DENNIS POV Pagkatapos kong bumaba sa kotse ng gagong yun ay mabilis niya itong pinaharurot. Dito talaga sa tapat ng 7/11 niya ako ibinaba. Dala ko ang paper bag at puno ng ngiti ang aking mga labi. Medyo may panlalabo ang paningin ng kanang mata ko. Di ko na iniindi kase ramdam ko narin ang pagod, at masaya rin ako dahil sa nangyari ngayon. Pumasok muna ako loob ng convenient store upang tignan ang mukha ko. Pagkatapos ko nga makapanalamin dun sa loob sa salamaing nakalagay sa bandang taas ng 7/11 ay muli nanaman akong napangiti. Gago talaga ang lalaking yun. Agad kong kinuha yung halfmask sa paper bag ko at sinuot ko yun. Napatingin sakin yung isang staff ng 7/11. "Ano po sa inyo sir?" tanong niya. Nginitian ko lang siya sabay labas na. Siguro nagtataka siya kung bakit ako nakamaska

