Natapos ang gabing 'yon at hindi na ako bumalik pa sa hall, nagpahinga na ako agad dahil maaga kaming susunduin papunta sa Arena o tinatawag nilang Realm of Monsters. Bago pa tumunog ang alarm clock ko ay nagising na ako eksaktong alas tres ng madaling araw. Five o'clock daw ay kailangan nasa labas na kami ng Academy dahil nandoon na ang sasakyan. I went on the bathroom and looked at myself in the mirror. Kinuha ko ang gunting na nakalagay sa sink at hinawakan ang buhok ko. -------- Paglabas ko ng Academy ay bumungad sa akin sila Isaac na tila ako na lang ang hinihintay. Paglapit ko sa kanila ay hindi maalis ang tingin nila sa akin. "You cut your hair," pagbati ni Hunter sa buhok ko. I didn't know na kasama rin pala sila ni Rica papunta sa Arena. "It suits you." Napangiti ako at su

