CHAPTER 037

1435 Words
♥♥♥♥♥ Ingat EXO sa pag-uwe! Lalo ka na Krabby Sehun ko. Hmmmmmp iiwan mo nanaman ako! LDR nanaman tayo! Nakowwww! ♥♥♥♥♥ DENNIS POV King Ina ang lamig nung slide nang humiga ako dun! Napatingin muna ulit ako sa kalangitan na napupuno ng mga nagkikindatang bituin bago muling sumulyap sa nanlalamig na si Lucario na ewan ko ba kung bakit tinatapon yung kinukumot kong Jacket niya! Feeling ko gising siya! Feeling ko nakangiti siya at higit sa lahat feeling ko gusto niyang yakapin ko siya! Luh! Baka ako nanaman maging Feeling nito! Wag abusuhin ang kahinaan ng tao Dennis! Tanga abusuhin mo Dennis dahil dyan pwede ka nang makascore diba may feeling ka na sa kanya? So Ready na sa galawang L! Putcha may dalawang katauhan na nagsasalita sa isipan ko! Eeeh ano ba kase tong nangyayare? Inis kong hinilamos yung mukha ko bago muling tumingin sa kanya. Pero laking gulat ko nang makitang nakakumot na yung Jacket niya at parang mahimbing na ang tulog niya! Bilis aa! Parang nanlumo ako that time, kaya tumingin nalang ako sa kalangitan, umaasang ako nalang sana yung nakacover sa nanlalamig niyang katawan. Habang tumatakbo yung segundo ay nararamdaman ko sa sarili kong gusto ko siyang lapitan. Kaya hindi ko napigilan ang umusog palapit sa kanya--- Tulad nga kase ng sabi ko kanina, halos tatlong tao ang kasya sa lawak nitong slide. Then yung space sa gitna naming dalawa ay parang isang tao na rin. Pero ginawa ko nalang na kalahating tao kase papalapit na ako. (o^____^u) At di ko nalang namalayan ay nakadikit na ang braso ko sa braso niya. Muli kong inangat ang mukha ko at tinitigan ko siya---- Why you're so damn gwapo? Why you attract me like this that at the short period of day's and rare of meeting with you make me fall to the slide of your.. go to your heart? "Tsss.." !!(O,,,,,,,,,O)!! Hala! Bigla nalang siyang suminghal sabay ngiti habang nakapikit ang wala! Sabe ko na nga ba di siya tulog eee! "Wag mo akong tinititigan ng ganyan.." sabay mulat niya at tingin sa akin. "Sa mga ganyang tira ng paningin alam kong may gusto kang gawin.." "Feeling Tsk!" inis kong sabi sabay nakangusong nahiga nalang ako ulit at umusog sa gilid—sa pwesto ko kanina. "Iidlip ako ulit.." Ringig kong sabi niya. Pero hindi ako sa kanya nakatingin, sa madilim at tahimik na akong parke nakatingin. Nakakahiya naman sayo Lucario! Inis ka! "Sorry kanina.." Ouchh.. Yun palang ang sinasabi niya pero parang tila nasaksak na agad ako ng isang milyong ice pick! AKALA KO IIDLIP SIYA? "Pa..para saan?" lakas loob kong tanong habang nakatingin sa kalangitan. "Di ko sinasadyang halikan ka kanina.." parang gusto ko siyang sipain sa sobrang kainisan ko. Why he telling it to me? Can he ignore it and just make it a secretly treasure for both of us? Anyway ako lang naman ata ang nag-aassume na treasure ang halik na yun! (___>..>) "Namiss ko lang yung isang mahalagang tao sa buhay ko" dagdag pa niya. Pleaseee tama na Lucario. Why are you hurting me agad? ANG SAKIT SA DIBDIB PRAMIS! (U_____U)' "Pasensiya na kung naging medium ka ng pagkasabik ko sa kanya.. Sorry" Shettt di ko kayang magreak! Umasa na ako Lucario! Umasa na ako na meron karing something sakin! Pero ako lang pala tong assuming! "Tungkol naman dun sa yakap.." bumuntong hininga pa siya sabay ngisi ng bahagya. "Hindi ko alam na seseryusohin mo yung Biro ko tungkol sa phobia ko sa lamig.. Actually wala tala---" "Enough.." pilit ngiti akong umupo sa slide at tumingin sa kanya. "Birthday mo kaya gusto lang kitang maging masaya.." sabay baba ko na sa slide. "Pwede bang makisabay sayo? Kahit sa bungad lang ng Subdivision?" malungkot na tanong ko sa kanya. Kita ko naman sa kanyang mga mata na para siyang naguguluhan. "Dennis.." "Kung ayaw mo, sige lalakarin ko nalang yung papunta sa may Shell diyan sa tabi at mag-aabang nalang ako ng Jeep.." ako sabay talikod. Tang-Ina bakit ako nasasaktan ng Ganito?! Bakit kaylangan ko makaramdam ng ganito?! Tila Triple sa mga sakit na naramdaman ko sa mga panloloko ni Joross at sa mga pag-aaway namin ni Krab. WHY?! (--___--)???? Umasa ako sa wala, naniwala ako sa puro kasinungalingan. Putcha! Sino ba naman kaseng nagsabi maiinlove sa akin ang gagong yun? Tsaka sino ba ang nagsabing dapat mainlove din siya sa akin! Okay, ngayon alam ko na na hindi pag-mamahal ang nararamdaman ko kay Lucario! Kundi, naakit lang ako sa kanya--- No Love. Purely Libog! Purely pagka-atat sa kawalan ng lalaki! Tang-Ina mo Dennis! Di na nagtinooooooooooo! Yan na ColumbiaZoned ka tuloy! "Pwedeng sayo muna ulit siya?" dinig kong tanong niya sa likuran ko. Parang wala lang sayo aaa! Oo nga pala hindi naman siguro alam nitong bakla ako, siguro akala niya lang dun sa mga ginawa namin ay Trip Trip lang! Trip Trip ng dalawang lalaki! Kahit bading naman yung isa---At ako yun. Pagtalikod ko ay nakita ko na dala niya si Maulee, suot narin niya yung jacket nya. Agad kong kinuha yung pusa niya na nakalagay na ulit sa Rope bag at muli ko yung sinukbit paharap sa aking katawan. Subukan mong makipag-eksena Maulee! Ihuhulog talaga kita sa kalsada! Muli siyang bumalik sa may slide at kinuha yung dalawang Helmet. Inabot niya sa akin yung isa, kinuha ko yun nang hindi nakatingin sa kanya. Gusto ko sana siya tanungin kung bakit kame nakapasok sa Village na ito, at kung bakit siya may access sa Biometric. Pero itinago ko nalang yun sa isipan ko. "Tara na" aya niya sa akin. Lumapit ako sa motor niya nang hindi tumingin sa kanya. Nauna siyang sumakay at pinaandar na ang makina ng motor. Ako naman ay sumunod, medyo dumistansiya na ako sa kanya. Inihawak ko yung kamay ko dun sa may metal holder sa bandang dulo ng motor niya. Kahit nakakabit dun yung helmet box ay may nahahawakan parin ako. "Humawak ka sa akin" dinig kong sabi niya nang magsimula na itong magpatakbo. Pero di ko siya sinunud. "You can hug me if you want.. wala yung malisya sa akin" Another Ouchhh nanaman. Inangat ko yung window ng helmet ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. "Just keep on Driving!" inis na sabi ko. "Wag mo akong alalahanin.." sabay baba ko ulit dun at muling hawak dun sa may metal! King Ina to! Talagang binibigyan ako ng chance na Umasa na di niya naman talaga gagantihan! Sorry! Naakit lang ako sayo! Wala akong nararamdaman sayo! Pweee! Mas maganda naman ang katawan ni Krab sayo! Hmmmmmmmp! ((+_____+)) Tahimik nga lang kameng dalawa sa buong byahe, hanggang sa makarating na kame sa tapat ng Subdivision. Agad akong bumaba sa Motor niya, kahit di pa siya nakakababa. Inis kong inalis yung helmet at inabot yun sa kanya. Agad niya naman yung kinuha at nagtanggal din ito ng helmet. "Galit ka ba?" biglang bungad niya sa akin. "Pwede umalis ka na?" sabay talikod ko, maglalakad na sana ako ng... "Teka.." aniya. KASABAY NUN NANG MAY NAALALA AKONG SABIHIN SA KANYA! Muli akong humarap sa kanya. Tapos kinuha ko sa bulsa yung keychain na binili ko kanina. "Akin na kamay mo.." seryoso pero may pagkainis na utos ko. Sa pagkakataong yun ay siya ang napasunod ko. Agad kong inilagay sa mga palad niya yung keychain. Gulat siya ng makita yun. "Ano to?" gulat na tanong niya sa akin. "Happy Birthday aaa.. sana napasaya kita bilang CLOWN mo" inis na sabi ko na may pagdidiin sa bawat salita. "Regalo ko sayo.." sarkastikong sabi ko pa. "Salamat" nakangiting aniya na hahatakin sana ako pero agad akong umiwas. "May kapalit sana yan.." "Ano yun?" nakangusong sabi niya. Tang-inang nguso yan! Manlilinlang ang mga ganyang akto mo Lucario! Utot mo Purple! "Please pagkatapos ng pagkikitang to.. pwedeng iwasan na natin ang isat isa?" kitang kita ko ang pagkagulat sa reaksyon ng mukha niya. "Kung sino man unang makakita sa ating dalawa sa kung sino man sa atin pwede bang magkusa nalang tayong mag-iwasan?" "Tss.." inis na singhal nito. "Ano bang problema?" tanong niya sa akin. "Wag mo ng alamin.." ako sabay talikod. "Please uamalis ka na.." sabi ko pa. "Pero.." MULI AKONG HUMARAP! "Please.. isuot mo na yang helmet mo at lumayas ka na sa harapan ko! Ayaw na kitang makita Lucario.. Pwede bang lubayan mo na ako?" "May nagawa ba akong masama?" 'Marami! King Ina mo ka!' "Just Leave! At wag ka ng magpakita ulit sa akin!" inis na sabi ko sa kanya. "Ayoko ng makita ang tulad mong mayabang!" sabi ko pa. "Sure.." OUCHHHHH... Nasaktan nanaman ako. Ewan ko ba kung bakit. Tapos ngumiti pa siya. "Tss.." siya sabay lagay ng isang helmet dun sa Helmet Box. Pagkatapos ay humarap siya sa akin. "Basta alagaan mo siya ng mabuti aa?" 'Pinagsasabi nito??' "Paalam.." siya sabay suot ng helmet at sumakay na sa motor niya at pinaandar na niya ito ng mabilis. Di man lang bumusina. NALULUNGKOT AKO. Pero yun ang dapat Lucario. Napa-upo nalang ako dun sa may waiting shed sa may tapat ng 7/11.. 'Basta alagaan mo siya ng mabuti aa?' SINO NAMANG AALAGAAN KO NG MABUTI? (--____--)??? "Meow.." ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! - Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD