Kinabukasan ay maaga kaming nagpunta sa training room dahil maaga raw naming kailangan simulan ang training. Isa-isa kaming inabutan ng isang bag na punong-puno ng dagger sa loob. I touched the edge of the dagger. Sobrang talim nito kaya nahiwa ako ng maliit. "Listen up," Isaac said to get our attention. Sabay-sabay kaming tumingin sa kaniya. "Nakikita ninyo ang mga shooting range na 'to?" Itinuro niya ang nasa likod niya. Napamangha ako. Dati, nakikita ko lang ito sa mga palabas. Mayroong shooting target na hugis tao na nasa malayo at kailangan naming ma-bull's eye ang pinakagitna nito. Sa mga pulis o mga taong gustong matutong bumaril, ang shooting range ang paraan para matuto sila. "This training is for our senses to be more sharp even when our eyes are covered. Gamit ang mga dagge

