IKAWALONG KABANATA

1147 Words
IKAWALONG KABANATA --- "ALAM mo bang kanina ko pa hinihintay na tumawag ka," bungad ni Leonora kay Ramon. Mabuti na lang at naisipan nitong tawagan siya dahil kung hindi siya na mismo ang tatawag dito. "Sorry na, Love. Medyo mahirap lang ang signal dito. Kanina pa nga rin ako naghahanap ng magandang connections sana para tawagan ka," tugon naman sa kaniya ni Ramon. Lahat ng inis niyang nararamdaman nawala dahil sa paliwanag nito. Kahit kailan malambot lang talaga ang puso niya pagdating kay Ramon, hindi niya magawang magalit dito. Maayos ang relasyon nilang dalawa at higit sa lahat buo ang tiwala niya sa nobyo. Hindi siya bibiguin ni Ramon kahit na ano'ng mangyari. Mahal siya nito at walang makakatumbas sa pagmamahal niyang nararamdaman dito. "Nasaan nga pala si Megan?" tanong niya kay Ramon. Bigla niyang naalala na pinasamahan niya pala ito kay Megan. "She's here. Uhm-- dinala niya ako sa isang sikat na kainan daw dito, Mahal. Ayon nga parang malamig na ang pagkain namin," nakaramdam siya ng tuwa dahil sa sagot sa kaniya ni Ramon, kasama na pala nito si Megan. "Baka wala rin siya signal kaya hindi niya rin ako natawagan kanina. Ow siya sigi, Mahal. Pakisabi na lang kay Megan na tawagan ako agad kung medyo maluwag na kayo." "Salamat, Mahal. Ang bilin ko sa'yo ha, mag-iingat ka d'yan." "Lagi akong mag-iingat para sa'yo, Ramon. Wala kang dapat ipag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko. Mag-enjoy kayo d'yan ha. Lalo ka na, Ramon." "I will, Mahal. Iloveyou, Leonora." "I love you too, Ramon. Tawagan mo ako palagi ha." --- NAPANSIN ni Megan ang pagbaba ni Ramon ng tawag nito kay Leonora. Lihim siyang nagpasalamat, buti na lang at natapos na ang tawag nito kay Leonora. "Sorry. Tumawag lang ako kay Leonora. Malamig na ba pagkain natin?" "Hindi pa naman. Hinintay ka naman," sagot niya kay Ramon nang maka-upo na ito paharap sa kaniya. "Kinamusta ka nga pala ni Leonora. Hindi ka rin daw tumawag sa kaniya." Lihim siyang napataas kilay sa sinabi ni Ramon, tungkol kay Leonora. Alam naman nitong hinihintay ni Leonora ang tawag niya, talagang sinadya niya lang na ayaw niya itong tawagan. "Alam niya bang magkasama tayo?" tanong niya dito. "Yes. Acfually, sabi ko sa kaniya wala ka rin signal kaya hindi ka makatawag, just like mine. Nawalan talaga ako ng signal kanina." "Mahirap nga ang signal dito sa Dumaguete. Pero may mga lugar naman na hindi mahirap, tulad na lang sa isla namin." "Talaga? Siguro dadalaw ako sa inyo pag naging maayos na ang sadya ko talaga dito." "Magtatagak ka ba sa Talisay? Sana minsan maisipan mo naman sa amin, para akong pagdadalhan sa'yo, Zach. Marami ring mas masarap na pagkain na pwedi natin pagsaluhan d'on.." aya ni Megan dito. She's praying na sana nga pumayag si Ramon na sumama sa kanila at hindi niya syempre kahit saglit lang. Lahat ng sandaling magkasama sila ni Ramon ay ibibigay niya. "Salamat nga pala, Mega. Nag-abala ka pang samahan ako, para kang ate mo, walang duda na magkapatid nga talaga kayo." Tumango-tango lang si Megan. Wala talaga siyang panahon sumagot sa mga sinasabi nito, kung may kaugnayan lang naman ito kay Leonora. Pinagpatuloy niya na lang ang pagkain na wala ng kahit na ano'ng salitang nagmula sa kaniya. Iniiwasan nya rin naman kasi ang mga bagay na ikwe-kwento sa kaniya ni Ramon na may kaugnayan kay Leonora. Hindi niya ito nagugustuhan at ayaw niyang magustahan. Para sa kaniya inaaksaya lang ang oras niya pag tungkol kay Leonora ang pinag-uusapan nilang dalawa. NAKAHINGA na ng maluwag si Leonora dahil sa tawag na natanggap niya mula kay Ramon. Maayos naman pala ang lagay nito at mabuti na lang dahil kasama na nito si Megan. Hindi na siya masyadong nag-aalala, mahina nga naman ang signal sa Dumaguete, pwera lang sa isla kung saan nakatira sina Megan kahit papano malakas ang signal nila d'on. Kaya nga madalas siyang nakakatawag kay Ramon at hindi niya ito hinahayaang mag-alala sa kaniya. Nawala na rin ang tampo niyang nararamamdaman dito, naiintindihan niya naman si Megan kung bakit hindi man lang ito magawang magparamdam sa kaniya. Tulad nga ng sabi ni Ramon mahirap ang signal kung nasaan ang mga ito, kwento pa sa kaniya ni Ramon at dinala daw siya ni Megan sa isang kainan. Malaki ang pasasalamat niya sa nakababata niyang kapatid dahil kahit wala siya d'on ayos lang. Hindi nito pababayaan si Ramon, kilala nya si Megan. Lahat ng taong mahalaga sa buhay niya, ganoon din dito. Masaya na siyang makakapagtrabaho nito, naisip niya. Mapapanatag na ang loob niya hangga't sa pagbalik ni Ramon nang Manila, sigurado siyang sa tulong ni Megan walang ibang makakalapit dito. Kahit na alam niya naman sa sarili niyang hindi iyon magagawa ni Ramon niya. Loyal ito sa kaniya at buong-buo ang tiwala nya rito kahit na ano'ng mangyari. Hindi iyon magbabago at walang makakapagbago kahit na sino. ° NATIGILAN si Megan at Ramon sa isang terminal ng mga pribadong jeepney na magdadala sa binata sa Isla Talisay ang lugar na sadya nito. Lumakas kasi nang lumakas ang ulan, hindi nga sila halos makapaniwala na basta na lamang bubuhos ang malakas na ulan. Mababa lang ang parte kung nasaan silang dalawa kaya halos naabot na rin ng malakas na tubig ang napili nilang pagsilungan. Ramdam ni Megan ang pagkabig sa kaniya ni Ramon nang may dalawang lalaking tumabi dito. Basang-basa na ng ulan ang mga ito. Napalunok si Megan nang makita niya ang pagdantau ni Ramon sa balikat nito sa balikat niya, alam niyang ayaw lang siya nito maulanan at mapadikit sa ilang lalaking nandoon. Napangiti si Megan sa ayos nila ni Ramon, aakalaing mong may ugnayan sila sa isa't isa. Kulang na lang ang isang bisig pa nito para masabint nakayakap ito sa kaniya. Patay malisya niyang hinayaan ito, walang kahit na ano'ng salita maging ang pagtutol nito sa pagdantay ng balikat nito sa kaniya. Kaakibat n'on ang panalangin na sana hindi na sila maka-alis sa lugar na 'yon, wala siyang pakialam kung mapapagalitan siya ng mama at papa niya---dahil ang mahalaga sa kaniya ang kasama si Ramon. "Gagabihin pa yata tayo dito, Megan. Hindi ko naman alam na lalakas ang buhos ng ulan at maganda naman ang panahon kanina," mahinang sabi sa kaniya ni Ramon. Kung alam lang nito na yon ang hiniling niya na sana hindi pa huminto ang malakas na buhos ng ulan. Gusto niya pa itong makasama at walang makakapigil sa kaniya. "Baka pagalitan ka na sa inyo," pag-aalang sabi sa kaniya ni Ramon. "Wala kang dapat ipag-alala sa akin, Ramon. Kung gusto mo nga sa isang hotel ka na magpalipas ng gabi malapit lang iyon dito, isa pa ligtas ka d'on.." suhestyon ni Megan dito. Bigla ang siyang pagbitiw ni Ramon nang kamay nito sa balikat niya at binaba ito sa tabi niya. "Hotel?" "Oo. Malapit lang 'yon dito, pwedi kitang samahan kung gusto mo, Zach---"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD