GANNY' S POV Anong nangyayari sa taong ito? Kanina ayos na ayos kame pero ngayon di ko maintindihan kung bakit nagbago nanaman ang mood niya. Nakaka-inis lang habang naglalakad ako mag-isa siya naman ay nasa likuran ko. Humihinto ako tapos tinitignan ko siya, humihinto rin siya at nakatingin sa malayo. Minsan bago ako lumakad ulit ay iniiwanan ko siya ng nakasimangot na tingin. Magpapasensiya ako para diyan sa kaartehan mo Dennis. Hanggang sa tuluyan na nga kameng makarating kung nasaan sila Brenth, pagkapasok ko ay nakita ko si Brenth at Dhanny na magkatabi sa upuan habang nasa iisang lamesa. "Diba iniwan ko kayo kanina sa steak house?" tanong ko kay Brenth. Tinignan ko naman si Dhanny na tahimik lang na kumakain sa tabi. Pero nagulat ako ng may makitang sugat sa bandang labi niya. "

