! Ayoko nga, baka gahasain ako nun eh!' "Ako nalang ang sasabay sa kanya" Biglang pumito ng mahina yung puso ko! Dahan dahang namumuo yung saya nang maringig ko ang boses niya. "Ano sabay na tayo" 'Hup!' Nagulat ako ng inakbayan niya ako nung kamay niyang may hawak na plastik kung saan nakasilid yung maiinit pang donut! Ewan ko ba parang biglang nag-init yung katawan ko! Di ko alam kung dahil dun sa mainit pang donut o dahil kaya sa katawan niyang nakasando lang na nakadikit sa akin! 'My God!' "Ganun ba?" si Kirby na muli nanamang nagtataka. "Magkakilala kayo?" tanong niya sa aming dalawa. "Aaa Hind---" di ko natapos yung sasabihin ng biglang magsalita si Lucario! "Oo, magkakilala kame" sabay pihit niya na ng tuluyan namin sa harap ni Kirby. "Siya si Dennisaur at ako naman daw si.." tumingin muna siya sa akin, sabay ngiti. –Yay! "Leeford Jan Luc..cario" Parang natatawa pa siya ng sinabi niya yun! Labis ko rin yung kinagulat! Bat niya yun sinabe? Akala siguro nito natutuwa ako! "Sige mauna na keme nitong kaibigan ko" paalam ni Lucario kay Kirby. Ako naman ay di na nakapag-paalam kay Kirby ng pumihit na agad siya kasama ako patalikod—Siyempre akbay niya ako eee. Pero nagulat naman ako nang umalis siya sa pagkaka-akbay sa akin, huminto siya at may kinuha sa bandang gilid niya. Yung Skateboard niya! Gayunpaman, tuloy tuloy parin kame sa paglalakad palabas sa Malugay Street. Andameng tambay na babae na panay ang tingin at papansin kay Lucario. Yung iba nga parang ako pa yung type ee—Ewww lang! Pero bilib din ako kay Lucario, kase nakikita kong wala lang sa kanya yung mga malalanding babae—Wala talaga siyang pake dun sa mga babaeng nagpapansin. "Hanggang ngayon di ka pa rin tapos?" nagulat ako ng magsalita siya, pero hindi nakatingin sa akin. 'Putcha nakita niya ata akong nakatingin sa kanya!' "Tapos ba sa alin?" inis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Na magwapuhan sa akin." – Hala, kapal Oh! "Titig na titig kananaman kase sa akin" "Wow aaa! Laki ng bilib mo sa sarili mo ah pre!" galit na sabi ko. "Bakit Hindi ba?" "Hindi!" inis na sagot ko! – Gwapo ka naman kase, wag mo na kase ako tanungin! Marupok kase ako. Utang na loob naman Lucariooooooo! Bigla siyang puma-unahan sa akin, sabay hinto. Ano nanaman kaya trip nito? Andito na kame sa parteng bungad ng Malugay. May mga tao men! Siyempre dahil nasa harap ko sya, awtomatiko rin akong napahinto sa paglalakad. Bigla siyang humarap sa akin. Tapos lumapit siya! Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Wahhhhhhhh Eto nanaman! Hinihigop nanaman ako ng mga titig niya. 'Buysit!--- Dameng tao dito Skater Boy!' "Isigaw mo nga dito ngayon na hindi ako gwapo Dennisaur" malambing na sabi niya sa akin. Sunod sunod ang paglunok ko! Pakshet na King Ina pa! Andame talagang tao! Wala ba siyang kahihiyan?! "Ahh? Anu ba.." Putcha bat parang hindi ako makagalaw dito sa kinatatayuan ko? 'May kapangyarihan ata tong Lucario na ito eee!' "Ano na?" nakangisi siya. "Oo na.." bumuntong hininga ako. "Gwapo ka na po" napangiti siya. Hayst! ♥♥ ((o^__^o)) ♥♥ Ako naman ay parang kilig na kilig. Mabilis akong umalis at dirediretsong naglakad patawid sa kalsada papunta sa kabilang sakayan. Parang naging puso yung lahat ng nakikita ko sa paligid! King Ina! Parang nahawaan na ako ng sakit ni Deib Lohr tuwing nakikita niya si Maxpein aaa! (Sa mga hindi nakakarelate kay Deib Lohr at Maxpein sila po yung bida sa He's into Her by Maxinejiji na binabasa ni Dennis sa w*****d--- Maganda po yan!) **((^......^))** Parang mga puso na ang nakikita ko. Oh my God! Bakit ganito? Bakit mga Puso? Pwede namang atay, bituka o brain! Pero bakit Puso! Pero agad akong napahinto ng makakita ako ng isang dambuhalang PUSO! Nasa gawing kanan ko siya, papalapit ng papalapit sa akin! Parang dadaganan ako ng Higanteng puso! "Dennis!" para akong nagising ng biglang may sumigaw---- At alam kong si Skater Boy yun. Lilingon sana ako sa kanya, pero bigla akong nakaringig ng malakas na busina! Pagkatapos nun ay bigla akong nasilaw sa isang liwanag! Isang Dambuhalang Truck ang papalapit sa pwesto ko! Hindi ako makakilos! 'Please Truck Huminto ka po..' Naluluhang sabi ko sa aking isipan. Pero patuloy parin yung Truck sa pagtumbok sa aking Kinatatayuan. (T____T) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . LEEFORD'S POV "Ayos ka lang?" tanong ko kay – Ano bang itatawag ko sa kanya? Boy Kagat Labi? Dennis o Dennisaur? Kalokohan mo Leeford! Ewan ko ba para akong nagiging tanga at walanghiya pag ngumingiti sa akin ang isang ito. Lucario? Si Lucario daw ako. Kaylan pa ako naging isang Pokemon? 'Ouch..' Naramdaman kong humapdi yung kaliwang braso ko. Yun kase ang tumama ng tumumba kame dito sa gilid ng kalye matapos kong sagipin tong si Kagat Labi dun sa walangyang Truck. Ang di ko maintindihan bat tinititigan niya lang yung truck kanina? Di kaya nagagwapuhan din siya dun sa Truck? Ganun kase siya pag nagagwapuhan sa akin. 'Tss.. Parang tanga ka lang Leeford kakaisip' Buti nalang talaga mabilis si Skyte. Kaya nasagip ko ng maayos tong si Bata--- Muntikan na siya dun. Ewan ko ba, tuwing ngumingiti't kumakagat ng labi siya ay parang gusto ko ng guluhin ang isipan niya ng mga banat kong pabiro. Nakakatuwa lang kase kung magreact ang isang ito. Napakacute. Sarap biruin. Siya ang kauna-unahang lalaking umamin na nagagwapuhan daw siya sa akin. Hahahahaha. "Uhmmmm" ungol nito habang nakayapos sa akin. ---- Oo, nakayapos siya. Nagulat nalang ako ng yakapin niya ako ng hatakin ko siya sa panganib kanina. Siguro napayakap siya dahil na rin sa sobrang kaba. Pero iba na eee.. Nakayakap parin siya ng mahigpit hangang ngayon sa akin. ((>___>))?? May mga bagay na pumapasok sa aking isipan tungkol sa kanya. Pero ayokong magconclude, kase malay ko bang ganyan talaga siya. Masyadong malambing at pacute sa mga lalaki. Tsss.. Hindi naman siguro siya bading. "Ano tapos ka na ba?" bibiruin ko nanaman siya. Napatingala siya. "Huh?" parang wala itong alam sa nangyayari. "Kung tapos ka na kakong maginhawaan sa katawan kong.." ngumiti ako. "Yakap mo" biglang nanlaki yung mata niya! Hehehe.. "Huh?!" siya sabay bitaw at tayo ng mabilis. "Hala! Bakit ako nakayakap sayo?" nagtataka niyang tanong. 'Kunwari pa amp..' DENNIS POV Grabe! O>____>O Nakakahiya! Akala ko talaga si Krab yung yakap ko kanina, kaya ayoko ng bumitaw! Si krab parang nakita ko siya kanina. ((--___--)) Namiss ko bigla siya. Napasulyap naman ako bigla kay Lucario. Nakatumba siya sa gilid ng kalsada. --- Tapos may sugat siya sa isa niyang braso! 'Anong nangyare sayo Lucario?' "Hala anong nangyare diyan?" turo ko sa braso niyang may sugat. "Tss.." singhal niya habang bumabangon na nakasimangot ang mukha. Parang gusto niyang ipabatid na Alalahanin ko yung nangyari. Ano nga ba yung nangyare? Bakit kame nasa ganitong posisyun? Ting! (Asawa ni Tang!) (^_^) Bigla kong naalala yung Truck! Oo yung truck! SINAGASAAN AKO NUNG DAMBUHALANG TRUCK! "Na....nasagasaan ako nung Truck" nauutal kong sabi sa kanya. "Mismo" seryosong aniya na inaayos ang sarili. "Pati ikaw?" tanong ko sa kanya. "Tss.." siya sabay ngiti. Kinuha niya rin yung skateboard niya at chineck niya ang kalagayan nito. "Nasa heaven na ba tayo?" tanong ko na ikinatigil niya naman. Bigla siyang ngumiti. "Ikaw lang yung nasa heaven" "Huh? Bakit naman?" tanong ko. "Nandito karin naman aa sa harap ko!" "Feeling mo nasa Heaven ka nang yakap mo ako kanina" ((O,,,,,,,,O)) BIGLA AKONG GULAT NA NAPATINGIN SA KANYA! Napatingin rin ako sa paligid---Buhay ako! Pahiya ka nanaman Dennis! Waaaaaaaaaaaaa! Muli akong napatingin sa kanya nang maringig kong magsasalita na siya ulit. "Muntikan ka ng masagasaan nung truck" aniya. "Buti nakita agad kita at sa tulong ni Skyte" patukoy niya sa skateboard niya. "Nasagip kita" Nagulat ako! at Parang natouchh ako ng sobra! Ngumiti siya, sabay tingin sa kalsada. "Pagkatapos.." napangisi pa ulit siya ng bahagya. Abnormal! "Dun muna na nafeel yung langit dahil sa pagyakap mo sa katawan ko" Waaaaaaaaaaaaa! ((+___--)) Bigla tuloy akong nahiya. Napatingin ako sa kalsada. Nagulat ako ng makita yung mga nagkalat niyang donut! At yung iba dun ay durug durug na dahil sa patuloy na pagdaloy nung sasakyan. Bigla akong nakonsensiya. Napatingin ulit ako sa paligid. BUTI WALANG TAO HALOS DITO SA KABILANG SAKAYAN. Kame lang! Kameng dalawa lang! "Sorry" sinsero kong paghinge ng tawad nang muli akong humarap sa kanya. "Yung Donut ng GF mo nagkalat ng dahil sa pagsagip mo sa akin" Parang nagulat siya sa sinabi ko. Pero agad namang bumalik sa pagkaseryoso. "I—ililbre nalang kita" nauutal kong sabi. "I mean bilhan nalang natin yung GF mo ng kahit ano sa 7 eleven sa amin.. sagot ko" medyo kinakabahan kong sabi. 'Bat sa 7 eleven pa? Pwede ka namang bumalik nalang sa bakery nila Kirby Dennis!' Ayoko nga! Baka andun pa yung Jiks ---Ayoko sa lalaking yun. Parang kayang sumira nun ng masikip na p**e eee. "Deal" nakangiting aniya. "Shopao na asado.. Paborito rin yun ni Maulee" 'GF niya nga talaga yung Maulee!' Takte naman ohhh! Bakit ba ako nanlulumo? "Sige" sagot ko naman. O---((O___O))---o Bigla siyang lumapit sa akin tulad nanaman nung kanina! King Ina Yan! "Kanina bakit nakatitig ka lang dun sa Truck?" seryosong tanong niya. 'Dahil sayo! Kase dahil sa kalandian mong lalake ka! naging dambuhalang PUSO ang tingin ko dun sa TRUCK!' "Ah hehehe antok ata ako" palusot ko. "Anong kinalaman nun?" tanong niya na di ko nasagot! "Oo na! Natanga na ata ako" ako na parang di alam kung ano yang mga lumalabas sa bunganga ko. "Kaya sorry na at thank you...." tinitigan ko pa siya bago ko sabihin yung huling salita... "Lucario" matamis kong pagkakasabi. Kasingtamis ng sugar cane hehehehe.. "Di ko kaylangan ng Sorry at Thank You mo" "((--O_____O--))" 'Bigla akong kinabahan..' "Aaa.. ba—bakit naman?" nakatungo kong tanong na nauutal utal pa. "Kagat labi ka nalang" napatingin ako bigla sa kanya! "Magkakagat labi ako?" tanong ko. "Oo" simula niya. "Sobrang bigat ng ginawa kong pabor sayo kaya.." parang natigilan siya sa kanyang sasabihin. 'Yung pagkagat labi ko ba sa harap ng mga gwapo niyang mata ay malaking bagay para sa kanya?' Napangiti naman ako dahil sa naisip ko. o(^......^)o Namalayan ko nalang din na—napakagat labi na pala ako. "Tss.." muling singhal niya na nakapagpatapos naman sa aking pagkagatlabi. "Bibilhan mo pa ng shopao ang girlfriend ko, kaya tara na" Nakatalikod na siya nun sa akin, kaya di ko na nakita pa kung anong reaksyon niya sa ginawang kong lip bite. Gusto ko makita yung reaksyon niya. ((--______--)) ****** Agad kameng nakasakay sa jeep. Kame lang ding dalawa yung lulan. 'Ewan ko ba, lage nalang tayong may moment na ganito' "Ano payag ka na bang akayin ko?" pag-basag niya sa katahimikan sa loob ng jeep. May radyo din naman—Kaso ke papanget ng lumalabas na sound. "Bat ba gusto mo akong akayin sa bahay niyo?" tanong ko sa kanya na may tono ng pagtataka. "Diba kasama mo GF mo dun?" dugtong ko pa. Nakangiti nanaman ulit po siya! 'So Gwapo!' (o^____^o) Aakayin nalang kase ako, kasama pa GF niya! Paano kita niyan masosolo? 'Anu ba Dennis! Bad ka!' "Tss.." napatingin ako sa kanyang may sarkastikong titig. "Bat nga kita aakayin sa bahay kung nandun si Maulee—na ayon sayo ay GF ko" 'Bakit hindi ba? Kunwari pa eee!' "Kaw kaya nagyaya! Hoy wag kang feeling ah!" inis na bulyaw ko sa kanya na halos dumagundong sa loob ng Jeep. "Ang sabi ko, kung pwede kang maakay sa kapilya." seryosong aniya. "Hindi sa bahay" Bigla akong natorete! Parang naglilitawan isa isa yung mga hiya ko! Ngayon lang nagsink in sa akin yung bagay bagay! Oo nga pala! IbangRel siya at inaakay niya ako sa Kapilya nila! 'Sa kapilya ka pala inaakay Dennis! Hindi sa Bahay niya! Tonto! Tonto!' Ang layo ng Kapilya sa Bahay Dennis! ISA AKONG MALAKING ASSUMINGGGGGGG! "Aaa hehehe yun pala" nahihiyang sabi ko. "Oo naman.. hahahaha Why not?" parang engot kong sabi. Tapos umiwas na ako ng tingin sa kanya. Tumingin nalang ako sa bintana at sumulyap sa may labas. MOVE ON! MOVE ON! Lalong tumahimik yung paligid. Parang ayoko muna makita siya—Sobrang nahihiya na talaga ako. Hanggang sa biglang may magandang sound na lumabas sa stereo ng radyo. [PLAY "Pag-ibig" by Spongecola for Imaginary PURPOSES] ♩ ♪ ♬ Gumaganda ang paligid Kung bawat tao Ay puno ng pag-ibig Napapawi ang pighati Bigla kong naringig yung pagtuktuk niya ng bahagya sa skateboard niya sa bakal na sahig ng jeep, tila sinasabayan niya yung tono ng kanta 'Maganda yung song' ♩ ♪ ♬ Masilayan lang ang iyong ngiti O kay gandang isipin Ang isang mundong puno ng pag-ibig Titingin sana ako sa kanya ng bigla siyang tumabi sa akin! Kumabog ng mabilis yung dibdib ko. *LUNOK!* *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ "Ang tahimik mo ata?" biglang pagsasalita niya. Nasa gaweng kanan ko siya' medyo sa likod ko. "Sabi ng kanta ngumiti ka daw" iwas tingin parin ako sa kanya! "(O____o)" 'Pesteng kanta! Bat ngayon pa?' ♩ ♪ ♬ Oh, oh, oh, oh Oh, oh, oh, oh Oh, oh, oh, ohhhh Oh, oh, oh, oh Oh, oh, oh, oh Oh, oh, oh, ohhhh "Alam mo ba tuwing nakikita kitang ngumingiti.. gumaganda yung paligid ko?" *LUNOK!* *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 'Ako naman nagiging City of Heart ang paligid ko tuwing tumititig ka sakin Lucario!' Tumabi pa si Lucario sa akin ng husto! Waaaaaaaaaaaa! *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ ♩ ♪ ♬ Parang isang bulaklak Na ka'y ganda Na inabot mo Sa iyong sinisinta "Ngumiti ka na" nagulat ako ng paharapin niya yung mukha ko sa kanya! Pagkatapos ay biglang niyang pinangiti yung mga labi ko gamit ang malalambot niyang mga kamay! "Yan gumanda na ulit ang paligid ko" *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ *DUG!*DUG!*DUG!* ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ Napangiti ako ng ubod ng tamis. Pero biglang nabawe yun ng lungkot ng mapasulyap ako sa braso niyang may sugat. 'Ng dahil sa akin, nasugatan yung braso niya' ♩ ♪ ♬ Ang iyong nilaan na pagmamahal Ang dulot nito ay tunay na ligaya Pag-ibig na ang susi Nararapat lang ibahagi (Ibahagi) Ewan ko ba, nakita ko nalang na yung kamay ko ay napahaplos na ng marahan sa bandang braso niyang may gasgas. "Sorry.." bumuntong hininga pa ako. "Ng dahil sakin nagkasugat pa tuloy yung braso mo" "Gamuntin mo nga" biglang sabi niya. 'Gagamutin ko????' "Paano?" tanong ko. "Ikaw paano ba?" EWAN KO BA! PERO NAGIGING SERYOSO MASYADO YUNG PAGITAN SA AMING DALAWA! Napabitaw ako sa braso niya, tumalikod na ako sa kanya at humarap nalang sa pwesto nung driver. Ayoko ng ganito. >|>____>)) 'Change topic na nga lang! Tanungin mo nalang siya Dennis kung saan kayo magkikita sa Malugay bukas ng gabi!' Aktong lilingon na ako para tanungin sana siya nang.. "Aahh sa—" biglang naputol yung sasabihin niya nang! Waaaaaaaaaaaaa! NAKISS KO SIYA SA GILID NG LIPS NIYA! ((O____O))!! ((♥^____^♥)) Sheeeeeeeeet! ♩ ♪ ♬ Gumaganda ang paligid Kung bawat tao Ay puno ng pag-ibig Napapawi ang pighati Masilayan lang ang iyong ngiti O kay gandang isipin Ang isang mundong puno ng pag-ibig Nakita ko agad yung mga puso! Mga pusong kinakabahan! ((~O____O~)) ♥♥♥♥♥♥♥♥♥ Para silang mga kiti kiting malilikot na lumilipad sa paligid namin! ♩ ♪ ♬ Oh, oh, oh Isang mundong puno ng pag-ibig Oh, oh, oh Isang mundong puno ng pag-ibig Oh, oh, oh Isang mundong puno ng pag-ibig Oh, oh, oh "Ang isang mundong puno ng pag-ibig" Napasabay yung puso at isip ko sa huling lyrics nung kanta. Agad akong napa-alis! Medyo tumagal yung dampi ko sa gilid ng labi niya! Actually parang sa pisnge niya ako nakakiss pero may bahid konti ng Lips niya! HINDI KO PO SINASADYA! Ewan ko ba bat parang ngayon lang kame nagising ng tuluyan. Pareho kameng gulat sa nangyare. "Sorry" sabay naming sabi sa isat isa. Napakunot yung noo niya. Napa-iwas naman ako ng tingin! 'Malapit na sa Subdivision!' Hanggang sa may mga sumakay ng mga pasahero. Muling tikom yung presensiya namin. Pero magkatabi parin kame! Pero Grabe.. Ang lambot ng Lips niya! Kahit Gilid lang! Parang piraso ng isang dalandan na seedless! Tapos yung pisnge niya eee sobrang bango at lambot din! .. My God malapit na! Kita ko na yung 7 eleven. 'Aalukin ko pa ba siya? Patay ang awkwarddddd!' "Para ho.." ((!!O_____O!!)) Nagulat ako ng siya yung pumara! "Tss.." siya na puma-una nang bumaba nang huminto yung jeep. Tameme nanaman ako! 'Ano kayang nasa isip nito ngayon?' "Hala..." nagulat ako ng bigla niya akong hatakin patayo't papunta sa pinto nung jeep. Sheeeettt di pa pala ako kumikilos mga men! Hawak niya yung kamay ko at inalalayan niya ako bumaba sa jeep na umalis rin agad. Binitawan niya rin yung kamay ko. *HINGA NG MALALLIM!* "Siguro naman payag ka ng maging Akay ko bukas.." aniya. DI AKO MAKATINGIN! "Marami na akong naipadama sayong..." AGAD KO SIYANG PINIGILAN SA SASABIHIN NIYA! "Oo na! Ako na akay mo bukas!" agad kong hinatak yung kamay niya patawid sa may 7 Eleven. Binitawan ko rin agad siya nang marating namin yung harap ng Convenient Store. "San ba tayo magkikita bukas ng gabi?" biglang tanong ko --- Pero walang sumasagot! KAINIS NAMAN TO! ((>____>)) Ang awkward na nga ng feeling ko ee, tapos siya di pa sumasagot! "Pasok na nga tayo! Para mabilhan natin ng Shopao yung GF mo!" inis na sabi ko! 'Talagang may galit Dennis?' Oo kase ninakawan niya ako ng Halik! Ako na yung unang naglakad. Papasok na sana ako ng bigla kong makita si Kuya Brenth! At Wahhhhhh! ((>____O!!)) Bakit kasama niya yung pesteng Hapon na yun?! Pati si Kuya Gheo! Palabas na silang tatlo sa loob ng 7 Eleven. Bigla silang napatingin sa kinatatayuan ko! Iba yung titig nila! Parang gulat na gulat! At parang hindi sila nakatingin sa akin, kundi sa katabi ko--- Kay Lucario! ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! - Green Shadow (TheSecretGreenWriter) pY=
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD