DENNIS POV Pagkalabas ko galing banyo ay di ko na siya naabutan sa kwarto. Masyado bang naging masakit ang mga sinabi ko? Masyado ba akong naging makasarili. Pero hindi e, tama lang ang mga sinabi ko sa kanya. Kulang pa yun sa lahat ng pinaramdam niya sa akin. Pero nahihirapan ako, gusto kong gawin ang lahat ng paglalambingan namin. Pero may bahagi ng pagkatao ko na kailangan ko tong gawin. Makita ko man lang ang pasensiya niya at pagsisisi. Napa-upo nalang ako sa kama habang nakatapis pa ang tuwalya sa aking bewang. Muli ko naman naalala yung pusa niyang dala. Inikot ko yung paningin ko sa kwarto, pero di ko nakita yung pusang itim. Nakakatuwang isipin na may regalo siyang pusa sa akin na kasing cute ni Maulee. Nakonsensiya naman ako ng di ko pansinin yung pusa kanina. Yung tingin k

