CHAPTER 050

1195 Words
'Pag makakuha agad ng 50 Reader Individually Opinion tong Chapter 50, update ko agad yung next.. Pero pag di umabot till 2 hour... Next time nalang' DENNIS POV Naglabasan yung mga classmate namin dahil sa nangyari. Ganun din yung ibang sophomore na malapit sa room namin. Muling humarap sa akin si Miggy at hinila ako papasok sa classroom. Huminto siya sa harap ni Karim. "Anong sabi nung mga bituin?" maangas at nakangiting tanong ni Naruto kay Karim. Pero sinamaan lang siya nito at nag f**k you sign pa kay Miggy. Medyo may dugo si Karim sa mga labi niya. Nang iginawi niya ang tingin sa akin ay agad akong umiwas. Mabuti nalang naglakad na si Miggy papasok kaya nakapasok na kame sa Room. "Tapos na yung Ninja fight.. talo si sasuke" gulat ako ng magbiro siya sa room. 'Adik na to nakuha pang magbiro!' TAPOS NAGTAWANAN YUNG MGA MONGOLOID KONG MGA CLASSMATE. Eh di Wow! "Anong nangyari sayo?" dinig kong tanong ng pamilyar na boses sa may labas. Muli akong lumingon at nakita ko si Joey na kinaka-usap ang syota niya. Bigla akong nakaramdam ng takot ng tumingin siya sa akin. Mukhang badtrip naman siya. Ang sama ng tingin niya sa akin. Agad niyang inalalayan si Karim at dinali ito sa di kalayuan parte ng room tapos nag-uusap sila. Yung iba namang chismoso't chismosa ay nagsibalikan na sa kanilang mga gawain. "Umupo ka na pilay.." si Naruto na pinaupo ako sa tabi niya. Makapilay naman to wagas.. Sinunud ko na nga lang siya. Naupo nalang ako, pero tumunganga sa blackboard. Naiinis na ako sa mga nangyayari, bat parang ang komplikado na ng buhay ko? Hindi tulad dati. Puro kilig, may sakit man pero naeerase parin dahil sa kapangyarihan ng love. Eee ngayon di ko na alam, nalilito ako! Napahawak nalang ako sa ulo ko, tapos napayuko sa may sahig. Tagal naman ng Teacher namin. Tsk! Inaantok na tuloy ako. (--_____--)zzZZZZ ****** "Huy.." naalimpungatan ako ng biglang may yumugyug sa akin! Pagtingin ko ay wala ng tao sa classroom! "Puyat ka ba?" biglang salita ng nakatayo sa gilid ko. Pagtingin ko ay nakita ko si Naruto! Hawak si Maulee! ((O____O))!! Si maulee naman ay parang ang saya saya sa pagbuhat sa kanya ni Naruto. "Paano mo siya nakuha?" pagtingin ko ay bukas na yung bag ko. "Sabi rin sa akin ni Brenth may dala ka daw na pusa." siya na kinakamot kamot pa ang malanding si Maulee sa may leegan nito. "Eh nagtataka nga ako kanina kase di ko makita.." kwento niya. "Ehh kase nga nasa loob ng bag ko yan.." "Hehehe buti nga gumalaw galaw yang bag mo, tapos naalala ko rin na may pusa ka nga palang dala sabi ni Brenth" "Salamat.. pero sana pinabayaan mo nalang yan dito" "Gago ka rin noh?" "Para naman mabawasan siyam na buhay niyan" pagbibiro ko sa kanya. Tumawa naman siya. Tapos si maulee sinamaan ako ng tingin. "Bat wala na sila?" tanong ko kay Miggy patungkol sa mga kaklase namin. "Hindi dumating teacher natin.." siya na abala kay maulee. "Pati sa math?" tanong ko. "Uy.. balik mo nga yan dito.." sabi ko sa kanya. "Baka may makakita.. mapagalitan tayo" sabi ko. "Hindi rin ee.." siya na binuksan yung jacket. "Dito nalang siya sa loob ng jacket ko hehehehe" NAPANGIWI NAMAN AKO SA IDEYA NIYANG YUN. "Yan Oh.. galing ko talaga" Ang cute ni Maulee habang nasa loob ng jacket ni Naruto para silang Kangaroo! "Tara na.." biglang pag-aya niya sa akin. "Saan?" "Sa canteen.. Lilibre kita" bigla akong naexcite. "Kawawa ka naman ee" aniya. "Naglalaway ka na ohh.." Agad naman akong napahawak sa bunganga ko. Sheetttt! Tulo laway ata akong nakatulog! "Sus..Tara na.." siya na pumauna na sa paglalakad. 'Ang Bait mo ata ngayon Naruto!' "Hintay lang!" ako na kinuha narin yung bag ko at sumunod na sa kanya. Buti nalang matulungin tong kaibigan ni Kuya Brenth. Siguro utusan rin siya ni Kuya Brenth nuon? Hehehehehe.. ***** Pagdating nga sa canteen ay agad kameng nakahanap ng lamesa. Panay tingin ko sa paligid, mahagilap ko man lang sila Louie. Pero wala eee.. Peron nakasalubong namin kanina si Joey at Karim na magkaholding hands, pabalik na ata sa building. Di na talaga ako pinapansin ni Joey. (U___U) Si Karim naman ay halatang galit, nakayuko lang siya kanina. Kaylangan ko pa siyang maka-usap, kaylangan maging matagumpay ang plano ko. Papatunayan ko kay Krab na wala talaga akong kasalanan. "Sige diyan ka nalang.." si Miggy na biglang tumayo. "Ako na oorder.. anong gusto mo?" Pero mas napabaling ako kay maulee. Sinenyasan ko si Naruto na iwan nalang dito si Maulee! Lobong lobo kase jacket niya eee! "Okay lang to..Pabayaan mo na" pagmamatigas niya. "Ako bahala" sabi niya naman. "Ano nalang gusto mo?" "Si Krab.." Huhuhuhuhuhuhuhu ano ba tong nangyayari sa akin! Namimiss ko nanaman si Krab ko. "Huh?" parang nagtatakang tanong niya. "Sabi ko ginataang crab.." palusot ko. "Meron ba nun?" "Hmmmm pag wala?" "Kahit ano, basta libre hehehehe" nakangiti naring sagot ko. "Sige.." siya sabay alis na. NAISIP KO LANG LAHAT NG NAKAKAKITA KAY MAULEE NAAKIT NIYA. TSK! TINATALO NA TALAGA AKO NG PUSANG TO SA KALANDIAN! Siguro pag sila lang ni Lucario naglalandian sila? OMG baka pinasusubo ni Lucario yung ano niya! Baliw! Bat lucario nanaman ba Dennis nasa isip mo?! Kaya sayo nagagalit si Krab eee.. makati ka kase! Puro imagine sa mga lalaki! Eh anong magagawa ko? Gusto ko sila! Pero Si Krab ang mahal ko! Oo mahal ko si Krab! Sila naman gusto lang ng mata ko! Si Krab mahal siya ng Puso, Isip at Katawan ko! KAINIS! HINDI PARIN KAME BATI NI KRAB, HANGGANG KAYLAN KAYA TONG AWAY NAMIN? Tapos nakikisabay sa kainisan ko tong lamesang pinagkainan na di man lang inayos. Kaya naman nung may makita akong Janitor ay agad kong sinenyas tong lamesa namin. Siguro babalikan niya nalang, kase may dala din siyang mga pinagkainan. Kinuha ko muna yung cellphone ko at muli akong nagbukas ng messenger. Pumunta ulit ako sa Conversation namin ni Krab na nakaka-sakit parin pag basahin mo yung mga message niya. ..... Krab ko, please may gusto akong sabihin na mahalaga. (Sent!) . . . . . . . . . . . . SEEN (X,,,,,,,X) Online talaga siya tapos siniseen niya lang ako. ..... Krab please nagmamaka-awa ako. May gusto akong gawin na magpapatunay na nagsisinungaling si Karim! (Sent!) ...... Alam ko namang si Karim ang nagkakalat sayo ng maling impormasyon ee! (Sent!) . . . . . . . . . . . . SEEN Malungkot kong tinignan yung message kong siniseen lang ni Krab. Naramdaman ko naman bigla na may nag-aayos na sa lamesa. I Think patapos na siya nun at parang nagmamadali. Kaya tumingin ako sa kanya. Tila naawa ako ng makita ang itsura niya. Nakasuot siya ng uniform ng janitor, tapos parang ang dungis niya na. Tapos yung buhok niya parang di man lang naayos. Hindi siya nakatingin sa akin, dun lang siya nafocus sa ginagawa niya. Kita kong naiilang siya sa akin. Medyo kinabahan din ako ng makita ko siya, pero yung galit ko sa kanya parang naglaho lahat. BIGLA AKONG NAAWA. Nang matapos ilagay dun sa dala niyang sisidlan yung mga kalat ay mabilis niyang pinunasan yung lamesa. Tapos may liquid pa siyang nilagay dun na nagpabango sa pwesto, tapos pinunasan niya ulit. Nakatitig lang ako sa kanya. Hanggang sa matapos siya. Tapos tumalikod na para umalis. Pero di ako natiis tumayo ako at tinawag siya. "Teka lang.." HUMINTO RIN SIYA. "Kumusta ka na?" bigla nalang nabitaw salita ng bibig ko. Nageexpect akong haharap siya sa akin at sasagutin ang tanong ko. Pero nakayuko itong tumuloy sa paglalakad palayo sa akin. Bigla akong napa-isip? Nag-aaral pa ba siya? Ang alam ko kase di naman inalis yung scholar niya eee.. Pero bat ganun ang itsura niya ngayon? Nakaka-awa. ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! - Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD