By Michael Juha getmybox@htomail.com fb: Michael Juha Full -------------------------- Mistula akong nagising mula sa malalim na pagkahimbing. May sumundot na kung anong guilt o hiya sa utak ko. Parang may konsyensiyang kumurot sa aking isip at nagtanong, “Ganito ka na ba kadesperado Jason at kahit sinong lalaki ay gusto mo nang matikman?” Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng gana, nanlumo, litong-lito. Naramdaman ko na lang ang tila paggapang sa buong katauhan ko ang pagkahabag sa sarili. Ibinagsak ko ang katawan sa kama, nakatihaya, at walang imik na idinantay ang isang braso sa aking noo, ramdam ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. “Bakit ako nagkaganito???” tanong ng isip ko. Nagtaka naman si Kuya Paul Jake sa biglang pagtigil ko. Marahil ay nabitin din siya. “A-anong na

