CHAPTER 049

1340 Words
Note: Kumokonti yung Comment aaaa.. baka TAMARIN nanaman ulit ako sa pag Update. Bahala kayo. 'Less Comment.. No Update' DENNIS POV Pagkatapos ng panlalandi sa akin ni Xavier dun sa Botanical Garden ay inihatid niya rin ako agad sa room. Ay mali, inihatid pala nila akong dalawa. Sino pa ba yung isa? Eh di yung Girlfriend niya. Nakasalubong namin siya kanina ni Xavier sa may papuntang canteen kasama mga kaibigan nito. Di man lang nagtaka yun kung san galing ang boyfriend niya, tapos di man lang nagselos. And that moment, masasabi kong mas masaya si Xavier kay ate Myril. Kitang kita ko yung mga puso sa mata niya, tapos yung dimple niya laging nakalabas, tapos ang laki pa ng ngiti. Si Ate Myril naman napakabait at very supportive sa Boyfrioend niyang malandi. Anyway masaya narin ako para kay Xavier, alam ko rin naman ginawa niya lang ang lahat kanina para mapasaya lang ako. At dun nga ay nagtagumpay siya. Hehehehe pero di ko parin makalimutan yung usapan namin kanina. Balang araw Peter Pan, gusto ko makilala si Forest. Para sakin anak ko narin siya kung matupad man yun, kung sakaling Forest ang ipangalan niya. Hahahahahaha ano ba tong iniisip ko anak anak na tong nasa kukute ko. Pagdating nga sa Room ay late ako, pero marami kameng late kase wala parin naman yung iba. At wala parin yung taong gusto kong maka-usap ngayon. (>____>) Wala ring teacher sa room ang nandun lang ay yung mga kaklase ko na di ko pa halos close. Pero hinanap ko si Kirby dahil friendship ko narin yun. Agad ko naman nakita ang loko andun siya sa tabi ni... Tsk! Nasa tabi nung mayabang na si Dwife. (--____--) Traydor ka Kirby! Nakikipagkwentuhan siya dun sa mayabang na yun? Eh alam niya namang nayayabangan nga ako diyan sa lalaking yan. Tapos nakwento ko pa sa kanya! Hala, baka naman ichismis niya kay Dwife yung pinagsasabe ko. Haist! Ewan ko sayo Kirby. Tsk! Okay sige wala akong magagawa kung makipagkaibigan siya diyan. Atleast tapos na kame dun sa Project sa AP! Wala na kong kailangan sa kanya. Dirediretso akong naglakad papunta sa upuan ko at naupo na ako dun. Ano ba dapat klase namin ngayon? Agad kong tinignan yung Schedule. FILIPINO (8:30 am – 9:45 am) Ah kaya naman wala pa si Teacher. Eto na yung Final Schedule, last week kase paiba iba pa. Kaya angulo nila e! Ang mahala di pa talaga ako late. Hehe.. Nakakapanibago talaga dito sa Classroom, namimiss ko na si Threz, Billy at si Louie. Anong section ba si Louie at Billy? Bat parang di na ata sila nagpapakita sa akin? Naka-upo ako nun ng maramdaman kong may gumagalaw sa bag. (O_____!) Si Maulee nga pala! Agad akong tumayo, halos magsitapunan yung mga upuan dahil sa pagtayo ko. Sheeettt nakagawa pa ako ng eksena. Napatingin ako sa kanilang lahat sabay peace sign. "Ay.. sorry" ako sabay labas tapos binuksan ko yung bag at sinilip si Maulee. Oh My God! Pagtingin ko ay nakahinga ako ng malalim dahil nakita kong buhay pa ito. Pero halatang nahihirapan na siya! "Hala sorry.." ako na tumitingin sa paligid. Baka kase may makakita. "Meow.." Gusto sana nitong lumabas pero pinigilan ko. "Diyan ka lang aa.. bubuksan ko nalang ng bahagya yung zipper para makahinga ka ha?" pag-kausap ko sa kanya. SIYEMPRE KAYLANGAN NIYANG PUMAYAG! Hinaplos haplos ko nalang ulo niya para naman bawe dahil sa pagkakulong niya sa bag. Sa sobrang kalandiin kase ni Xavier di na tuloy kita naalala. "Basta maya pag-uwe.. andun yung mga kuya ko, landiin mo nalang sila aa?" sabi ko sa pusa. "Meow.." 'Okaytnxbye..' sabi niya. "Sinong kinakausap mo?" agad kong naisara yung bag. Pakshetttt dameng mga abala sa buhay. "Kanina pa kita hinahanap.." sabi niya. PAGTINGIN KO AY NAKITA KO SI NARUTO! Ano ba to, may gwapo nanaman sa harapan ko. "Oh bakit mo naman ako hinahanap.." tanong ko sa kanya. Grabe, lalo atang gumagawapo tong si Miggy. Nakajacket nanaman siya na yung parang suot ni Naruto habang kita ng konti yung School Uniform. "Tinext ako ng kuya mo.." sabi niya. "Kuya ko?" "Si Brenth.." "Ay oo nga pala magkaibigan kayo.." pagdidin ko. Di parin kase ako makapaniwala na kabarkada ni Kuya Brenth at Krab ko tong si Naruto ee. "Pilay ka daw kaya pinapatingnan ka niya sa akin.." siya na medyo natatawa. "Hindi.. okay na ako" ako na naglakad pa sa harapan niya. "Tignan mo.. Gusto mo tumalon pa ako.." "Geh nga.." TAPOS LUMUKSO AKO! Aray ko po! Kumirottttttttttttt siya! "Hahahaha.." sino yung tumawa? Agad nawala yung sakit nacurious ako dun sa tumawa! Tapos kita ko si Naruto na nakangiting umiiling. "Kulit kase.." siya tapos inalalayan na ako. "Isususmbong kita kay Brenth.." sabi niya sabay hila sakin papunta sa may view deck ng harap ng Room. "Sasabihin ko ang kulit mo.." "Di yun magagalit sa akin" nakangiti ko namang alis sa pag-alalay niya. Bat ganun pagnaglalakad ako di masakit, pero nung lumukso ako ang kirot sobra? HAIST! MAGLALAKAD NA NGA LANG MUNA AKO, BAWAL PALA ANG TALON. "Akala mo lang.." sabay titig sakin ng napakaseryoso.May balbas na siyang konti sa may ibaba ng chin niya. Hmmmmmm ilang taon na kayo tong si Naruto? Kaylan ba Birthday nito? (O____O)!! Birthday niya? Oh My God! Naalala ko nuon na isinama niya ako sa isang mall nung Birthday niya nung isang taon! At nangyare yun mga First Week ng pasukan! So Ibig sabihin? NAGBIRTHDAY NA ULIT SIYA? Humarap ako sa kanya. At tinitigan ko siya! "Bakit?" biglang tanong niya naman sa akin. "Birthday mo nung nakaraang nakaraang Linggo noh?!" inis na tanong ko sa kanya. Tapos ngumiti siya. "Natandaan mo pa pala.." "Sabi ko na eh!" sabay lapit ko sa kanya. "Bat di ka nag-aya aa? Andaya netooo" nagtatampo kunwaring sabi ko. "Busy ka kase.." sagot niya. "Hindi kaya.. ayaw mo lang ako ilibre eee.." sabi ko naman sa kanya. "Siguro may kadate ka nung birthday mo noh?" Ngumiti lang siya. "Meron.." pasayaw sayaw pa ng paa niyang sabi habang nakangiti ng sobra! "Hala sino?" "Secret.." "Daya talaga nito.." "Kaw nga yang madaya e.." sabi niya tapos nakasampa na siya sa view deck na harang dito mula sa tanawin sa campus. "Di mo man lang ako binati.." 'Hala nagemote ang Naruto?' "Sorry di ko naalala ee.." ako sabay lapit sa kanya. "Ano nalang gusto mong regalo?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Ang halay ng tingin niya! Kaya naman napa-iwas ako sa mga titig na yun. "Mula sayo?" tanong niya. "Oo.." "Wag na.. nakuha ko na ee" pilyong ngiting sagot niya. HALA! ANONG NAKUHA NA NIYA DAW? "Uy.. naruto anong nakuha mo na?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya! Kaya naman lumapit ako at pinagyuyugyug siya! "Uy ano nga.." pangungulit ko pa. Humarap naman siya at inaawat ako sa ginagawa ko. "Secret nga.." nakangiting sabi pa niya. "Inis to! Ano nga.." kaya naman pinagkikiliti ko siya. sa may katawan niya. "Tigil mo yan..." siya na kinorner ko dun sa may konretong haligi sa may view deck. "Dennis .. putcha.. may kiliti ako dyan..." Natatawa nalang ako sa kanya. "Ang aga naman niyan.." BIGLA AKONG NAHINTO DAHIL SA NARINGIG KO ANG ISANG PAMILYAR AT KINAMUMUHIAN KONG BOSES! Inis at dahan dahan akong humarap sa nagmamay-ari ng Boses. Ang sama ng tingin niya sa akin. Kaya hindi rin ako nagpatalo, sinamaan ko rin siya ng tingin! Pero bigla siyang ngumisi ng nakaka-inis. "Ang aga..aga ganyan agad ginagawa niyo?" biglang pagsasalita niya na lumapit pa talaga sa gawi namin ni Naruto! 'Kapal mo Karim! Walang duda ikaw nga ang naninira sakin kay Ganny!' "Anong ginagawa niyo?" inis na tanong niya na tumingin muna sakin bago tumingin kay Naruto. Nangigil na yung kamay ko! Gusto ko siyang paghahampasin.. "Ano bang pake mo?!" inis na sagot ko. "Gusto ko lang malaman.." inilapit niya pa yung mukha niya sa akin na kita ang ang pagka-inis! Ako na yung lumayo.. "Gusto mo malaman?" KINABAHAN AKO BIGLA NG MAKITANG HUMARANG SI NARUTO SA AKIN PAGKATAPOS SABIHIN ANG MGA KATAGANG YUN. "Bingi ka ba.." sagot ni Karim kay Miggy. "Hindi.. bulol ka lang ungas" sagot ni Naruto kay Karim. Hala, nagsasagutan na sila! "Anong sabi mo?!" "Diba gusto mo malaman kung anong ginagawa namin?" "Bingi talaga ang gago.." mayabang na sabi ni Karim. "Oh bakit ano bang ginagawa niyo?" tumatawa tawa pang aniya, na parang nang-iinis! "Sasapakin muna kita... . . . . . . . . tapos tanong mo dun sa mga bituing iikot sa paningin mo" BIGLA AKONG KINABAHAN! Nakita ko nalang na tumalsik si Karim dun sa may bungad ng Pintuan ng Room! Ang bilis ng nangyari! Halos di ko nakitang kumilos si Naruto! Parang Ninja. ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! - Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD