Nang makabalik kami ni Hunter sa Academy ay bumalik na agad kami sa sarili naming dorm dahil mag-aayos pa kami. Mayroon na lang kaming dalawang oras para mag-prepare. Pagkapasok ko sa dorm ay nangunot ang noo ko nang makita ko ang isang red off-shoulder pencil cut dress na may slit sa gilid na bahagi. Tiningnan ko 'yon at hindi ko maiwasang mangamba kung ano ang itsura ko kapag suot ko 'to. Until now, I'm still not capable of wearing dresses. Kinuha ko ang isang rose na nakalagay rin sa higaan at may nakadikit doon na sticky note. This is for you, Althea :) - Hunter Napangiti ako, maybe this is one of the reasons why he asked me to come with him to the falls. Pinalagay niya ang dress na ito habang wala ako. I took a bath, pagkatapos ay agad akong nag-ayos at sinuot ang dress. I s

