IKASIYAM NA KABANATA

918 Words
IKASIYAM NA KABANATA DAHIL naging maayos na ang lahat at tumawag na sa kaniya si Ramon. Inasikaso niya na ang magiging trabaho niya kay Kidlat--- mula sa damit hanggang sa babaunin niya pagpasok. Nagpasya na lamang siyang sandwich na lang ang ihahanda niya. Malayo ang Tagaytay mula sa tinutuluyan niyang condo ni Ramon, pero dahil may free shuttle naman si Kidlat kaya hindi naman siya kinakabahan na baka mahuhuli siya. Kabisado niya ang sarili kung may mahalagang pupuntahan, madalas naman siyang umagang nagigising lalo na kung trabaho ang usapan. Hindi niya na muna aabalahin ang sariling tawagan ulit ang boyfriend niya, hahayaan niya muna itong magpahinga. Ayaw niya ng maka-abala dito kung ano man ang ginagawa nito. Gabi na rin baka nagpapahinga na rin ito, ang tinatakbo ng isipan niya. I-te-text niya na lang ito, para ibilin ang ilang bagay na kailangan nitong gawin. Nag-note din siya sa sariling ang unang-una nyang gagawin kung gigising siya ay ang tawagan mismo si Ramon. Tiwala naman siyang ito agad ang gagawin sa kaniya ng fiance niya, hindi naman ito kailanman nakakalimot sa kaniya, nag-aalala lang siguro siya dahil dapat maaga ang dating nito sa Dumaguete--- kabado siya sa byahe. Bigla-bigla na lang din kasi ang kabang naramdaman niya nang hindi pa tumatawag sa kaniya si Ramon, buti na lang at tumawag agad ito bago pa siya mainis. NAPANGITI si Leonora sa sarili. Ngayon sigurado na siyang kumpleto na ang lahat dahil finally nakilala na ni Ramon si Megan, ganoon din ang nakababatang kapatid niya. Malaking pagkakataon din para sa kaniya ang pag-uwi ni Ramon sa Dumaguet at kahit hindi siya nito kasama ay ayos na lang din para sa kaniya. "Sana makapalagayan nila ang loob ng isa't isa---" bulong ni Leonora sa sarili. Nagpasya na siyang ayusin ang sarili at magpapahinga na siya, maaga man para matulog kailangan niya ng ihanda ang sarili sa isang-araw na trabahong kahaharapin niya kinabukasan. -- PASADO alas-nuevi na ng gabi pero nasa isang waiting shed pa rin si Megan at Ramon, halos wala pa rin tigil ang malakas na buhos na ulan. Kanina pa hindi mapakali si Ramon sa tabi niya sa mataas ng tubig sa paligid--- narinig pa nilang dalawa na baha na raw ang daan papuntang Isla Talisay, kung sini-swerte ka nga naman ang bulong sa isipan ni Megan. Kanina hiniling niya lang na makasama pa ng matagal si Ramon, pero heto at agad naman 'yong natupad dahil kasama niya pa rin si Ramon. "Hindi ka ba pagagalitan sa inyo, Megan? Malalim na ang gabi, hindi ko rin matawagan si Leonora para tawagan ang mama mo't sunduin ka dito," sabi sa kaniya ni Ramon. Napa-iling-iling siya para kunwa hindi na ito mag-aalala, magsisinungaling na lang siya na hindi namna siya pagagalitan sa kanila. Kahit na ang totoo ay malalagot siya sa mama at papa niya, dahil hindi man lang siya nagpaalam sa mga ito. Ngunit sa kagustuhan niyang makasama si Ramon kaya nya gagawin 'yon. Lilipas ang galit ng mama niya, pero ang pagkakataong kasama si Ramon ng matagal ay sandali lang. "Huwag mo akong alalahanin, alam ni mama at papa kung nasaan ako. Ikaw ang inaalala ko't hindi mo kabisado ang lugar na 'to, baka mapano ka lang---" sabi niya dito. Inikot nila ang tingin sa paligid, halos wala na ring sasakyan na magdadala sa kanila sa aplaya. "Hindi ko inaasahan 'to," sabi sa kaniya ni Ramon. Kahit siya hindi nya naman inaasahan ang bagay na iyon. Para sa kaniya tinutupad lang ng universe ang hiling ng puso niya at mas lalo siyang matutuwa kung makukumbinse niyang sa isang hotel na lang na malapit sila magpapalipas ng gabi. "May matutulugan ba dito? Bukas na lang ako pupunta ng Isla Talisay," ilang sandaling turan sa kanya ni Ramon. Pumalakpak ang teynga ni Megan, kay bilis naman dinggin ng hiling niya, bulong ng isip niya. "Oo malapit lang. Nakikita mo ba 'yong building na 'yon, doon lang.." sagot ni Megan, kasabay ang pagturo ng isang may kataasang building sa unahan nila. Iyon ang tinutukoy niyang hotel kay Ramon. Nabanggit niya na iyon kanina sa binata, pero hindi man lang siya nito pinansin. "Ano'ng balak mo? D'on ka na lang ba muna magpapalipas ng gabi?" tanong niya rito. Pero ang puso niya nanalangin na sana isama siya ni Ramon. "I don't have choice, Megan. Ayaw din kitang mapahamak sa inyo, kaya kailangan na muna natin magpahinga." Lihim na napangiti si Megan--- ibig sabihin kasama siya ni Ramon. Swerte niya yata ang araw na iyon, pakiramdam niya malaki ang naitulong sa kaniya ng outfit niya--- kahit ang totoo kanina pa siya nilalamig dahil sa panahon. Hindi ito ininda ni Megan, dahil ang mahalaga para sa kanya makakasama niya pa si Ramon. "Sigurado ka ba?" "Oo. Let's go?" ani pa sa kaniya. Magpapakipot pa ba siya. E, 'diba yon ang gusto nya. "Tara na. Hahanap na lang tayo maghahatid sa atin, malapit lang naman 'yon," aniya dito. Baka kasi magpabo pa ang desisyon nito kaya kailangan niya ng ayain pa si Ramon. "Sorry, Megan. Hindi ko inasaahan 'to." "Huwag kang mag-alalal para sa kin, Ramon. Ikaw nga 'tong inaalala ko at baka nag-alala na sa'yo si Leonora---" aniya dito. "Ako ang bahala kay Leonora. Halika na." Nagpaitunang tumayo si Ramon kaya sumunod na siya dito. Isang makabuluhang ngiti ang pinapakalan niya, umaayon sa kaniya ang tadhana. Mas lalong sumisidhi ang sigaw ng damdamin niyang sa isa't isa sila ni Ramon ang nakatadhanang dalawa at wala ng iba pa. Dahil sa gabing 'to sisiguraduhin niyang may magbabago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD