LEEFORD'S POV "Nasa likod mo" Namalayan ko nalang na kinakabahan na ako ng sabihin yun ni Kagat labi ng buong tapang. Kaya naman dahan dahan akong tumalikod para tumingin. Pagtingin ko ay.. Nayamot ako bigla ng wala ako makitang tao sa likuran. Mabilis akong napapihit paharap ulit sa kanya. !(x_x)! Nakita ko yung ngiti sa mukha niya. "Hahahahahaha.." tumatawa ito at napapahawak pa sa tiyan niya sa sobrang hagalpak. "Naduduwag ka noh?" sabi niya. "Sinungaling" mahinang sabi ko. "Aminin mo na kasi, wala pa nga yung boyfriend ko parang nanginginig kana jan" aniya sabay tawa ulit. Seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya? "Totoo lucario, mas gwapo sayo ang boyfriend ko" nakangiti ulit niyang sabi. "Siguro mabait ka lang tignan" sabi niya. "Hahahahahaha" Anong! "Tss.." sabay talikod

