DENNIS POV
Hindi ko inaasahan ang pagliko ng motor ni Lucario sa isang village dito sa may Paseo De Magallanes. Sa mga pagkakataong ito ay nakayakap parin ako sa kanya.
((^___,,^)
At sa pagkakataong ito sa tingin ko ay nagugustuhan niya rin yun. Si Maulee naman ay medyo inilabas ko ang ulo kase baka mamatay ng wala sa oras ang pusang to!
Huminto siya sa may guardhouse at tila inilapat ni Lucario yung daliri niya sa isang Biometric. Bigla yung tumunog ng 'Welcome!' then pinapasok na kame ng gwardiya ng walang anu pa mang tanong.
Bakit may access siya sa biometric sa village na ito?
Biglang huminto yung pagpapa-andar niya. Kaya napabitaw narin ako, pansin kong gusto niyang sabihing bumaba na ako. Kaya naman dun na natapos yung magandang pakiramdam ko.
((--___---))
Inalis ko na yung helmet sa ulo ko dahil gusto ko mapagmasdan ng maayos ang paligid.
Nagulat nga ako ng makita ang nasa paligid ko. Nasa isang parke kame ngayon ni Lucario, wala ng tao sa napakatahimik na parke. Meron mangilan ngilan na lamp post na nagbibigay liwanag sa lugar.
Napapangiti akong makita yung paligid hanggang sa makita ko si Lucario---- nakatayo hawak ang helmet niya at nakatitig sa akin.
Agad kong naibalik yung tingin ko sa parke. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung kaya ko bang makipag-usap sa kanya.
Simula ng bumitaw ang pagkakayakap ko ay parang nagsisimula nanaman ulit akong mailang, parang start again sa mga gusto ko gawin sa kanya. Pero yung feeling ko sa kanya stay the same.
I love him na.
Mula sa pagkakatayo ko ay ramdam kong naglalakad na siya papalapit sa akin. Andito ako ngayon sa green field part ng parke sa harap ng isang malaking children slide.
Kasya ata tatlong tao dun.
Habang ramdam kong papalapit na siya sa akin ay lalong nanginginig ang kalamnan ko sa kaba. Pero nang bigla niyang hawakan ang kamay ko ...
((O___O))
((--___--))
At kunin niya yung helmet ko ay napasimangot nalang ako. Hindi yun ang ineexpect ko, iba ang gusto kong mangyare.. iba yung tumatakbo sa aking isipan.
Para akong napahiya sa sarili ko, napayuko nalang ako at napatingin kay Maulee na tulog. Hinimas himas ko nalang yung pusa niya.
"Tss.."
Pagtingin ko sa kanya ay kita kong nakaupo na medyo pahiga siya dun sa slide, habang nasa paanan nung slide yung dalawang helmet.
Hindi ko alam pero yung isip ko ay gustong malaman ang sagot kung bakit siya suminghal!
Gusto niya bang lumapit ako sa kanya? Ano! Ano! Grrrrrrrrrrrrrrr.. paki-usap linawin mo naman Lucario.
Dahil di ko alam ang gagawin ay di ko alam kung saan ako patingin tingin. Gisingin ko nalang kaya tong pusang to para may kalaro ako? Aissst! Ano ba kaseng ginagawa namin dito?!
Maglalaro?
Ng Ano? Ng Slide.. Seesaw.. Swing..
O nang Apoy?
!!(O____'0)!!
Sige landi pa Dennis para mapaso ka niyang Apoy na yan! Pero anong magagawa ko? Nainlove na ako sa Gagong to!
Inlove na ba talaga o infatuation lang? In Love na eeh! Inlove via kalandian version 2.0!
Tumalikod nalang ako sa may slide at gigisingin ko nalang tong pusang to. Tatangalin ko na sana yung rope bag kung nasaan si Maulee ng biglang may pumigil sa akin.
Mula sa likod ay payakap niyang pinigilan ang pagalis ko dun sa rope bag. Bumilis nanaman ang kaba ng aking dibdib!
"Wag mong gisingin si Maulee.." dinig kong sabi niya. Ramdam ko yung init ng pagkakadikit ng katawan niya kahit may balot pa iyong jacket.
Halos matuyo yung kalawayan ko sa lalamunan at bibig dahil parang nahihigop yun ng sobrang kaba ko!
Halos mapapitik ako sa kinatatayuan ko ng idako ng gagong to ang labi niya sa tenga ko.
"Magpapahinga lang ako" iba yung tinig niya. Parang siyang nalilibugan na humahangos ang hininga. King Inang yan.. Kahinaan ko ang ganito lucario. Paano mo nalaman?
"Aaa.. aa.. aa sigee" nauutal kong sagot pa sa kanya.
"Ayaw mo ba akong samahan sa may slide?" tanong niya ulit. Ramdam kong bumaba yung mga kamay niya sa kahabaan ng arm ko. Mas lalo akong tinatamaan! Mas lalo akong nalilibugan!
Hindi ko siya nakikita, kaya di ko alam kung anong reaction niya--- Kung pinagtitripan lang ba ako ng damuhong to!
"Aaa dito nalang ako magpapahangin kame ni maulee.." sabi ko sa kanya sabay dahan dahan na kumakalas sa pagkakayakap niya sa likuran. Umalis na rin siya at dumeretso na sa may slide.
Di man lang ako pinilit.
(>____>)—O
Kitang kita ko yung paghiga niya sa malapad na slide. Flat na flat siya dun. Kaya di ko mapigilan na maakit nanaman dahil kitang kita ko ang hotness niya habang nakahiga siya sa may slide.
"Lucario slide ka ba?" tanong ko sa hangin.
"Meow..." nagulat nalang ako ng biglang ngumiyaw na itong pusa niya. Pagtingin ko ay nakatingin ito sa akin.. Tinatanong niya kung bakit daw tinatanong ko ang amo niya kung Slide daw ito.
Aba pag ganito talagang usapan di papatalo ang pusang to! Pero natutuwa ako dahil sa may kausap parin ako kahit tulog na yung Lucario na yun! Tulog o nagtutulug tulugan?
Hmmmmmp! Maghintay ka! Lalapit ako dyan mamaya at may gagawin akong kakaiba sayo! Hehehehe
"Kase nung umislide ako.. Bigla akong nahulog sayo Lucario" kinikilig kong sagot sabay tingin sa pusa. "Anong masasabi mo?"
"Meow.."
(>____>)!!
'Ang corny ko daw.. baka daw pag sinabi ko sa harap ni Lucario tong pick upline ko ee baka daw iuuntog ang mukha ko sa slide!'
Ang hard ng pusang to!
"Matulog ka na nga lang!" sabay pitik ko sa puting pusa.
"Meow!" galit na ngiyaw nito. 'King Ina daw akong baklang walang susu!' sabi pa nito bago pumikit at muling natulog!
Baklang walang susu, san naman nakuha ng pusang to ang salitang yan!
Kukunin ko sana yung cellphone ko sa bulsa ng bigla akong may nakapa. Ano nga to? Agad ko yung nilabas at nakita ko yung keychain!
Yung keychain na lucario!
Bigla akong napangiti. Kaya pala gusto kitang bilhin talaga kanina, kahit di ko alam kung bakit. Dahil may dahilan pala!
Ireregalo pala kita sa Birthday ni Lucario ang ...ang lalaking nagmamay-ari ng 30% agad agad ng puso ko! HaHa!
Kayalangan ko tong ibigay sa kanya. Wala pa pala akong Birthday gift sa kanya. Muli kong binulsa yung keychain at lumapit ako sa kanya na nakahilata sa malawak na slide.
Nakatitig ako nun sa nakapikit na si Lucario ng biglang...
"Meow..."
Bigla siyang namulat!
(---____--///)
Ang awkwardddddddddd! Biglang namulat ang isang gwapo habang naglalaway ako sa sobrang kasabikan huhuhuhuhuhu!
Kasalanan nanaman to ng pusang to!
"Oh.. Maulee" biglang tawag niya sa pusa niya. Ako naman ay pinahid ng bahagya yung laway kong medyo paluwas palang naman sa bibig ko.
'Kadiri Dennis! Kadiri!'
"Lika dito.."
"Meoww.."
Tapos nagkatinginan kameng dalawa ni Lucario. "Oh babakit?" nauutal kong tanong na medyo may pagkakunot ang noo.
Ngumiti siya.
"Li nga kayo ni Maulee.."
"Kame ni Maulee?" mabilis na tanong ko sabay turo pa sa sarili kong mukha. Napahinga nanaman siya na tila napa-isip.
"Si Maulee lang pala" sabi niya.
"Meow..."
'Yan bingi bingi an effect.. di na yan uso ngayon! Nganga ka tuloy!' napakunot ako ng madinig ang opinyon nanaman ng pusang to!
"Okay.." sabay lapit ko at hubad na nung rope bag. Humarap naman ako sa kanya sabay abot kay Maulee na nakasuksuk pa sa bag.
"Corny mo.." nakangising sabi niya sa akin. "Tsss.." pailing iling pa ito sa akin.
"Bat naman ako corny?" nakangusong ani ko habang inaabot ko si Maulee. "Oh yan na yung pusa mo" sabi ko pa.
"Ano yung yakap mo kanina?"
"Lah.." inis akong tumalikod kahit di niya pa nakukuha si Maulee sa akin. "Kase nanginginig ka kanina!" palusot ko. "Malay ko bang umaatake nanaman yung phobia mo.."
Ano kayang istura nanaman ng lucario nato!
"Na---naging ma--mabait lang ako! Lol!" pautal utal na sabi ko.
"Oh bat parang defensive ka?" parang natatawang sabi niya! Nadidinig ko siya! "Nagtatanong lang ahh" sabi pa nito.
"Eh may meaning eh!"
"Anong meaning?"
"Wala!" sabay harap ko sa kanya. "Oh yan na yang pusa mo!" sabay tapon ko kay maulee sa kanya. Nakakunot ang noo at salubong ang kilay kong nakaharap sa kanya. "3O minutes na di ka pa tapos sa pahinga mo! Uuwi na ako mag-isa ko!"
Tumalikod ako at pumunta dun sa may wooden bench, naupo ako dun habang nakatitig sa munting fountain sa gitna ng parke.
Limang minuto pagkatapos kong iwan yung dalawa ay muli ko silang sinulyapan. Kita kong wala ng jacket si Lucario! Siraulo ba yun?! Habang si Maulee naman ay nasa may itaas ng ulo niya nakapwesto!
Mula sa kinatatayuan ko ay kita kong nilalamig si Lucario! Nanginginig siya at halos mapayakap na siya sa sarili niya. Pinagtitripan ba ako ng lokong to?
Pero nung tuloy tuloy yung pagyakap niya sa sarili habang ginaw na ginaw ay lumapit na ako dun sa slide.
Kita kong nilalamig siya. Tulad din ng kanina.
O--(@______@)—O
'Lucario ko'
Agad akong naupo sa tabi niya. Tapos kinuha ko yung Jacket sa tabi niya at ikinumot ko yun sa kanya. Pero laking gulat ko ng bigla niya itong inalis!
"Huy.. lucario bat mo tinatapon?" nag-aalalang sabi ko.
"Meow.."
'Kunwari ka pa.. isa lang ibig sabihin niyan.. Galawang Libog Activated na!' nagulat ako ng biglang sabihin yun ni Maulee!
Adik tong pusang to!
(♥^___^♥)
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)