GANNY'S POV Dahil walang masakyang jeepney sa oras na iyon, napagpasyahan nalang naming apat na magtaxi. Hindi lang ako masaya dahil naupo si Dennis sa unahan tabi ng driver habang kameng tatlo ay nandito sa likuran. Nag-iinarte talaga siya, yun ang napapansin ko sa kanya. Dala pa ito siguro ng nalaman niya kanina. Hindi ko siya masisisi, siguro para sa kanya nga ay masakit ang ganun. Pero sana naman intindihin niyang pinagsisishan ko na ang bagay na iyon at heto ako galing sa America, umuwi dito sa Pilipinas para humingi ng tawad sa kanya. Nahihirapan tuloy akong sabihin yung kondisyon na sinabi ni Zhabby para sa bakasyon kong ito. Paano pa kaya kung malaman niya yun? ***** Wala man masakyan, pero mabilis ang naging byahe namin pauwe. Mga alas dyes na ng makarating kame sa bahay nila

