"What are we doing here?" nagtataka kong tanong kila Lydia na namimili ngayon sa mga gown and dresses na nakakalat sa kama ni Cath. This is my first time here in Cath's dorm. Kasing laki lang ito ng dorm ko pero mas maraming furniture at iba pang mga gamit. "Grand Magical Ball is tonight, 'Thea! We must prepare now dahil babyahe pa tayo patungo sa Magical University," sabi ni Lydia nang hindi man lang ako nililingon. Busy siyang tinitingnan ang mga dress. "Let's go!" Hinila ako ni Cath patungo sa walk-in closet niya at iniabot sa akin ang isang black cocktail dress at mga accessories. "Wear it all," said Lydia. They both smiled at me and shut the door closed. What now? Ni hindi ko naisip na magsusuot ako ng ganito. I'm not a girly-type kind of woman. Mas pinipili ko ang flat shoes kays

