GANNY'S POV Pagpasok ko sa kwarto niya ay tumambad sa akin ang malamig at medyo madilim na silid. Pero tanaw ko ang mapanglaw na liwanag mula sa glass door sa balkonahe mula sa ilaw sa labas. Dahan dahan kong isinara yung pinto, kita ko naman siya na nakahiga na sa kanyang kama. Siguro naman di pa siya tulog, siguro ineexpect niya rin naman na gagawa ako ng paraan makasama siya ngayong gabi. Excited na akong lumapit sa kanya, mayakap siya at muling maramdaman kung gaano kasaya tuwing magkatabi kami sa iisang kama. Ipinatong ko sa munting lamesa na nakapa ko yung susi na binigay ni Brenth. Gusto kong magising siya, gusto kong malaman niya na nandito ako ngayon sa kwarto niya. Kinapa ko agad yung switch malapit dito sa kinatatayuan ko at sinindihan ko yung ilaw. Lumiwanag yung buong kwa

